UMPISA

2.3K 50 1
                                    

"I told you, Cresia. Hindi nga pwede," mariing napapikit si Cresia at umalis sa studio ng kaibigan na nilapitan niya.


Ito na ang panghuli sa mga nilapitan niyang studio para tanggapin ang request niya na makapasok bilang isang screenwriter.


"Tubig?" binigay ni Luz sa kaniya ang mineral water.


"Salamat,"


"Wala pa rin?" tanong ng kaibigan. Tumango si Cresia.


"He's blocking it." Nagpupuyos na siya sa galit habang nakaharap sa kaibigan niyang naaawa sa kaniya.


"Ikaw? Hanggang kailan ka maging ganiyan?" tanong niya sabay tingin kay Luz na nagtitinda ng tubig.


"Hanggang kaya pa," sagot naman nito.


Sabay silang napatingin nang mag ring ang cellphone ni Cresia.


"Your uncle is calling," ani ni Luz.


"He's not my, uncle." Malamig na sabi ni Cresia sabay patay sa cellphone niya.


"Whatever. I need to go. Bye," ani ni Luz at umalis.


Napabuntong hininga si Cresia at naglakad sa kabilang direksyon na nilakaran ni Luz. Nakatingin lang siya sa cellphone niya nang mag-ring ulit ito.


Pinindot niya ulit ang end button.


"Hindi mo man sagutin ang tawag ko ng ilang beses, it won't guarantee you na hindi kita makikita dito, Cresia." Naninidig ang balahibo ni Cresia nang marinig ang boses ng lalaking matagal na niyang iniiwasan.


"What are you doing here, tito?"


Nginisihan siya ni Ian.


Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito sabay hablot sa kamay niya.


"You ruined my wedding, baby, I guess it's right for you to pay the price."

His Possession (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon