KABANATA 1 - FRUIT PICKER

18.8K 390 42
                                    

"Loka-loka ka talaga, eh 'no?" pairap na saad niya at mabilis na dinampot ang basket na bitbit.

Isa silang fruit picker sa malaking farm ng matandang Haponista. Isang OFW na pikit ang matang nagpunta sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

"Ito naman si Maria, ang killjoy talaga! Nagkikwento pa ako, eh."

Hindi niya pinansin ang pag-iinarte ng kaniyang kaibigan. Nakilala niya ang babae nung nandito na siya sa Japan at ito ang unang pumansin sa kaniya sa kabila ng kaniyang pagiging strikta at hindi masyadong nagsasalita. Marami silang mga pinay ang nando'n nagtatrabaho pero ilag ang mga ito sa kaniya o sa madaling salita, umiiwas sa pagiging tahimik niya masyado.

"Mamayang gabi na natin pag-usapan 'yang crush mo." Nagsimula silang bumalik sa strawberry farm kung saan hindi pa sila nangalahati. Paano kasi, panay tabil ng kasama niya.

"Pero totoo ang sinabi ko, Maria! May gwapo tayong kasama. Nakita ko siya kanina tapos parang hindi na yata crush nararamdaman ko, parang in love na! Paluin mo ako sa kilig!" Hindi pa nito mapigilan ang humalakhak ng malakas na halos lahat ng kasamahan nila ay napatingin dito.

Napailing na lamang siya sa kaharutan ng kaibigan. Kaya siguro naging magkaibigan sila para siya ang laging susuway sa kalandiang cells na nasa katawan nito.

Hinila niya ang kaibigan nang magsimula na naman itong magdaldal at mangarap. Mapapadali ang pag-alis nila rito sa Japan sa ginagawa nito. Dalawang taon ang kanilang kontrata sa lugar na ito at may isang taon pa sila bago sila pwedeng makauwi sa Pilipinas.

"Magsimula ka na." Binigay niya rito ang basket.

"Yes Ma'am!"

Nagsimula silang mamitas ng bunga ng mga strawberries. Malusog at maganda ang mga bunga ng kanilang mga pananim at kahit papaano, masaya siya habang ginagawa ang trabahong ito. Graduate siya sa kursong Hotel and Restaurant Management pero kabilang sa mapait na reyalisasyon sa mundo ang katotohanang hindi lahat ng gusto ng tulad niyang OFW, natutupad. May mga kasama siya banyagang lugar na ito na ang iba ay nagtapos ng Engineering, Teacher at Nurses pero pinili ang trabahong ito sa ibang bansa. Maliban sa malaki ang sahod ng taong tulad niya napinilit makipaglaban sa ibang bansa, napapahalagan din ang bawat puyat at pagod ng mga taong tulad niya sa tuwing nakikita nilang maganda ang sitwasyon ng mga iniwang pamilya. Ang tanging mahirap lang, malayo sila sa pamilya.

"Maria!"

"Oh?"

"Ang sungit mo talaga, Maria. Kailan ka kaya magiging mabait sa 'min para makahanap ka ng jowa rito. 29 ka na at malapit na magpaalam sa Calendar!"

Nagkibit lang siya sa sinabi ni Judith. Wala sa edad ang basihan ng pagpasok sa isang relasyon. Ang nasa isip lang ni Marie ay trabaho at mag-ipon para makapagpatayo ng negosyo sa pag-uwi ng Pinas. Ang plano niya, limang taon siyang mag-OFW at pagkatapos, saka na siya papasok sa isang relasyon. Tumataas ang kaniyang edad pero wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Hindi karera ang pag-ibig.

"Ilang taon ka nga ulit?" Simpleng tanong niya habang nangalahati na sa napitas na bunga. Isa sa natutunan niya, ang magiging masipag at mabilis sa trabaho.

"25! Grabe ka, hindi mo natandaan ang edad ko? Nakakasakit ka ng puso." Nakuha pa nitong magdrama at tulad niya, marami ng laman ang basket nito. May nagbabantay sa kanila pero nasa malayo lang ito kaya kahit papaano, malayang nakakausap siya ni Judith. Hindi mahigpit si Mr. Yamoto sa kanilang mga tauhan nito pero ayaw nito sa taong batugan at tamad.

"Hindi ko kinalimutan ang edad mo, Judith. Ang pinuponto ko, 25 ka pa at hindi na rin mabilang ang lalaking iniyakan mo pagkatapos kang lukuhin. Mas mainam na walang sagabal sa buhay, Judith. Walang sakit sa ulo. Ang mga lalaki, kusa 'yang darating. Hindi pinipilit ang pag-ibig. Lagi mo 'yan tatandaan."

Napasimangot ito sa kaniyang sinabi at matagal bago nag-isip. Mabait ito at magaan kausap ang kaibigan niya. Pero may pagkakataon din na matigas ang ulo nito at nakikipag-away minsan sa kaniya sa mga walang kwentang bagay.

"At least, Maria, alam ko 'yong salitang paano magmahal. Kahit lagi akong naloloko, totoo lahat ng pagmamahal na pinaramdam ko sa kanila kaya kung may lugi man, sila 'yon. Sinayang nila ang tulad kong totoong nagmamahal. Eh, ikaw ba?"

Hindi niya na pinansin ang mahabang lintanya ni Judith. Mag-aaway lang sila at wala siyang oras para ro'n. nandito siya sa Japan para magtrabaho, hindi makipagtalo sa walang kwentang pagmamahal na iyan. Kung alam lang ni Judith kung bakit ayaw niya ng pumasok sa ganiyang sitwasyon... Kung alam lang nito. Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at nagpatuloy sa ginagawang pamimitas.

PAGOD na binagsak ni Marie ang kaniyang katawan sa may kalambutan na kama. Sampo silang babae sa loob ng may kalakihang staff house at nasa ibabang deck siya nakahiga habang nasa taas si Judith at panay daldal. Walang kapaguran ito sa kakasalita pero hinayaan na lamang niya ang kaibigan. Marami silang mangagagawa sa Farm Village na iyon at halos mga filipino rin tulad niya.

Marami silang napitas na strawberries sa araw na ito at naabot nila ang qouta nila. Kahit papano makakapagpahinga siya ng maluwang sa gabing iyon. Day-off nila bukas at magpapadala rin siya ng pera sa kaniyang magulang. Nagyaya sa kaniya ang kaibigan na mamasyal sila bukas at pinaunlakan niya iyon. Winter season sa Hokkaidō, Japan pero papalapit na ang Spring. Isa sa nagustuhan niya sa lugar na ito, ay winter season. Dahil siguro nahihintulad niya ito sa pagiging malamig ng pagkatao niya.

Nag-commute sila papuntang City kinabukasan. Tulad ng nakasanayan nilang dalawa ni Judith, kumain muna sila nito sa paborito nilang Ramen Shop bago nagsimulang maglibot.

Si Judith ang mahilig sa picture kaya kapag kasama niya ito, walang minuto na hindi ito nagpapapicture sa kaniya. Kulang na lang gawin siya nitong photographer.

Marami rin mga Filipino sa City tuwing day-off. Parang nasa Pinas lang. Dahil isa sa nakakalungkot isipin, mas pinili ng mga Filipino na tulad niya na mangibang bansa dahil mismo sa Pinas, walang pag-asa ang taong tulad niya. Mababa ang sahod at hindi sapat iyon para mabuhay ang pamilyang meron siya sa probinsya nila sa Siquijor.

Ang nakakatawa lang sa sa patakaran sa Pinas, kapag nag-apply ka ng trabaho para magkaroon ng experience... Hahanapan ka naman ng work experience ng isa hanggang tatlong taon. Kapag wala kang maipakita, malabong may tatanggap sa 'yo. Kapag wala kang pleasing personality na maipakita sa employer during interview, ipokrito man sabihin, bagsak ka agad. Hindi patas ang laban. Kaya maraming mga Filipino ang umalis at nangibang bansa at kasali na siya ro'n.

"Maria! Maria! Nakita ko na naman ang crush ko! Susme, ang gwapo! Palung-palo ang matambok na pwetttt!"

Tiningnan lang niya ang sinabi ng kaibigan. Ngiting-ngiti ito na parang bulateng binuburan ng asin sa kilig. Nakaturo ang daliri nito sa lalaking nakatalikod at tama naman ito, matambok nga ang pwet. Napailing na lang siya at tinalikuran ang babae. Lahat naman yata, crush nito. Kahit mannequin na mahahabang pilik-mata sa mall, crush nito. Kahit mga stand at statue, basta gwapo sa mata ng dalaga, crush na nito agad. Ganito ito kahayok sa crush na parang highschooler.

"Maria! Grabe ka! Nang-iiwan ka na naman. Lalandi lang saglit ang puso ko, ikaw naman. Ang KJ!" Mabilis na humabol sa kaniya ang babae at nakasimangot ang mukha.

"Isa pa Judith, at iiwan na kita rito." pagbabanta niya at tiningnan ito ng masama.

Agad naman itong ngumiti ng matamis at nag-peace sign sa kaniya. "Ikaw naman talaga, eh, 'no? 'Di ka mabiro! Tayo na nga at magpapicture pa ako ro'n!" Sabay turo nito sa dulo kung saan maraming mga turistang nagpapapicture.

Napabuntunghinga na lamang siya at nagpasyang sundin ang gusto nito. 

DOMINANT 8 : Indestructible (Completed) Gallagher SvenssonWhere stories live. Discover now