Episode 16 { Dengue }

209 13 0
                                    

Niyakap ako ni jomar at tinipa tipa ang aking likuran. "Cge iiyak mo lang yan, andito lang ako, makikinig ako, teka bat ang init mo, mataas ang lagnat mo!?" hinaplos ni jomar ang mukha at leeg ni leo para kumpirmahin ang kanyang naramdaman, at mainit nga talaga ang katawan ni leo ng mga oras na iyon.

Sa oras na iyon hindi alam ng dalawa na naka sunod si aljohn at nakita ang kanilang tagpo. Makikita sa mukha ni aljohn ang inis at galit, bagay na hindi niya dapat maramdaman at hindi niya maintindihan kung bakit siya naiinis sa kanyang nakita.

"hindi lang maganda ang pakiramdam ko, pero ayos lang yan malayo yan sa bituka." paliwanag ni leo kasabay ng pag ubo nito, ayaw niyang masyadong mag alala si jomar sa kanya dahil narin sa ayaw niyang maging pabigat dito.

"anong ayos lang? Napaka init mo! Wag ka munang mag buras, mag pahinga ka muna, kung gusto mo sa bahay ka muna mag pahinga, hindi muna ako mag buburas para mabantayan kita."

"k'kaya k'ko nuhman, t't'tara na" nag lakad pa si leo ng ilang hakbang patungo sa uma kung saan sila dapat mag buburas ng bigla siyang nahilo at muntik ng bumagsak sa kalsada dahil sa pagkawala ng malay nito mabuti nalamang at maagap si jomar at nasapo niya agad ang bisig ni leo upang di bumagsak.

"Leo! leo! Gumising ka leo!" halos hindi niya malaman ang gagawin niya, nilagay ni jomar ang hintuturo niya sa ilong ni leo para alamin kung humihinga pa, ng makumpirma niya na humihinga pa ay kakargahin na niya si leo para dalhin sa ospital ng biglang dumating si aljohn may dalang owner na sasakyan.

Ihininto agad ni aljohn ang sasakyan at lumapit sa dalawa, sinipat ang pulso ni leo maging ang ilong kung humihinga. Napaka bilis kumilos ni aljohn, kahit na mahigit isang taon siyang tulog at wala sa serbisyo ay tila ganoon kabilis na refresh sa kanya ang mga dapat gawin. Napag matyagan ni aljohn ang buong pangyayari kayat napag handaan niya ang dapat gawin at nag dala siya agad ng sasakyan.

Sa bahay palang kasi ay naramdaman niya na ang mainit na singaw ng katawan ni leo kaya hindi siya napanatag at sinundan niya ito.

"Akin na si leo, ako na ang mag dadala sa ospital!" may command ang kanyang boses.

"Kung dadalhin mo siya sasama ako, hindi ko siya pwedeng ipag katiwala sayo.!" hindi siya nagpa daig kay aljohn. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na ang taong kaharap niya ang dahilan ng sama ng loob ni leo, at marahil siya rin ang dahilan kung bakit umiiyak kanina si leo.

"Hindi akin na siya!" pilit inaalis ni aljohn ang kamay ni jomar mula sa pag kakahawak sa katawan ni leo ngunit hindi niya maialis dahil may kalakasan din si jomar. "Ano ba? Sabing akin na eh!!"

"Hinde! Sasama ako! Wala akong tiwala sa'yo.!!"

Habang nag aagawan ang dalawa ay dumating naman ang mag asawang alfred at minda lulan ng motor siklo "Anong nangyari? Bakit walang malay si leo?" tanong ng mag asawa, at bakas sa kanilang mukha ang pag aalala at pagkabahala, si aljohn ang pakay nilang sundan kanina dahil ng nakita nilang nagmamadali si aljohn ng kunin ang owner at tanungin kung saan ito pupunta at ano ang pag gagamitan ay hindi sila nagawang sagutin kaya kaya sumunod sila.

"Wag na kayong mag talo, jomar isakay mo na si leo sa owner, sumama ka narin, aljohn bilisan mong mag drive pupunta tayo ng ospital!" utos ni mang alfred sa dalawang binata.

Mabilis na pinatakbo ni aljohn ang owner papuntang ospital kasama kasama sina aling minda, jomar, at leo. Sa motor naman na nasa unahan nila ay si mang alfred na labis ang pag aalala.

Habang nasa daan ay kalong kalong ni jomar si leo, habang si aling minda naman ay minomonitor ang temperature nito na pataas ng pataas.

Mula sa salamin ay kita ni aljohn ang sitwasyon sa loob dahilan para manlisik ang kanyang mga mata at mag kiskisan ang kanyang itaas at ibabang mga ngipin.

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon