"Y-Yes, Sir." Sagot namin.

"Pero paano ninyo pagtatakpan ang tungkol sa ating mga glitch?" Tanong ni Teddy.

"Asosasyon na ang mag-aasikaso sa bagay na iyan. Isa sa mga paraan na naiisip nila ay ang paggamit sa kapangyarihan ni Jamie," napatingin ako kay Sir Warren. "Uutusan ni Jamie ang mga tao via live broadcast na kalimutan nila ang nangyari ngayong araw, pero siyempre, hindi lahat ng tao ay makanonood kung kaya't kinakailangan—"

"Kaya kong paglahuin ang lahat ng namatay," biglang nagtaas ng kamay si Jessica. "Ngayong wala na si Deathevn ay nanumbalik na ang lahat sa normal maging ang devil hour... kaya kong paglahuin lahat ng namatay sa devil hour... at kapag naglaho sila sa Devil hour ay mabubura lamang sila sa mga alaala ng mga normal na tao." Seryosong paliwanag niya.

"But it will consumed you a lot of your magic, Jessica." Claire said.

"Para matapos na." Jessica weakly smiled. "Hindi rin naman natin puwedeng ipagsigawan sa buong mundo na mga glitches tayo... it's the least thing that I can do. A-Ayokong matawag lang na mga halimaw ang mga susunod na henerasyon dahil lang may kakaiba silang kapangyarihan."

"K-Kung mapaglalaho mo ang mga taong namatay sa devil hour... mame-maintain ang balanse ng mundo at ang poproblemahin na lang ng Asosasyon ay kung paano maipaliliwanag ang mga nasirang gusali sa Maynila." Sabi ni Sir Warren at napatango si Jessica.

Apparently, kaya niyang paglahuin ang mga namatay sa oras ng devil hour ngunt hindi niya maibabalik sa ayos ang mga nasirang imprastraktura lalo na't naganap ang labanan nang hindi umiiral amg Dwvil hour.

"Puwede ninyo naman sabihin na may terorista talagang nagbomba sa Maynila para hindi na kayo mahirapan sa alibi, Sir," Ace suggested. "Wala din naman kami sa posisyon na magsalita para sa lahat ng glitches... mas mabuti nga siguro na manatiling sikreto ang tungkol sa atin."

Sir Warren snapped his finger at tumigil sa pagtakbo ng oras at huminto ang lahat ng nasa paligid. Nakasunod kaming naglakad kasama si Sir Warren papaakyat sa isang mataas na gusali na masuwerteng hindi nagiba dahil sa gulo. Marami itong basag na salamin na may bahid ng dugo. May ilang patay na tao rin kaming nadaanan at hindi ko maiwasang mapapikit.

Wala talagang perfect ending, we managed to saved the world pero kaakibat noon ay ang pagkadamay ng libo-libong buhay. Masaya ako na natapos na ang pinakamalaking paban ng mga glitches pero at the same time, nalungkot ako para sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay.

Pagkaakyat namin sa tuktok ng building ay tanaw na tanaw ang magulo at sira-sirang bahagi ng Maynila. The remaining Class Zero stand beside Jessica.

Pinagmasdan namin ang buong paligid. Ang bitak-bitak na daan, mga building na natumba o nasira, mga dugo sa paligid.

Humakbang papahakbang si Jessica.

"Para sa panibagong simula." Lumingon siya sa amin at ngumiti.

Nagkatinginan kami nila Seven at naghawak-hawak ng kamay. Napaluha ako dahil dito nag-sink in para sa akin na nagbunga ang ilang buwan na pakikipaglaban namin... isang magandang bunga.

Ilang buhay ang nawala para sa pagsulong namin, ilang laban ang pinagdaanan namin, ilang luha ang ibinuhos namin sa bawat hakbang namin pasulong, ilang beses din kaming natumba at tumayo ulit... ngayon nandito na kami.

"Para sa panibagong simula." Pumatak ang luha ko habang pinagmamasdan si Jessica na gamitin ang kanyang ability.

Ipinagsalikop ni Jessica ang kanyang palad na animo'y nagdasal... nagkaroon ng liwanag ang buong paligid na kay ganda sa paningin.

Napatingin ako sa buong ka-Maynilaan at may mga makikinang na abo na umaangat papaakyat sa kalangitan. It was a breath taking scenario for us. Ipinaglaban namin ang bagay na ito mula sa simula.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon