chapter 18

38.1K 682 90
                                    



A/N: hi, hello! thank you sa pagsagot sa tanong ko. lahat ng sinuggest niyo gagawan ko ng paraan para matupad. :D

Look at the media!!!!!!

thank you sa support talaga. nakakatuwa. lalo na sa mga mahahabang messages niyo. binabasa ko yun. salamat talaga. :D

thank you sa pagbasa sa kabaliwan ko. sa pag appreciate sa mga kwento ko, and i swear, hindi ko inexpect yung reception na natatanggap ko. :D

sa mga nanghihinhi ng POV ni Dennise. oh eto na!

pero joke lang. wala munang POV ni Dennise. ayoko lagyan. kasi kung lalagyan ko, malalaman niyo na flow ng story diba? wala ng excitement.
gustong gusto ko pa naman pag nabibitin kayo sa updates ko. hahahahaha.

another filler chapter pala.

here you go!

Maddie P.O.V

Pabalik na ako sa bahay nila Alyssa, inayos ko lang ang dapat ayusin sa restaurant, alam ko namang walang balak si Alyssa na ipaalam sa amin ang nangyari, napilitan lang siguro siya kasi nakita ko nga yung nangyari at siguro dahil sa wala na siyang masandalan, no matter how strong she is, kailangan niya pa din ng kaibigan.

Masyado na siyang mabait. Alam ko naman ang ginagawa niya eh. ayaw niyang masira ang image ni Dennise sa amin. Kaya mas pinili niyang sila lang ang nakakaalam ng nangyari kagabi, though I doubt kung alam ng iba pa naming kaibigan, siguro may napagsabihan din siya.

Pero sigurado ako, wala siyang pinagsabihan except me na nakikipagkita si Dennise kay L.A, I cant blame Dennise, mahal na mahal niya si LA.

Pero hindi ko mainitindihan pa din kung ano nga ba ang nasa utak ng babaeng yun, sabi nga ni Alyssa, all an act ang nakita namin sa Zambales, pero yung sweetness talaga ng dalawa, hindi mo maikakaila na totoo, yung pagiging possessive ni Den kay Aly during that trip, yung pag aalaga niya kay Alyssa, I swear, there's something real in it.

Hindi ko pa nakita si Dennise na ganun makakapit kay LA. Ni hindi mo mapaghiwalay ang dalawa, kahit noong pauwi na, ang higpit ng kapit nila sa isa't-isa na akala mo mawawala kung may bibitaw.

Ang gulo nila parehas! Sumasakit ulo ko sa kakaisip! Ang sarap nila pag untugin na dalawa.

Ng makarating ako sa bahay nila Aly, ay dali dali akong bumaba at nag doorbell, pinagbuksan naman ako ng guard nila.

Ma'am, umalis po kanina si Ma'am Alyssa. Sabi nito ng makita ako.

Ha? Saan siya pumunta? Tanong ko dito, eh sabi ko dun magpahinga siya at babalik na lang ako.

Hindi po namin alam eh. bigla na lang po umalis. Halata naman na hindi talaga nito alam kaya nagpasalamat na lang ako at sumakay na lang ulit ng sasakyan

Pagsakay ay sinuot ko ang Bluetooth earphones ko. tsaka nagsimulang tumawag para malaman kung nasan si Alyssa. Tinawagan ko muna ang mga kaibigan namin, sila A, Gretchen, Marge, Rex at Robi. Pero lahat hindi alam kung nasaan siya.

Parang nagulat pa nga sila na hinahanap ko siya. I guess, hindi pa nila alam. Hindi ko naman alam kung sasabihin ko sakanila. Im not in the right place to do so.

Tumawag na din ako sa secretary niya, pero kabilin bilinan daw niya na wag ipapaalam kung saan siya pupunta.

Kaya naman, tinext ko na lang ng tinext si Alyssa. Medyo nag aalala din ako. high pa eto sa emotions niya ngayon. Baka mamaya kung ano pa ang gawin sarili.

Ng hindi ko siya ma contact ay triny ko naman si Denden. pero cannot be reached ang phone niya.

Hindi ko naman alam kung pupuntahan ko ba sa bahay nila or what.

A Thousand MatchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon