Chapter 2

1.1K 24 15
                                    

Hinuhuli ni KC ang tingin ni Sam habang nagpapaalam at nagpapasalamat sila sa mag asawang Ryan at Judy Ann. Kunwari naman ay hindi napapansin ni Sam. Nag aalangan siyang mahuli sila ni Sarah na nag sesenyasan. Hindi pa siya handa para malaman ni Sarah ang tunay na nararamdaman niya. Itinuturing siya ng dalaga na isa sa pinakamalapit na kaibigan kaya hanggang ngayon kahit matagal na rin siyang naghihintay ng tamang panahon, hindi pa rin niya masabi sabi sa dalaga ang tunay na nararamdaman. Ang mga kaibigan nilang malalapit ang naiinis at nahihirapan sa kanya.

"Sige ingat kayo sa pagmamaneho. Ikaw KC ha, dahan dahan sa pagmamaneho. Sam. ingatan si Bagets para makaulit na makalabas uli ng wala ang sangkaterbang alalay ha."

Natawa ang tatlo sa huling sinabi ni Juday. Yun ang gusto nila sa mag asawang Juday at Ryan, kung ituring sila ay hindi mga sikat na artista. Kung gusto nilang mag relax , tumawa at kumain ng masarap na lutong bahay, iniisip nila na sana ay imbitahan sila ni Ate Juday na mag dinner sa bahay nila.

"Syempre naman Ate, pinapaalala pa ba yun?"

"Just reminding my dear!!

Sabay sabay ng naglakad papunta sa mga sasakyan nila ang tatlo matapos ang final wave sa mag asawa.

"Sars ha, text mo na lang ako pag sigurado ka na talaga para yung ticket ay mapalitan sa pangalan mo. " Paalala ni KC kay Sarah bago ito sumakay sa sasakyan ni Sam na umaalalay sa kanya.

"Give me another day, kausapin ko muna sina Direk. Pag sinabi nilang ok lang na mag taping kami, go ako diyan."

Nakikinig lang si Sam pero pinapanalangin niya na sana ay matuloy na sumama si Sarah kina KC. Agree siya kina KC at Judy Ann na kailangan ni Sarah na matutong lumakad mag isa. Yung mag decide on her own and traveling with her friends is a good start.

"Hoy bakit ang tahimik mo yata ngayon?" Tanong ni Sarah kay Sam pagkaraan ng ilang minuto."

"Ikaw nga diyan, syempre pinakikiramdaman lang kita. Ayaw ko namang umiyak ka na naman dito sa sasakyan ko. I hate it when I see you cry." Pag amin ni Sam .

" Ang tanga ko no?" Nanginginig ang boses na tanong ni Sarah.

Napatapak sa brake si Sam sa narinig mula kay Sarah.

" Sorry," paghingi ng paumanhin ni Sam ng makitang nagulat ang dalaga sa bigla niyang pag preno.

Huminga ng malalim si Sarah. " Napaka tanga ko, umiiyak ako pero kung tutuusin kasalanan ko din naman. "

"Don't say that., the stupid one is the one who is making you cry.He is a fool !! Please don't cry Sars, he doesn't deserve it."

"What am I I going to do? Masyado na akong nasasaktan sa mga naririnig ko , sa mga nababasa ko , sa mga napapanood ko. Parang gusto ko ng sumuko."

HIndi makapag concentrate sa pag dra drive si Sam na nakikitang umiiyak ang dalaga. May nakita itong coffee shop at nag park siya sa tapat nito.

"Halika nga dito," niyakap nito sa Sarah na hindi na napigilan ang lalong pag iyak ng lumapat ang mukha nito sa dibdib ni Sam.

Hinayaan lang ni Sam na umiyak ng umiyak si Sarah. Wala siyang magawa kung hindi haplusin ang likod at halikan ang ulo nito para i comfort at kahit paano ay mabawasan ang sakit ng loob na nararamdaman.

"Hindi ko alam kung ano ang napagkasunduan ninyong dalawa. Ang alam ko lang nasasaktan ako na nakikita kong nasasaktan ka."

"Tama si Ate Juday sa sinabi niya kanina. In denial lang ako. Sinasabi kong naiintindihan ko mga sinasabi niya sa mga interview sa kanya. Tutuo nga na hindi siya nagsasalita against kina mommy at sa akin pero nasasaktan pa rin ako pag sinasabi niya yung mga sinasabi niya ngayon sa mga interview sa kanya. Dapat na mag usap na kami uli. Hindi ko kaya ang ganito. Kung talagang hindi pa panahon para sa aming dalawa , mabuti pa tuluyan na muna kaming maghiwalay ng landas. Mahalaga sa kanya ang career niya. Kung hindi niya ako kayang ipaglaban ng tutuo, then he really doesn't deserve me." Nagpupunas ng luhang sabi ni Sarah.

Akin Ka Na Lang  (AshSam FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon