Chapter 17 : Distracted

Start from the beginning
                                    

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Sabihin sa ano?" Tanong niya pabalik.

"Ilang matatanda ang umattend ng party kagabi?" Tanong ko ulit.

"I was so drunk last night pero sure akong may nakita akong kahawig ni Sir kagabi. Tinawag ko nga siya kaso di niya ako nilingon. Weird no?" Sabi pa ni Zepp saka napabungisngis.

"Nga pala Sisa nood tayo ng annual battle of the bands mamayang gabi ha? Pwede ka namang manood diba since dito lang sa school gaganapin? Buti nalang talaga hindi kinancel ang event nato dahil sa lecheng crimson ripper wanna be." 

Damn it. Another party na naman? A hunting ground again for the crimson ripper.

*****

Mag-isa akong naglalakad sa hallway. Nasa kalagitnaan na ng lectures ang karamihan kaya naman super tahimik na ng paligid. Siguro naman di na ako guguluhin ni Agapito.

Tinatamad akong umakyat sa hagdan patungo sa library kaya mas pinili ko na lamang na magpunta sa gym para doon magpalipas ng oras pero pagdating ko, nagtaka ako nang maabutan ko si Calix na naglalaro ng basketball. Mag-isa lamang siya pero mukhang masaya siya sa ginagawa niya. Come to think ngayon ko lang siya ulit nakitang maglaro after nawala sina Tammy.

"Good mood bruh?" Basag ko sa katahimikan. 

Hindi nakangiti si Calix pero nahahalata kong mukha siyang masaya. Malayong-malayo sa Calix kahapon bago ang party.

Naupo ako sa isa sa mga bleachers samantalang siya, saglit na natigil sa paglalaro upang lingunin ako. Kahit na pawisan siya at suot niya lang ang t-shirt sa ilalim ng polo niya, ang pogi niya parin. hayy buhay, ba't andaming pogi sa skwelahang 'to?

"Halata ba?" Aniya at napangisi.

"Anong meron? Nahanap mo na ba siya?" Tanong ko pero hindi siya sumagot, sa halip nagpatuloy lamang siya sa pagd-dribble ng hawak na bola. Hala, ano 'yun? oo o hindi? Pero kaninang umaga hinanap niya si Tammy tapos naka-topless pa siya, di kaya...

"Sino nga ulit yung santong dinadasalan para mabuntis ang isang tao?" Biglang tanong ni Calix kaya agad nakunot ang noo ko. Ulol, ba't ako pa ang pinagtanungan nito tungkol sa isang banal na bagay? 

"Calix Lancaster, Siguro you're talking about sa Ritual ng Obando. Its Santa Clara actually--" Natigil ako sa pagsasalita at otomatiko akong napangiwi. Parang gets ko na ang pinupunto ng lalakeng 'to. Creepy Calix. Pero dahil cute siya, less creepy ng 10%. 

"Ano?" Tanong niya sa bitin kong sagot.

"You creepy son of a bee. Ang tanong mahal ka parin ba niya?" Tanong ko pabalik at ngumisi naman siya na para bang nagmamalaki.

"Naniniwala ako sa sinabi niya kagabi." Makahulugan niyang sambit.

"Eh ba't siya nawala ulit? Iniwan ka na naman niya ng hindi nagpapalaam diba?" I hate to burst bubble's bubble pero curious na talaga ako.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now