"HAHAHAHA!! Doc. Kyle, ambangis mo talaga!"

Tss..

(-____-")

"Akin na nga yan.."

"Ipapaframe mo pa ba? Para saan? Bragging rights? Hahahaha..Uy chocolates.." Sabay dampot niya sa Macadamia na nasa kahon.

"Anong kailangan mo?" Pag iiba ko ng topic, malakas mang inis yung Doktor na ito eh, nakasama ko na sya Global..actually sya pala ang nagrefer sa akin dito sa University.

"A..ehrrmm..pwede bang maextend ang sched mo?" Sabi niya sa pagitan ng pagnguya ng chocolates na naarbor niya sakin. (-___-")

"Bakit?"

"Nagleave kasi Prof ng nursing---"

"Anong oras ba yan?" Di ko na sya pinatapos..

"1pm..pwede bang ikaw nalang ang mag sub? Don't worry ililibre kita ng lunch habang nagsasub ka.."

"Sige kukunin ko na load mo dyan, at yung lunch..wag mo na akong ilibre..ang gay."

"Salamat Doc. Kyle!" Sabi nito habang papalabas ng pinto.

"Ipunin mo yan..pag ako nangailangan sa'yo ako lalapit.." I said.

"Noted! Sige, labas na ko.." Natatawa akong napapailing, kinuha ko na ang iPad ko at ilang folders para sa susunod kong klase.

"Ay, hello Sir.."

"Si Doc. Buenaventura! Kyaaaahh, ang pogi talaga niya."

"Prof. ko siya sa BioChem girls!!"

"May girlfriend na kaya si Sir?"

"Ang swerte naman ng blockmate ko, sya pala yung Prof nila!!"

"Anong oras ba klase niya? Magpapatransfer ako dun!"

"Ang pogi niya! Bagay kami diba?"

"I heard nasa 25 pataas age niya..young achiever..kinikilig ako!!"

"Diba nasa magazine sya? Mas bet ko pag personal, mas gwapo.."

Artista ba ako na kailangan talagang pagtsismisan? Nakakabwisit lang, parang gusto ko tuloy magsisi na tinanggap ko ang trabaho dito sa University. Tsss..

---------------------------------------

"Miyuki?" Sumilip ako sa pinto..tama ba yung dinig ko? Pangalan ng babae yun ah?

"Miyuki..ah yeah, pinag iisipan ko na!" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Sino yung Miyuki na kausap ni Vlad?

May babae ba sya?

Oh my God, di ko alam ang kaya kong gawin oras na malaman kong may tinatago syang babae!

"Wala syang nalalaman. Tinatago ko rin." Nag uunahang pumatak ang luha ko. Hayup na yan, wag syang papahuli sakin!

"Okay..okay.. I love you too. Wag ka masyado magworry." Ubos na..sino ba sya?!

"Mama..Mama..Mama.." Agad kong pinunasan ang luha ko.

Napatingin ako sa gawi ni Vlad at nakatingin narin sya sa gawi namin ni Kristoffer. At ang facial expression niya parang nakakita ng multo.

------------------------------

Ito ang Special Chapter na ten-bits. Hahahaha! At least meron.

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now