Chapter 23 { Don't know what to do }

195 8 0
                                    

Jomar's POV.

Mag tatakip silim na pero patuloy parin ako sa pag hahanap kay leo, buti nalang at ibinalita ni megs saakin na kahapon pa ng umaga nawawala si leo ay hindi ko pa malalaman ang lahat.

Galing kasi ako ng maynila dahil nag deliver kami ng mga produkto mula sa aming bukid at sakto pagka umaga pagka dating na pagkadating ay sinalubong agad ako ni megs at inilahad ang lahat ng nangyari.

Ang kapal talaga ng mukha ng aljohn na yun, ipinaubaya ko si leo sa kanya pero sasaktan lang pala niya ang taong mahal ko. Hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat upang ilayo siya kay aljhon kung ganito rin lang ang kanyang sasapitin. Mahanap ko lang talaga si leo at ilalayo ko na siya.

Sobrang hirap niyang hanapin dahil wala siya sa halos lahat ng lagi naming pinupuntahan wala din siyang dalang cellphone kaya di siya ma kontak, maging sa ibang kakilala namin ay napag tanungan ko na din pero maging sila ay hindi nila alam lahat kung nasaan si leo. Imposible din naman na lumuwas iyon ng maynila dahil wala naman daw iyong dalang pera wika ni aling minda na naka salubong ko rin sa pag hahanap sa bayan kaninang tanghali.

Kasama ko ngayon sa pag hahanap ang tatlong bata, at sobrang pasalamat ako sa mga batang ito dahil kahit ano man ang nangyari saakin ay hindi nila ako iniwan at lagi silang nariyan para damayan ako. 

Patungo kaming muli ngayon sa ilog dahil malakas ang kutob ko na narito lang talaga si leo dahil hindi naman iyon makaka layo ng basta basta.

"LEO!!!.....LEO......!!!

"kuya leo, kuya leo nasaan ka!.... Kuya leo mag pakita ka naman na oh!!...."
Sigaw ng mga bata.

"Leo!!!!....." patuloy lang kami sa pag lalakad sa gilid ng pampang baka nasa  isa lang sa mga kweba sa gilid ng ilog si leo.

Halos marating na namin ang pinaka dulo ng ilog ng may nakita akong bulaklak ng bogumbilya sa buhanginan. Bigla akong kinabahan ibig sabihin may nag tungo rito.

"LEO!!... LEO!!!" kinakabahan kong sigaw at nag dali dali ako sa unahan at doon nakita ko ang walang malay na katawan ni leo, maputla, bakas ang tuyong mga luha sa kanyang mga mata, at tuyuang mga labi. Halatang dehydrated siya. Pinabayaan na niya ang kanyang sarili.

Binuhat ko ang kanyang katawan, ramdam ko ang hirap sa kanyang paghinga. Napaka init din ng kanyang nanginginig na katawan.

"Kuya jomar anong nangyari kay kuya leo? Oo nga kuya jomar bakit wala siyang malay? Kawawa naman si kuya leo." wika ng mga bata mula sa aking likuran.

Sobra akong nasasaktan sa kalagayan ng taong mahal ko. Sana.... Sana kung ako nalang ang minahal niya.. hindi niya mararanasan ang lahat ng ito.

Hindi ko na din napigilan ang mapaluha sa sobrang sakit na aking nararamdaman at ang galit ko para kay aljhon ay mas lalong umusbong.

Hinalikan ko sa noo si leo kasabay ng pag patak ng aking luha " Ilalayo na kita dito leo sa ayaw at sa gusto mo, hindi kita kayang makitang nagkaka ganito."

----
Isang lingo na ang nakaka lipas hindi padin nagigising si leo.

Madaming beses na nag tangkang makita ni aljhon si leo pero hindi ako pumayag. Pero alam kong hindi sapat noon ang panghaharang ko sa kanya kaya inilipat ko ng ospital si leo ngunit hindi ko padin maitago ng maayos si leo kayat nahanap parin niya kami.

Nasa harap ko ngayon si aljhon sa puntuan ng kwarto ng hospital room ni leo.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit na binigay mo sa kanya? para sundan mo siya hanggang dito?"

Free Spirit BoyWhere stories live. Discover now