Sa araw ng iyong kaarawan ay saktong nahulog ang iyong huling liham na aking inipit sa aklat-sulatan. Limang buwan na ang nakalipas ngunit hindi ko iyon kailanman binuksan. Tinitigan ko lamang iyon hanggang sa naka-isip ako ng hindi magandang ideya. Sinubukan kong ibalik na lamang sa Diyos ang buhay. Sa isip ko ay mas mabuting sumunod na lamang sa iyo kaysa manatili sa mundong aking kinagisnan, sa mundong magandang memorya mo ay kasama, at sa mundong ikaw ay wala na. Pakiramdam ko ay hindi na mababalik pa ang ang mga oras na atin pinagsamahan. Marami tayong magagandang memorya ngunit nangibabaw sa akin ang iyong pamamaalam. Hindi ko na kaya, Lucy. Kaya naman naisipan kong gawin ang bagay na ikakamatay ko na hindi na lamang pa ako mahihirapan, ang pag-inom ng tabletas.

Hawak-hawak ko ang gamot sa aking kamay habang hawak naman ng isang kamay ko ang iyong liham. Hinantay kong tumungtong ang oras sa araw ng iyong kaarawan. Nanginginig ang aking kamay, kaunti na lamang ako sa paglunok sa bagay na iyon nang maabutan ako ng nakakatandang kapatid. Areglong hinawi niya ang aking kamay at sinuntok ako sa mukha ng pagkalakas. Hindi ako nanlaban. Nanatili akong nagpabubog sa kaniya dahil alam kong kailangan ko rin iyon. Ang mga memorya kasama ka ang pumailanlang sa aking memorya, iyong unang mo akong nginitian, ang araw ng ating kasal at honeymoon at ang masaya mong pagbubuntis, habang patuloy pa rin sa pagsuntok ang nakakatandang kapatid sa akin.

Wala akong naramdaman na kahit anong sakit. Nagpaubaya akong saktan. Siguro dahil kailangan ko rin iyon sa kabila ng lahat ng aking mga ginawa. Kailangan kong magising sa katotohanan at tanggapin ang iyong pagkamatay.

"Kung ito lang naman ang gagawin mo sa iyong buhay, sa tingin mo ba magugustuhan iyon ni Lucy gayong patay na siya. Hindi, Nathaniel, hindi. Kaya umayos ka at magpakalalaki. Ginusto ni Lucy ang pagsakripisyo ng kaniyang buhay para sa bata. Inalay niya ang buhay sa inyong anak at hinayaan niyang iwan sa iyo ang bata dahil alam niyang ikaw ay magiging isang mabuting ama. Kaya patunayan mo, Nathaniel. Patunayan mong naging tama ang desisyon niya."

Iyon ang mga salitang tumatak sa aking isip at puso. Pagkatapos ng eksanang iyon ay nagising ako sa katotohanan. Kahit pa na nanakit ang mga kalamnan ay pinilit kong abutin ang liham. Limang buwan ang aking pinalipas bago ko binasa iyon. Hindi ko mapigilang umiyak sa harap ng nakakatandang kapatid na si Nicholas pagkatapos kong mabasa ang huli mong habilin. Tama ito, Lucy. Ako ay may anak na dapat alagaan.

Patawad, Lucy, sa aking kapabayaan. Nabulag ako sa panghihinayang at galit. Ngunit pinapangako ko sa iyo, Lucy. Pinapangako kong mamahalin ko ang bata. Mamahalin ko ito ng lubos gaya ng maiaalaya. Mahal na mahal kita, Lucy. Mahal na mahal. Higit pa sa inaakala mo.

 

-N. Roman

-----

July 07


Dear Lucy,

Pagkatapos na pagkatapos ng makamundong eksana namin ng magkapatid ay sumabay ako pauwi sa kaniya. Pagkadating ko ay nagulat ako sa ginawa ng mama. Sa halip na pagalitan niya ako sa aking mga ginawa sa loob ng limang buwan ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang pagluha. Napagtanto ko noong nakaramdam noon ang mama nang pangungulila sa ama noong mamatay ito ngunit nakabangon ito para sa amin na mga anak niya. Kung nagawa ito ng mama ay tiyak na magagawa ko rin. Magiging mahirap ngunit kakayanin.

Humingi ako ng tawad. Ang sinabi ng mama ay naiintindihan niya ang naging epekto ng pagkamatay mo, Lucy. At lubos niyang ikinagalak ang pagbabalik ko at pag-ako sa responsibilidad. Kumakain ako ng araw na iyon ng ipakita sa akin ng mama ang ating anak. Mapayat ito ngunit masiyahin naman. Iyon raw ang epekto ng panganganak ng walang buwan. Nalaman kong nasa incubator na halos apat na buwan.

Nathaniel's Journal: Roman's OriginWhere stories live. Discover now