Chapter Two: Oh my G.

606 22 2
                                    

Chapter Two: Oh my G.

Tinititigan ko ang magandang mukha ng anak ni Ate Beth. Sharla Bethany Santiago ang ipinangalan ni Ate sa kanya. Sharla, kasi Shaw ang pangalan ng boyfriend niya at Bethany dahil sa nickname niyang Beth. Kahit hindi pa sila kasal ng boyfriend niya ay 'yon na ang ginamit niyang apilyido sa bata.

At gaya nang sabi ni Daddy, hindi pa rin bumabalik si Kuya Shaw. Sinubukan ko siyang contact-in bago ako umuwi dito sa Brooklyn pero bigo lang ako. Tinatanong ko si Ate kung bakit parang ayos lang sa kanya na hindi pa nagpapakita si Kuya Shaw, sagot niya lang ay malaki naman daw ang tiwala niya sa boyfriend niya.

Hindi ko nga maintindihan, ilang beses na ring niloko ni Kuya Shaw si Ate pero palagi pa rin nitong nagagawang patawarin ito. Kahit minsan ay sobrang nasasaktan na siya ay tinatanggap niya pa rin ito sa buhay ko.

Kadalasan naiisip ko, pareho lang siguro kami ni Ate. Parehong tanga pagdating sa pag-ibig. Wala naman kasi akong masyadong pinagkaiba sa kanya, e. Pareho lang kami. Kahit nasasaktan na pilit pa ring binabalikan ang lalaking naging dahilan kung bakit kami nasaktan.

Pero nang dumating ako dito sa Brooklyn, sinabi ko na talaga sa sarili ko na kahit ano'ng mangyari hindi na ako babalik sa kanya. Tama siguro 'yung tatlong taon na nagpakatanga ako. Tama na siguro 'yung mga sakit na naramdaman ko. Tama na siguro 'yung...

"Liezl, can you open the door? I'm still in the bathroom!"

Nang marinig ko ang sigaw ni Ate saka ko lang narinig ang tunog ng doorbell. Mabilis na nagtungo ako sa pinto. Isasara ko sana ulit 'yung pinto pero pinigilan niya.

"Let's talk," seryosong sabi ni John.

"What are you doing here?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Liezl, is that Shaw? I think I heard a man!" sigaw ulit ni Ate.

"No, Ate. It's my friend," sagot ko. Tiningnan ko si John. "Hintayin mo ako sa park, doon tayo mag-usap, 'wag dito," sabi ko at saka tinalikuran na siya.

Hinintay kong matapos si Ate at saka ako sumunod kay John sa park. Sinalubong niya kagad ako nang yakap.

"I missed you," malambing na sabi niya at saka niya hinigpitan ang yakap niya.

"Let go," seryosong sabi ko.

Ginawa naman niya. "Bakit hindi mo sinabi sa aking pupunta ka dito?" tanong niya.

Umupo ako sa isa sa mga bench doon. "Bakit pa ako magpapaalam sa iyo? Tapos na tayo, 'di ba?"

Napapikit ako nang marinig ko ang pagngisi niya. "Hindi naman seryoso 'yon, 'di ba?"

The typical John Marcus. Seryoso na ang lahat siya na lang ang hindi.

Hindi na lang ako nagsalita. Ano pa ba ang sasabihin ko sa kanya? Alam kong sinabi ko na lahat 'yon noong huling beses kaming magkita. Sawa na akong ulitin ang sarili ko sa kanya.

"Come on, Liezl, three years. Itatapon mo lang ba 'yon?"

Tiningnan ko siya nang masama. Gusto kong pigilan ang sarili ko sa pagsasalita pero hindi ko talaga kayang magpigil.

"Huwag mong sabihin sa akin na ako ang nagtapon noong three years na sinasabi mo, John. You can't change yourself. Hindi mo kayang maging loyal sa akin. At sa loob ng tatlong taon na sinasabi mo ilang babae ang dumaan sa pagitan natin? Everytime na mahuhuli kita, maghihiwalay tayo, babalik ka at mangagako na hindi na uulit. Tapos tatanggapin kita at kapag nakalipas na ang ilang linggo, may bago ka na naman."

The Cliché: Only Learned Bad ThingsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt