Chapter Six: You're The One I Love

Magsimula sa umpisa
                                    

Umiling ako. "Hindi na, may trabaho rin ako. Napadaan lang talaga ako dito," ngumiti ako sa kanya. "Thank you, Shara. If may mangyari kay John, please, let me know."

Ngumiti siya. "I will."

HINDI KO alam kung bakit ko 'to ginagawa. Para akong stalker. Dapat nagtatrabaho ako pero ito ako ngayon, nanonood sa gig nila. I keep telling myself na kailangan ko nang mag-move on, pero bakit ako nagkakaganito? Bakit siya pa rin ang hinahanap hanap ko?

"Can I have this moment to serenade all the ladies in here tonight? I feel like, I want to sing. Can I?"

Napatingin ako sa stage. Akala ko ay nagkamali lang ako nang rinig sa boses. Pero si John nga talaga ang nagsalita. Pinalitan niya ang hawak niyang base guitar ng isa sa mga acoustic guitar na nasa stage.

John hates to sing. Kumakanta lang siya kapag kaming dalawa ang magkasama. Sa akin daw kasi ay hindi siya nahihiya. Saka mahal ko naman daw siya kahit na pangit daw ang boses niya. Hindi naman gano'ng kapangit ang boses niya, pero hindi mo rin p'wedeng ipagsabay sa ganda ng boses ni Mark at Jusper.

Umupo siya sa isang high chair sa gitna ng stage. "Mga 'tol, mamaya niyo na ako alaskahin pagkatapos kong kumanta. Feel ko lang talagang haranahin ang mga tao dito. Saka pakiramdam ko ang ganda ganda ng boses ko ngayon," natatawang sabi niya kila Mark na pababa na ng stage.

Nagtanguan na lang sila Mark at saka mabilis na umakyat sa VIP lounge. Lumagpas na sila sa puwesto ko nang bigla silang bumalik. Nginitan ko lang sila bilang pag-greet. Kumunot ang mga noo nila pero hindi na nagtanong. Sinamahan nila ako sa puwesto ko.

Sabay-sabay kaming tumingin kay John nang magsimula siyang mag-strum sa gitara.

"It's live I've never been here before. Look at you now, I don't want to wake you. To tell you I'm feeling something more..."

Naramdaman ko ang tingin nila Mark sa akin kaya nilingon ko rin sila. "W-what?" tanong ko.

Sabay-sabay silang umiling sa akin. "Alam ba ni John na nandito si Liezl?" narinig kong bulong ni James kay Mark.

"Baka? Ang tanong, naaalala na ba siya ni John?" sagot naman ni Mark.

"E, ba't niya kinakanta 'yan? Kinakanta niya lang naman 'yan kay Liezl kapag sinusuyo niya, e."

If it doesn't show, baby, you don't know I need you, need you. I need you in my life, to you I wouldn't lie-I'll be true, be true. 'Cause if you never told, how would you ever know that, baby, you're the one I love...

"Bakit mo sa akin tinatanong?"

Tiningnan ko sila. "Guys, naririnig ko kayo, okay?" Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko.

Girl, if you could read my mind. Then you would see, it's just ou and me. And a love that has no sense of time. Pictures of you, now and forever. In my eyes, there's just you and no other...

Nahihirapan akong huminga habang pinapakinggan si John. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating sa pagkanta niya. Alam niya bang nandito ako? Gusto kong bumaba at kausapin siya. Gusto kong bawiin lahat nang sinabi ko sa kanya noong nasa Brooklyn kami. Pero hindi ko alam kung kaya ko pa. Ano ang assurance ko na nagbago na si John?

Lagi siyang bumabalik tuwing maghihiwalay kami. Puro pangako na laging napapako. Hindi ko na nga alam minsan kung ano ang totoo sa kanya sa hindi. Totoo ba 'yung sinabi niya sa Brooklyn? O nasabi niya lang 'yun dahil nalaman niyang girlfriend niya ako?

Let me relate to you, baby. There's no need to have any doubt. I love you and I'm gonna say the words out loud...

Napatingin ako kay John. Nakatingin din siya sa akin.

"If it doesn't show, baby, you don't know I need you, need you. I need you in my life, to you I wouldn't lie-I'll be true, be true. 'Cause if you never told, how would you ever know that, baby, you're the one I love..."

Mabilis na umiwas siya nang tingin sa akin nang matapos siyang kumanta. Nandoon na rin sila Mark sa baba at isa-isa nang umaakyat sa stage. Wait. Kailan pa sila nakababa? Kanina lang nandito sila sa tabi ko?

HININTAY KONG matapos ang set nila. Inabangan ko si John sa labas ng kotse niya sa parking lot. Wala na akong pakialam kung makita ako nila Mark. Gusto ko lang siya makausap. Gusto ko lang malaman kung seryoso ba s'ya sa sinabi niya noong nasa Brooklyn kami.

Nagtatalo pa rin ang utak at puso ko dahil sa gusto kong gawin. Sabi ng utak ko, tama na. Sabi naman ng puso ko, sundin ko kung ano ang nararamdaman ko. Fuck this feeling! Bakit hindi na lang sila magkasundo sa isang desisyon?

Umayos ako nang tayo nang makita ko ang The Cliché na naglalakad na papunta sa direksyon ko. Nagtatawanan sila habang nag-uusap. Una akong nakita ni John. Kumunot kaagad ang noo niya.

"Liezl? Ano'ng ginagawa mo d'yan?" tanong sa akin ni James.

Imbes na sagutin si James ay tiningnan ko kaagad si John. "I need to talk to you," sabi ko. "I mean, we need to talk."

Tumaas ang kilay niya. "Talk? And why do we need to talk? I mean, ano ang kailangan sa akin ng pinsan ni James?" supladong balik niya sa akin. "I'm sorry, Miss, but I don't remember na may dapat tayong pag-usapan." Sobrang cold ng tono niya. Para bang ayaw niya talaga akong makita. Pinindot niya ang car key niya, senyales na binuksan na niya ang kotse niya. "If you'll excuse me," paalam niya at saka diretsong sumakay sa kotse niya,

Napatingin na lang ako sa kanya. Pinanood ko kung paano niya pinaharurot ang sasakyan niya palabas ng parking lot. Huminga ako nang malalim para mapigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Nilingon ko sila James at saka pilit na ngumiti.

"I guess, I assumed that he already remembered me."

Mabilis na niyakap ako ni James. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Alam ko kung bakit sinabi ni John 'yon. Alam ko. Kaya dapat hindi ako masktan ng ganito. Ginusto ko 'yon, e. Ang tanga tanga ko.

Patuloy lang ang pag-iyak ko habang patuloy kong sinisisi ang sarili ko.

The Cliché: Only Learned Bad ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon