From Blake:
Are you sleeping?

To Blake:
Nah! Mag re review pa ako. Ikaw? Ba't hindi ka pa natutulog.

From Blake:
Matutulog na talaga ako. Tinext na muna kita to say good night. Wag masyadong magpuyat kaka review. Pag hindi na kaya, tulog na. Good night. Sweet dreams jei'taime.

Jei'taime? What is that? Minumura niya ba ako? Ay ewan bahala na nga. Hindi ko na siya nireplyan dahil alam kong matutulog na din naman siya. Nag review nalang ako, hanggang sa nakatulog.

Nagising ako kina umagahan, dahil sa alarm. Agad akong tumayo at pumunta sa c.r, para makapag ligo na. Char excited pumasok ah? Walang ano-ano ay agad na akong naligo. Excited na akong makita si Blake ngayong umaga. Inayos ko pa talaga ang pag ligo. Nang matapos na ay agad na din akong nag toothbrush.

After a minutes of preparation, ay natapos na rin ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, na nakangiti. I even put blush on and tint kahit na kakain panaman ako mamaya pag baba ko.

Nang ma kontento na sa itsura, ay agad na din akong bumaba. Muntik na akong mahulog sa hagdan, ng natanaw ko si Blake na nakaupo na sa dining namin at kumakain.

"Good morning." Maligayang pag bati ko sa kanila, pagkadating ko sa dining. I kiss mom and dad's cheeks, bago ako tumungo sa upoan na katabi ni Blake.

"Mornin." He said huskily. Urgh! That voice, sarap gawing ring tone.

"Morning. Hindi ka pinakain sa inyo bhie?" I said, jokingly.

"Ikaw kainin ko dyan eh." He fired back. Inamo, Blake. Tumahimik na tuloy ako.

Pagka tapos naming nag breakfast ay umalis na din kami kaagad. Dahil baka ma late pa kami. Malapit na kaming makarating sa school ng nagsalita si Blake.

"Antayin mo ako mamaya sa canteen at sabay narin tayong umuwi, mamaya." He said. Sabay park ng sasakyan sa parking.

"Hindi pa nga tayo naka pasok. Uwi na agad." I said laughing a bit. "Excited ka masyadong ma solo ako, Blake." I added, then smirk.

"Of course, baby." He said. He then stepped out the car, at umikot papunta sa akin. I unbuckle my seatbelt and Blake help me to stepped out his car. "I want to be with you always, baby." He whispered.

Tumawa nalang ako at nag simula ng maglakad patungong classroom. Hinatid pa rin ako ni Blake. At nang makapasok na ako ay saka siya umalis. Halos mabali ang mga leeg ng aking mga kaklase, ng makita nilang hinatid ako ni Blake. I smirk.

"Wow! Ang aga natin, Lorriane ah?" Kim hissed sabay tawa at punta sa akin. Kasama niya si Jaren na pumasok.

"Oo nga. Parang inspired palaging pumasok." Jaren said, sitting his chair.

"Tumigil nga kayo. Ang aga-aga nambubwisit kayo." I said, inirapan silang dalawa. They then laugh. And mabuti nalang dumating na prof namin, kaya tumigil na sila.

Discussion lang ang ginawa namin the whole 3 hours. Ang bored wala man lang activity. Biglang tumili ang mga kaklase ko, the reason why I look at outside. Ang kumag, nag aantay na pala sa akin sa labas.

"Oy nandito si fafa Blake." Kim said, nanunukso. Kaya agad akong tumayo para puntahan na si Blake.

"Wait lang naman Lorraine, antayin mo naman kami." Jaren hissed at nag lakad narin palabas ng classroom. "Ang sama nito. Porket may sumundo, nang iiwan na." He added kaya binatukan ko na.

"Drama mo oy." I said.

"Hi Blake. Sabay ka sa amin?" Kim ask. Tumango lang si Blake sa kanya at sinabayan ako sa pag lalakad. Nasa likuran namin sina Kim at Jaren.

Nang makarating kami sa cafeteria, ay nag offer si Blake at Jaren na sila na ang oorder, para sa amin. Kaya umupo nalang kami ni Kim sa usual table namin. "Hoy, ikaw Lorraine huh? May hindi ka sinasabi sa akin." He said, sabay turo sa akin.

"Ano?" I ask.

"Ano?" She mocked at me, at inirapan ako. "Kayo na ba ni Blake?" He ask again.

"Hindi ah. Hindi nga nanligaw eh." I said, defensively. "Issue ka masyado." I added, inirapan na din siya ngayon.

"Eh ba't ka niya sinundo?" He ask again.

"Friends lang kami, wag kang ano." I said with finality.

"Friends pa sa ngayon. Just wait and she will become a Montes soon." May nag salita sa aking likuran, and it was Blake with his husky voice. Damn! Napanganga nalang si Kim sa sinabi ni Blake, at si Jaren naman ay napatikhim.

:)
To be continued...

A Mom at Eighteen (On Going) Where stories live. Discover now