Chapter Seven: I'm sorry.

612 25 2
                                    

Chapter Seven:

 

          "HEY, YOU OKAY?" tanong sa akin ni James nang ihatid n'ya ako sa condo ko.

            Pilit na ngumiti ako saka tumango. "I'll be fine. Hindi naman ito ang first time na nasaktan ako ni John," biro ko pa.

            Lumapit siya sa akin at kinurot ang pisngi ko. "Kupal, don't you think it's time to tell him the truth? I know, you had enough. Pero tingin ko kailangan o may karapatan si John na malaman kung sino ka talaga at kung ano ka sa buhay n'ya."

            Huminga ako nang malalim. "He already know. He doesn't remember all of it, but he knows. I mean, alam n'ya na kung sino ako at kung ano ako sa buhay n'ya."

            Kumunot ang noo n'ya. Umupo ako sa couch at tumabi siya sa akin. "Now, tell me what happened in Brooklyn."

            "Noong nasa honeymoon si Ate Beth at Kuya Shaw, bigla na lang siyang nagpakita doon sa bahay. Nagpunta siya sa Brooklyn to get his medical records. I don't know if he met the doctor, but he already knew what happened. Naalala na n'ya ako. I was mixed emotion that time. Masaya ako kasi naalala n'ya na ako pero at the same time may takot akong naramdaman. Paano kung mangibabaw na naman 'yung nararamdaman ko? Babalik na naman ako sa kanya, 'tapos ano? Masasaktan na naman ako? So, with that thought in my head, I asked him to officially break with me. I even said please."

            "Kupal ka talaga. Why the hell did you said that?" inis na tanong n'ya. "If you really love him, why not give him a chance?"

            "A chance? A chance to break me again?"

            Napapikit siya nang mariin. Alam kong naiintindihan n'ya ako kung bakit ako nagkakaganito. Alam kong alam ni James kung bakit kahit gusto kong bumalik kay John at nagdadalawang isip ako. Saksi siya sa lahat nang pinagdaanan namin. Alam n'ya tuwing nasasaktan ako nang dahil kay John.

            "Liezl, you need to take chances. Hindi sa kinakampihan ko si John, oo naging jerk siya for hurting you so many times. But I know he really loves you. Everytime na sinasaktan ka n'ya, I always give him a hard punch in the face and he will just accept it without putting a fight. Want to know why? Because he knew he deserved those."

            "I'm not brave enough. I don't know. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko pa, oo gusto kong bumalik sa kanya pero..."

            "Alam ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat puso ang pinapairal, and naiintindihan ko kung bakit ka nagkakagan'yan, you're using your head right now. Hindi 'yung puso mo 'yung takot na masaktan, it's just your head saying what might happen. Alam ko rin na you've hurt enough. Hindi ko na ipipilit ang gusto ko, but I hope you can clear your mind and think about it again. Kung ano man ang magiging desisyon mo, rerespituhin ko."

K-in-iss n'ya ako sa forehead at iniwanan na ako. Dumeretso ako ang higa sa kama ko. Nakipagtitigan sa kisame ng condo ko. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

            PAGDATING KO sa office dumeretso kaagad ako sa meeting room dahil pinapatawag daw ako. Nagtataka man, hindi na ako nagtanong kung bakit. Normal naman sa work namin ang ganito, biglaang meeting. Lalabas sana ako nang makita ko kung sino ang nasa loob ng meeting room, pero tinawag ako ng producer namin.

            "Liezl, you're in the right room," sabi nito.

            Hindi na ako nagtanong at umupo ako sa upuan na tinuro n'yang upuan ko. Katapat ko si John. Naka-shades siya kaya hindi ko alam kung nakatingin rin siya sa akin o kung mukha lang siyang nakatingin sa akin pero hindi naman talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cliché: Only Learned Bad ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon