DISCLAIMER: This a work of fiction. Names, characters, business, places, events, locales, and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, actual events is purely coincidental.
Nakasakay ngayon halos lahat ng students ng Zanssey High School sa bus. Magkakaiba ng bus every section. Nakasunod ito sa ilang nauunang bus. May field trip kasi kami na part ng School Festival. Pupunta kami ng museums and other places na makakatulong rin sa pag-aaral namin.
Kanina pa ako di mapakali dito sa bus, hindi rin ako makatulog kahit medyo puyat ako para dito. Feel ko may masamang mangyayari.
Napatingin ako sa mga kaklase ko sa loob ng bus, at sa katabi kong si Alaia. Lahat sila tulog na, maliban sa akin. Kahit si Ma'am nakatulog na rin.
Haay. I want to sleep, but I'm just not comfortable. Kinuha ko na lang ang earphones ko at nagpatugtog ng music. Kahit di makatulog, dala na rin siguro ng puyat ko, nakatulog pa rin ako.
Nagising ako ng bigla akong maalimpungatan. Bigla akong kinabahan. Aarghh. Di na ulit ako makatulog. Umuulan pala, di ko namalayan, nakatulog nga siguro ako.
Nakatingin na lang ako sa unahan ng bus. Nasa may harap kasi ako, since Alaia's the student body president.
Habang nakatulala, may napansin akong nahuhulog mula sa bangin sa kabilang side ng road. Small Rocks? Dirt?
Napatingin ako sa bangin sa kabila. Laking gulat ko ng makitang gumuguho ang malaking parte ng lupa sa bangin. Landslide. Mabilis ang pag-guho nito deretso sa... mga bus. No.
Kapag nalaglagan kami nun mahuhulog kami sa kabilang side pa ng bangin.
Mamamatay kami...
YOU ARE READING
High School Z
Teen FictionAs a high school student, how many times have you wished to turn back time? Everything seems to happen so fast that you can't keep up. Failures happen yet we still stand for our dreams. Cherishing each moment because we don't know if it's the last...
