"Ano, Chris?! Gusto mo bang pasabugin ko ang ulo ng anak mo huh?!"
Ngumisi si Anton habang hawak hawak nito ang isang umiiyak na batang babae. Nakatutok sa sentido ng bata, ang baril. Sa likuran ng mga ito, makikita ang isang matarik na bangin na kakikitaan ng isang malalim na ilog sa ibaba.
"Nagmamakaawa ako, Anton! Wag mong idamay ang anak ko! Sakin ka galit diba?! Kaya tayong dalawa ang magtuos!" nagmamakaawang sabi ni Chris. Kakikitaan mo ang noo niya na may sugat. May dumadaloy doong dugo.
Tumawa ng demonyo si Anton, "Namatay ang papa ko ng dahil sa inyo! Inatake siya sa puso dahil inagaw mo sa kanya ang titulong "Gangster Kingdom's Heir"! Napunta sayo ang lahat ng pinaghirapan ni papa! At sisiguraduhin kong pagbabayaran mo yon sa pamamagitan ng pagkamatay nitong unica ija mo!" Mas lalong diniinan ni Anton ang baril sa sentido ng batang babae.
Mas lalong lumakas ang iyak ng bata.
"Please, Anton! Tama na! Tumigil ka na! Wag mong idamay ang anak ko!" pagmamakaawa pa rin ni Chris.
Ngumisi si Anton ng demonyo, "Nang dahil sa ginawa mong pang -aagaw sa angkan namin ng titulong yon, buhay ng anak mo ang sisingilin ko! Say goodbye to this world, my little dear!"
Akmang ipuputok na ni Anton sa bata ang baril, nang biglang sumugod si Chris. Inagaw niya sa kamay ni Anton ang baril. Nag-agawan sila.
Nabitawan ni Anton ang batang babae ngunit sa kasamaang palad, dahil sa lakas ng impact, dire-diretsong bumagsak at nahulog sa bangin ang kawawang bata.
"Anaaaakkk!"
Hindi malaman ni Chris ang mararamdaman dahil sa nasaksihan. Hindi niya malubos maisip na mangyayari iyon sa anak.
Kahit tila di na niya kaya, binuhos pa rin ni Chris, ang lakas niya upang mapatumba si Anton.
Ilang minuto pa ang lumipas ng pumutok na ang gatilyo ng baril.
Pinapakiramdaman ni Chris kung siya ang nabaril ngunit wala siyang naramdamang sakit, bagkus, nakita lang niya si Anton na dahan dahang bumabagsak sa lupa habang sumusuka ng dugo.
Ito ang nabaril. Nabaril niya ito sa tiyan.
Di na niya pinalampas pa ang oras, agad siyang nagpunta sa gilid ng bangin at sumilip.
"Anaakkk! Anaakkk ko! Anak! Anak! Nandito na si daddy! Nasaan ka? Anakk!"
Walang nakita si Chris sa bangin na batang babae at dahil doon, sumabog na ang emosyon na kanina pa niya pinipigilan.
Unti unting dumaloy sa mga mata niya ang luha at napahagulgol.
Ang sakit para sa kanya na tanggapin ang reyalidad na maaaring wala na ang kaisa isa niyang anak. Ang sakit ng puso niya ngayon.
Hindi niya kayang tanggapin ang masakit na katotohanan na iyon.
Hindi......
TO BE CONTINUED.....
Comment and vote, guys! Please po!
VOCÊ ESTÁ LENDO
THE CAMPUS NERD'S SECRET IDENTITY
DiversosSamantha Angela Reyes living peacefully with her family. Sa kabila ng kahirapan, nananatili pa ring positibo ang pananaw niya sa buhay. Nagsisikap siya sa pag-aaral. At nagtatrabaho bilang part-time sa isang fast food chain. Because of her persever...
