Walang emosyong nakatingin ang binata sa bintana ng kotse nila habang pinagmamasdan ang mga tanawin kahit hindi sya nagagandahan dito.
Napatingin naman sa salamin ang manong driver para sulyapan ang binata
"Ano bang meron sa batang ito at ang bigat bigat ng dala, Kala mo pasan nya ang mundo" natatawang Sabi ng manong sa isip kaya napailing nalang ito.
"Take me to mom's mall" walang emosyong Sabi ng 13 na taong gulang na binata. Tumango naman ang driver at saka nag U-turn.
Ngunit ng pagliko nito ay sya ring Pag tawid ng Isang batang babaeng nasa 9 na taong gulang pa lamang.
Natarantang naipreno nya ang sasakyan kaya napahinto sila at rinig ang Isang iyak ng bata.
Parang may kung anong bagay na nagpahinto sa binata ng marinig nya ang iyak nito.
Dali daling bumaba ang driver at nilapitan ang bata. Nakaupo lang ito habang Panay ang iyak dahil sa takot.
"Naku ineng tahan na, pasensya na hindi kita nakita" hinging pasensya ng lalaki habang tinatanaw ang bata. Nanginginig na tumayo ang bata habang walang humpay ang Pag agos ng luha sa Mata niya. Aakmang hahawakan nya na ito ng mapahinto sya
"Don't"
Wala sa sariling napatingin ang driver sa nagsalita. Yung amo nyang walang emosyon ang nakatanaw sa kanya habang may babala na nakaukit sa Mata nito.
Lalo pang hindi makapaniwala ang driver ng maglakad ito patungo sa bata kaya napayuko sya.
May kung anong galit ang nararamdaman ni Veroz habang nakatanaw sa bata na nakayuko habang umiiyak. Nakayukom ang kamaong lumapit sya dito. He hates people around him but he can't understand his self why is he doing this thing. Ang Alam nya lang ay gusto nyang lapitan ang bata.
Dahan dahang nag-angat ng tingin si Jazhmin pangalan ng batang babae...
"Damn" mahinang bulalas ni Veroz ng makita ang mukha ng bata 'her beauty is breathtaking' manghang Sabi nito sa isipan. Mas Lalo pang na cute-tan si Veroz ng makita ang namumula nitong ilong, kitang kita ang pamumula nito dahil parang gatas ang kutis nito.
"Shhh stop crying my queen" pagtatahan nito. Bahagya pang natuod ang driver kaya pa simple syang napatingin sa binata. Bigla naman syang napanganga ng makitang nakangiti ito.
Inabot nito ang panyo sa kanya kaya kinuha Yun ng bata tyaka pinunasan ang luha.
"Thank you po kuya" mahinhin na Sabi ng bata. Bahagya Rin syang namangha ng marinig ang Boses nito. Parang anghel sa isip nya.
"Call me king, not kuya" ngising Sabi ni Veroz
"S-sige po" cute na Sabi nito.
"What's your name?" Tanong ni Veroz, aakmang magsasalita na ito ng may biglang sumigaw
"Jazhmin! " Sigaw ng ginang,
"Aalis na po kami king, kita nalang tayo sa susunod!" Ngiting paalam ni Jazhmin habang tumatakbo at kumakaway.
Her queen is running away from him and that's bullshit!
"Jazhmin huh? We will meet again my queen..." Ngising Sabi nito habng nakatingin sa batang hawak ng ginang.
Bahagya namang napailing ang driver. Mukhang inlababo si sir
>>>>>>
Jazhmin Heurt Tennyson and Veroz Merton love story♡
