Chapter 23: It's Our Day... TROPA'S DAY!

11 0 0
                                    

December 23, nagyayayaan na kami para sa pasko.

Kaso naman, hindi daw pwede si Marcus ng December 25. Samantalang yung iba naman ay pwede.

Saka marami daw kasing tao sa mall kapag December 25. Kaya wag na daw kaming makisabay sa kanila.

Kaya naman sa December 27 ang napagkasunduan namin. Mabuti na lang, walang pasok sa company para sa OJT namin. Kaya naman pwede kaming sumama nila Gelai, Micah at Bettina.

***

December 26, napagtripan namin nila Micah manggood time sa text.

So, ang napagtripan naming i-good time ay si Marcus. Hindi ko alam, pati pala ako ay mapagti-tripan ni Micah through text.

"Casey, crush ka rin pala ni Marcus, eh." sabi sa akin ni Micah.

"Weh? Di nga?" sabi ko naman sa kanya. Hindi kasi ako makapaniwala.

"Kahit tanungin mo pa siya." huwaw naman! May confession bang magaganap?

Dahil curious nga ako kung crush din ako ni Marcus ay sumang-ayon ako kay Micah. Itinext ko nga si Marcus.

"Marcus, may tanong ako." pasakalye ko sa kanya.

"Ano yun?"

"May crush ka rin ba sa mga girlfriends ko?"

"Crush?"

"Yeah. Crush, as in hinahangaan."

"Hahaha. Meron naman."

Hala! Meron daw? Sino naman kaya? "Talaga? Sino?"

"Secret!"

Wee! Pang-asar lang si Marcus, may nalalaman pang secret. Tsk! "Sino nga?"

"Lahat kayo!"

Omo! Lahat daw kami? As in, kasali ako? Di nga? "Whew! Ang dami naman. Sino nga?"

"Lahat nga kayo."

"Bakit lahat kami?"

"Eh humahanga ako sa inyo eh."

Ang corny ng answer 'noh?

"Eh sino ang pinaka-crush mo?" dumada-moves ako sa tanong eh. Hahaha.

"Si Micah... At saka... Ikaw."

Uwaaaa! Kasali ako? Crush din ako ng crush ko? Waaaaah! "Hindi nga? Crush mo ako?" Hindi ako makapaniwala, swear!

"Oo nga."

Hala ka? Totoo nga yung sinasabi sa akin ni Micah. Hindi nga ako pinagtitripan. Crush ako ng crush ko?? Totoo ba ito?

"Hindi nga? Pati ako, crush mo?"

"Oo nga."

"Kailan pa?"

"Ewan ko kung kailan."

Hala ka! Hindi niya alam kung kailan niya ako hinangaan?

"Siguro nung high school pa tayo." text pa niya ulit.

Uwaaa! Kailan yun? Crush ko na siya noong high school pa lang kami. "Talaga?"

"Oo."

Weeee! Kinikilig naman ako. Hahaha! Makaamin na rin kaya? Bahala na nga. "May confession pala ako."

"Ano yun?"

"Alam mo, noong high school tayo. Crush na kita." Waaah! Hala ako. Umamin na ako sa kanya.

"Oh? Parehas pala tayo?" Ayeah! Parehas daw kami. Weee!

"Hala ka! Ang astig naman. Parang noong high school tayo, two school years tayo naging magkaklase. Tapos, noong nag-take tayo ng Nat'l Achievement Test natin. Parehas tayong nasa iisang slot number. Tapos ngayon, parehas pala nating crush ang isa't isa. Nakakatuwa naman." Ang ganda ng realization ko 'noh? Hahaha.

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon