#14: Emilyn (PART 1)

5.8K 98 22
                                    

Helo, my dear readers! Ang Emilyn ay binubuo ng LIMANG part at ang istoryang ito ay nabuo lamang sa imahinasyon ng may-akda. Salamat..

———————————————

"Bawat pagkakamali, pinagbabayaran..

At bawat pagkakasala ay may nakaatang na parusang..

KAMATAYAN.."                                                   

>>>>>>>>>>>>>>Emilyn (UNANG KABANATA)<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

"Ipa-abort natin ang bata." Wika ni Lucas sa kanyang asawang si Cristine.

Naghari ang katahimikan sa dalawa..

Napabuntong hininga si Cristine, bago nagsalita.

"Pero Lucas, pagpinalaglag natin ang bata...Magkakasala tayo.."

"Pero, Cristine yang batang yan ay ang bunga ng kademonyohang ginawa sayo ni Raphael!" sigaw ng kanyang asawang si Lucas.

Napayuko si Cristine..

"L-lucas, hayaan mong iluwal ko ang bata, pwede naman nating iwan siya sa bahay ampunan eh... Pero nagmamakaawa ako sayo.. Wag tayong PUMATAY!" pagmamakaawa ni Crisitine sa kanyang asawa.

Mariin na pinikit ni Lucas ang kanyang mga mata, na wari ba'y nagtitimpi..

Napabuntong hininga siya..

"Sige, pero, pagniluwal mo ang bata...Iiwan natin siya sa ampunan.." wika ni Lucas.

Pilit na ngumiti si Cristine..

Ayaw niya mang isipin, ngunit nagbunga ang pangagahasa sa kanya ng isang mangkukulam, mangkukulam na umibig sa kanya at iyon ay si Raphael isang mangkukulam na nakatira sa kanilang lugar. Ngunit ayaw sa kaniya ni Cristine pagkat mahal ni Cristine si Lucas, kaya naisip ni Rapahael na gahasain si Cristine dahil sa obsession.

Makailang araw ang lumipas pagkatapos ng insidenteng iyon ay nabalitaan niya na nagpakamatay si Rapahael..

Ilang buwan ang lumipas heto't nagbunga ang isang kasalanan.

Unti-unti ng lumalaki ang tiyan ni Cristine at hindi nagtagal ay nagluwal siya ng isang batang babae at pinangalan nila itong Emilyn..

"Lucas, parang hindi ko na kayang itapon ang batang ito sa ampunan, napalapit na ang loob ko sa kanya.." wika ni Cristine habang pinapatulog ang sangol na kanyang karga..

"Alam ko, aminin mo man o hindi tangap ko.. Alam mo Cristine kahit masakit para sa akin, tatangapin ko na ang batang iyan.. Pero, Cristine ipangako mo na ako ang ipapakilala mong ama sa kanya.." malumanay na  sabi ni Lucas.

Alam ni Cristine na masakit iyon para kay Lucas, sadyang maswerte lang siya dahil nakakuha siya ng asawang katulad ni Lucas.. Mabait at maunawain..

Ilang taon ang lumipas, at lumaki si Emilyn na ang kinikikilalang ama ay si  Lucas.. Ngayon ay walong taong gulang na siya.

"Mommy, bat maraming sinungaling sa mundo? Bat maraming taong piliy na tinatago ang katotohanan?.." wika ni Emilyn habang sinusuklayan ni Cristine sa harap ng malaking salamin na nasa kwarto ng bata.

"Ha-ah anong ibig mong sabihin anak?" nagtatakang tanong ni Cristine.

"Wala naman po." Sabi ni Emilyn at matamis na ngumiti sa ina..

"Ikaw talagang bat aka! Oo, o siya naubos mo na ba yung milk mo?"  tanong ng ina habang inaalalayan ang anak sa paghiga sa kama..

Tumabi si Cristine sa bata at marahang hinalikan ang anak sa noo.

"Ikaw mommy... May sekreto ba kayong tinatago sa akin ni Daddy?"

Awtomatikong napakunot ang noo ni Cristine..

"Bakit mo naman natanong yun anak?"

"Wala po, naninigurado lang po, baka kasi...MAYROON KAYONG TINATAGO SA AKIN.." nakangiting sabi ni Emilyn..

"Ano ka ba anak.. Wala.. Wala ka-kaming tinatago sayo.. Ma-maigi pa matulog ka na.. Masyado ka yatang napagod sa school.." sabi ni Cristine at agad na tumayo at kinumutan ang anak.

"si-sige anak, Goodnight.." nauutal na sabi ni Cristine.

"psh... sinungaling.."

Pabulong na sabi ni Emilyn.. Ngunit sapat na iyon upang marinig ito ni Cristine.

"May sinabi ka anak?" tanong ni Cristine..

"Wala po mommy.. matutulog na po ako.." sabi ni Emilyn at muling ngumiti ng ubod ng tamis..

Tuamngo nalamang si Cristine.. Hinawakan na niya nag doorknob ng pintuan ng kwarto ni Emilyn.. Ngunit nangimbal siya sa huling sinabi ni Emilyn..

"...Goodnight... Cristine..... aking mahal.."

——————-

Naguguluhan at nabitin ba kayo? Well, simula palang naman kaya wag masyadong ekzeyted oki! Hihi

Ey! Voice out your opinions bawala ng silent! Comment.comment.comment! ^^


 "Never trust the girl named EMILYN"

Tagalog Horror Stories(The Forbidden Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon