SUNDALO *one shot story*

365 0 0
                                    

“Kawawa naman siya”

 Iyan ang palaging sambit ni Aling Kikay sa tuwing makikita naming si Luisana tila nagmamasid o naghihintay malapit sa pinag-iwanan sa kanya ni Roberto. Marahil ay iniintay nya pa rin ito at umaasang magsasama ulit silang magkasintahan. 15 taon na ang nakakaraan, tandang-tanda ko pa noon, palagi kaming naglalaro at nagtatampisaw sa ilog ng mga kaibigan ko habang minamasdan namin ang 2 magkasintahan na naghahanap ng matutuluyan.

Napaka-sarap pagmasdan ng dalawang iyon habang magkahawak ang kanilang kamay at ang mahigpit na yakap ng lalaki sa kanyang minamahal. Nang sumunod na araw pinapunta ako ni Inay sa kanilang bahay upang ibigay ang napakasarap niyang niluto; ang diningding.

Gawa ito sa gulay at isda. May ngiti sa kanyang labi ng ako ay papasukin nya sa kanilang maliit na bahay habang nagwawalis at nagbubunot ng sahig. Maganda, payat, bilog ang mukha, mahaba ang pilikmata at katamtaman ang tangkad. Pinakiusapan din nya akong ilapag na lamang sa mesa ang dinala kong pagkain.

                                        “Ako si Luisa”.

Ayun pala ang pangalan nya. Ang kanyang magagandang ngitit na abot hanggang langit, yun siguro ang nagustuhan sa kanya ni Roberto.

Nagsiuwian na rin ang mga magsasaka para kumain ng kanilang tanghalian at naabutan ako ni Roberto.

May kagwapuhan, may katangkaran at maganda ang pangangatawan. Nagpasya na lamang akong umalis para sila’y makakain ng tanghalian.

“Mamaya ko na lamang babalikan ang pinggan”

 Habang tumakbo ako palabas ng kanilang bahay. Makalipas ng 2 oras ay naibalik na rin ni Luisa sa amin ang pinggan. Maagang umaalis si Roberto sa kanilang bahay upang magtrabaho sa palayan ni Mang Berting.

“Masipag aniyang si Roberto di nagrereklamo kung ano man ang ipagawa mo rito.”

Ang mga ganitong pangyayari ay pangkaraniwan sa aming baryo, ngunit ng magsimula na ang giyera laban sa mga Hapon ay hindi na yun ang mga ginagawa. Palaging tinatago ang mga kababaihan lalo na ang mga kalalakihan dahil baka sila ay kunin ng mga sundalong lumaban sa mga Hapon.

Di na rin kami nakakapaglaro ng aking mga kalaro, palagi kaming nasa loob ng aming bahay at nagdarasal ng taimtim para sa mga taong nasasangkot dito. Hanggang sa sumunod na linggo ay nagpunta ang mga Amerkano at iba pang sundalo upang kumuha ng mga kalalakihan sa aming baryo.

Labag man sa kanilang kalooban ay pinilit sila ibang sundalo, ito raw ay para sa ating bansa. Para raw ay lumaya na tayo sa mga Hapon. Isa rito si Roberto. Iyak ng iyak si Luisa ng pagmasdan ko siya habang papaalis si Roberto.

Kasabay naming umalis ang mga taong napili para sumabak sa labanan. Sabi rin iyon ni Kapitan, baka raw kami ay madamay sa giyerang nangyayari. Marami- rami na rin ang namamatay dahil sa mga hapon na basta raw makakikita ng mga taong may hawak na sandata ay agad-agad itong binabaril o tinutusok ng kanilang boyoneta.

Iniwan ni Roberto si Luisa ng isang pangako, isang pangakong babalik muli ito at ibabalik muli nila ang kanilang pagsasamahan. Habang andun kami sa aming panandaliang tinutuluyan ay nakikita ko sa mukha ni Luisa ang mukha ng pag-aalala at pagtitiwala na muli silang magsasama ni Roberto. 

“Luisa, wag ka nang mag-alala, hindi pababayaan ng Diyos si Roberto. Manalig ka sa kanya. “ habang pinapatahan nya si Luisa.

“ Alam kong babalik siya, wag kang mag-alala”

Iyan na lamang ang aking sinabi sapagkat baka lalo pa’t umiyak si Luisa. Niyakap nya ako at sabay umiyak sa aking uluhan. Hindi ko rin napigilang umiyak dahil sa pag-aalala ko rin sa aking mga matatandang pinsan at mga tiyo na nasabak din sa giyera.

Pagkaraan ng 3 taon ay bumalik na kami sa aming baryo, bakas pa rin doon ang naiwang mga kagamitan at mga nasunog na mga bahay. Mga nasunog na kagamitan sa bahay, mga palayang sinunog, mga alagang hayop na itinali patiwarik sa puno ng mangga, at kung anu-ano pa.

Dali-daling tumakbo si Luisa sa puno ng mangosteen at doon nag-intay ng pagbabalik. Pinapunta ako ni Inay upang tignan si  Luisa. Napakaraming nagbago sa lugar na iyon, ang dami-daming dugo na nahalo sa tubig ilog, mga itak na punong-puno ng dugo, mga patay na lumulutang, at marami pang iba. Pagkaraan ng 3 linggo ay nabalitaan naming kay Kapitan Roel na maraming mga kalapit baryo naming ang namatay, wala man siyang nabalitaan kung ano ang nangyari sa mga tao sa aming baryo.

Tinanong ni Inay kung nasaan ang aking tiyo at mga pinsan. Walang naisagot si Kapitan, sapagkat wala pa siyang nababalitaan doon. Ibig kong tanungin kung nakita man lang nila si Roberto. Ngunit di na ako nagsalita at baka makadagdag pa ako ng problema. Pinakain, dinamitan, at inalagaan namin si Luisa na tila ay nakatutulala na lamang sa malayo, at palaging tinitignan ang puno.

Hanggang sa kinalaunan, ay nabalitaan naming namatay na rin si Roberto. Di na namin ibinalita kay Luisaay dahil baka lalo lang itong maghintay. Makalipas ng maraming taon ay kinailangang  ko na ring umalis para pumunta ng Maynila upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Nandoon pa rin si Luisana naghihintay sa puno. Hinang-hina sapagkat siya’y may edad na at maghapong nakatayo malapit sa puno.

“ Nako, kawawa naman itong si Luisa”

 Sambit ni Aling Kikay. Nagpaalam na ako kay Luisa. Hindi na siya sumagot sa aking pagpapaalam ay dahil siguro ayaw nyang maabala siya sa paghihintay nya kay Roberto. 

Makalipas ng 10 taon ay ibinalita sa akin ni Inay na patay na raw si Luisa. Namatay raw ito sa ilog malapit sa puno ng mangosteen. Nahimatay na lang daw ito bigla-bigla at nang dalhin sa ospital ay huli na raw ang lahat. Ngayon ay 45 taong gulang na ako at may 4 na anak, ay sa tuwing makakakita ako ng matatandang lalaki o babae na naghihintay sa parke o sa kahit saan mang lugar ay naalala ko ang matagal na paghihintay ni Luisa.

A/N 

HAHAH. Ang bilis ko ba magpost ng magpost? Tinatry ko kasing magpost, hanggang kung saan yung kaya ko. Eto yung dati kong ginawa noong ako'y nasa ikalawang taon ng hayskul. 

Sana magustuhan ng ninyo! :) 

Maraming Salamat!

Comment and Be a Fan? 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUNDALO *one shot story*Where stories live. Discover now