CHAPTER 5

9 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa park , habang naglalakad lakad kami ay may nakita kaming mga bata kasama ang kanilang mga magulang , may batang tumatakbo at bigla nalamang itong nadapa dali daling pinuntahan ni Liam ang batang ito saka tinulungang tumayo , Tinignan ko lang siya hanggang sa makabalik siya sa kung saan man ako nakatayo.

"Alam mo ba di ko naranasan na igala ako sa park ng mga magulang ko , They are always busy on their work wala na sila halos time para sa akin , naiinggit nga ako sa mga batang naglalaro kasama ang mga pamilya nila eh , minsan tinanong ko sa sarili ko kung Mahal ba nila ako? " nakatingin lang ako sa kawalan habang sinasabi ko ito sa kanya , hindi ko alam pero comfortable ako na kasama siya na pati buhay ko ay kinuwento ko na sa kanya.

Nakatingin lamang siya sa akin at pinagmamasdan ang aking muka nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at awa. Umalis siya sa tabi ko at humanap ng makakain , nakita ko na lang siya na may dala ng Ice Cream.

" Here jewel eat this." iniabot niya sa akin ang ice cream na hawak niya.

"Hayaan mo andito naman ako eh, ako ang pupuno ng mga panahong di mo naranasan sa mga magulang mo. I will be your future Husband remember?" sabay kain ng ice cream na hawak niya.Natawa nalang ako sa mga sinabi niya pero parang nagkaroon ng tuwa ang puso ko sa mga sinabi niya.

"Puro ka talaga kalokohan , lagi mo nalang ako iniinis" pero hindi naman talaga ako nainis , natuwa pa nga ako sa sinabi niya.

"Bakit nga pala nung una nating kita ay inis na inis ka?"tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain ko ng Ice cream.

" Sino ba naman di maiinis tinwag mo akong Mrs." sagot ko naman sa kanya

"HAHAHAAHAHA! syempre para paraan ko lang yun para malaman ko kung single ka pa" dirediretso niyang sabi na para bang hindi niya pinagisipan ang mga sinabi. Laking gulat ko ng marinig ko ito.

"Whaa....t?"

"wala sabi ko ang Ganda mo" pag iiba niya ng usapan. After how many years sa park , chos lang ! ay umalis na din kami , Nag paalam na din ako sa kanya dahil i meet ko pa si Jayden kung ano na ang update sa pag iimbestiga niya sa nanagyari sa papa ko, I want to know who's the killer! Hindi ko mapapatawad ang taong gumawa niyon sa Daddy ko.

Nag ring ang phone ko at nakita ko kung sino ang tumawag.

"hello Jayden where are you?" bungad ko sa kanya.

"Here." sabay tapik sa likod ko.

"Jayden. I miss you. its been a long time since we met, Am i right?"Lagi kasi kami sa phone mag kausap dahil busy na din siya sa pag aasikaso ng case ni Daddy.

"what the news?"

"wala pa din akong nahahanap na proof masyadong malinis ang pagkakagawa,  nagtanong na din ako sa lahat ng sinabi mo na involve sa kaso ng Daddy mo pero lahat sila tahimik lang,  pero may kutob ako na binayaran ang mga taong yun! Napakalaking tao ang babanggain mo.Lets stop here Jewel I dont wanna hurt you!"

" What!!! Are you out of your mind!! Jayden! Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko at hindi ako takot kung patayin din nila ako ang mahalaga sa akin ay makamait ko ang hustisya na para kay Daddy!" halos mangiyakngiyak na ako ng sabihin ko iyon.

"Sorry Jewel, Im just worried for you. You know that" Niyakap nalang niya ako saka hinaplos ang aking buhok. Matagal ng may gusto si Jayden sa akin ngunit sinabi ko sa kanaya na hanggang kaibigan lang talaga ngunit Hindi siya tumigil na magustuhan ako mag-aantay daw siya hanggang sa magustuhan ko siya.

Pumunta kami sa aking apartment para makapag pahinga na rin siya at makakain. Nagluto na din ako ng paborito niyang adobong manok at nag usap ng kung ano - ano.Natapos kami bandang 10 pm na din nag paalam na din siya at Nag ayos na din ako ng pinag kainan. Nag txt pala si ate daisy na hindi raw sia matutulog sa bahay ko at marami din siyang inaasikaso na papers sa pinagtatrabahuhan niya.Natulog nalamang ako dahil sa sobrang pagod.

Kinaumagahan, Nag ring ang cellphone ko at saka lamang ako naalimpungatan. inaabot ko ito at sinagot.

"Good morning Future wife" sagot ng nasa kabilang linya.Napabangon ako ng wala sa oras ng marinig ko iyon dahil alam kung isa lng naman ang tumatawag sa kin ng Ganun.

"Hello? paano mo nakuha number ko?"taranta kung tanong sa kanya.Tumawa lang siya sa kabilang linya napansin niya siguro ung boses ko.

" I have my own ways Jewel" sabi niya na para bang nagmamalaki.

" What!? ang aga aga nangugulo ka nanaman,  wala naman akong natatandaan na Business matter about sayo"

" Business matter agad?  di ba pwedeng namiss lang kita" sabay tawa niya sa kabilang linya.

" Hay naku kung mangugulo kalng papatayin ko na to " balik ko sa kanya.

"Lunch with me? Sunduin kita dyan aroung 11:30 am " Magsasalita palang sana ako ng patayin niya ang call.

" aba ang bastos ng lalaking yun ah , di na ako pinatapos magsalita,  lagot talaga siya sa akin yun" nag isip ako kung pupunta ba ako o hindi. lagi nalng may nag uurge sa akin na pumunta at makasama siya i feel comfortable and love kahit na lagi niya akong inaasar. Napagdesisyunan ko na maligo na baka kasi dumating nanamn ung kupal na yun at gambalain nanaman ako o baka kaladkadin niya pa ako para alang makasama sa kanya.



nang marinig ko ang doorbell ng aking apartment ay dali dali ko itong binuksan, excited lang Jewel ngunit na dissapoint ako kung sino ung dumating.

"Oh Hi, My ex girlfriend, balita ko dito ka na nakatira?"pambungad niya sa akin.

"Anong gingawa mo dito elijah?" sagot ko sa kanya ng may pagkairita. siya nga pala ang ex ko na si Elijah Lincoln at sa kasamang paalad ay isa sa mga stockholder ng aming company. Gusto ko na nga siya ipull out yan kung hindi lang dahil sa tatay niya , laking utang na loob din kasi namin sa pamilya niya kaya isa rin dahilan kung bakit naging kami.

" Oh! relax jewel , im just here to greet you." sagot niya.

"kung wala ka nang gagawin o sasabihin ay pwede ka na umalis" inis na inis ako sa tuwing nakikita ko siya, isasasra ko na sana ang pinto ng may humawak nito. 

" what the ..."binuksan niya ito at laking gulat ko ng hindi si elijah ang nasa harapan ko.

"what did you say?"nabago ang expression ng muka ko ng makita ko siya.

"Liam? kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya habng tumitingin sa bandang likodan niya kung andun pa si elijah.

"sino ba yang tinitingin tingin mo dyan at para kang giraffe?" sabay tawa niya.

"AH wala naman . Lets Go na? " pagyaya ko sa kanya.

naglakad na kami papunta kung saan naka park ang sasakyan niya , habng pababa kami galing sa elevator ay may nakasalubong akong familiar na tao. Nilingon ko ito ngunit bigla nalang siyang nawala , di ko na din masyado pinansin sa sobrang occupy ng isip ko ngayon dahil kay Liam.

Fight the Good FightWhere stories live. Discover now