“Oh Fajra maayos na ba pakiramdam mo? Nawalan ka ng malay kagabi dahil ang taas ng lagnat mo. Sa susunod mag iingat ka, tingnan mo nangyari sayo” pagpapaalala ni Nay Feli. Mabait naman talaga si Nay Feli, kamukha lang niya talaga si Miss Michin kaya nagmumukhang mataray.

Tahimik ata itong si Frost ngayon. Himala hindi ako sinusumbatan ng kung ano anong masasakit na salita. Napansin kong kapag titingin ako sa kanya ay iiwas siya. Anong sumapi sa mokong na ito at ganito ito. Kumuha nalang ako ng pagkain at sumabay na kay Frost kumain sa lamesa. Siguro naman okay lang na sumabaya ko sa kanya diba, jusko naman baka gawin niya pang issue pati ito. Biglang tumunog ang telepono ko. Si Lolo Salvador.

“Hello po Lolo Salvador bakit po kayo napatawag?” napatingin sakin si Frost pero iniwas niya lang din ang tingin at tinuloy ang pag kain.

“Okay na po ako ngayon huwag na po kayo mag-alala. Mas malakas pa kaya ako sa kalabaw” pagbibiro ko.

“Opo. Nandito po. Sige po sasabihin ko. Kayo din po Lolo mag-iingat kayo.” binalingan ko si Frost at halatang expected na niya na may sasabihin ako.

“Kakausapin ka daw ng Lolo mo mamaya” wala gana kong sambit sa kanya at muling binalik ang atensyon sa pagkain. Hindi na rin naman siya kumibo hanggang sa matapos siyang kumain.

“What’s up Lo? Bakit gusto mo daw ako makausap?” pinasigla niya ang kanyang boses para hindi mahalatang kinakabahan. Baka nalaman ng kanyang Lolo na siya ang may pakana ng lahat ng nangyari kay Fajra.

“About Fajra. Are you sure wala kang ginagawang masama sa kanya?” parang siguradong sigurado ang kanyang Lolo na siya agad ang may kagagawan.

“Of course not Lolo, hindi ko nga siya pinapakialaman sa mga ginawa niya. And why would I do such bad things to her? Pinalaki mo akong mabait at pogi, Lo” dinadaan nalang niya sa biro. Wag lang mahuli dahil yari talaga ako pag nagkataon.

“Hindi ako nakikipaglokohan sayo Frost, I have this feeling na may kinalaman ka sa nangyari kay Fajra. I want you to look after her. Siguraduhin mong walang mananakit sa kanya.” bakit parang baliktad na ang nangyayari.

“I thought Fajra is my Yaya, Lo? Bakit parang ako ang naging body guard niya?” nahihibang na talaga ang Lolo niya. Tiwalang tiwala talaga siya kay Fajra. Parang mas apo nga ang turing niya dito kaysa sa kanya.

“Oh, I thought you’re not eight years old who don’t need a goddamn Yaya” mimicking his voice.

“Lolo naman. I can’t do that. Sa iba mo nalang siya pabantayan. I have a life too. I don’t want to spend my time following Fajra” nagrereklamo niyang sambit. Bakit ba mas pumapabor na si Lolo kay Fajra kaysa sakin.

“I didn’t said na sundan mo siya, what I said is siguraduhin mo lang na walang mangyayari ulit na masama sa kanya. Pag hindi ka sumunod cut ang allowance mo for 2 months” binaba na ng Lolo niya ang tawag. Ang unfair naman noon.

Kung kagabi ay naawa na siya kay Fajra, pero ngayon ay muling nabuhay ang insi niya para dito. Ng dahil sa kanya minemenos ako ni Lolo. I’m the one who is pulling prank on her, yet Lolo asked me to protect her, how iconic.

Lumipas ang isang linggo at nawawala na ang mga pasa sa katawan ko. Nakakapag lakad na din ako ng maayos. Muli akong pumasok sa school. Kailangan kong makahabol sa lectures ng klase. Nasa bingit ako ng pagiging estudyante at tambay. Pag nawalan ako ng scholarship tambay ang ending ko.

“Ohh you look fine na, pero mukha ka parin basura” pang iinis sakin ni Chloe

“Kawawa ka naman Fajra wala kang kaibigan sa school, expect that this won't be the last time na magkakaganyan ka sa school” usal ni Stacy sabay tawa.

Babysitting the Campus KingWhere stories live. Discover now