"A-ano ba ang gusto mong palabasin Arthur?" Galit na rin ang boses niya.Kala nito ay siya lang marunong?

"Kaya ayokong maging alalay pa kita, kasi nagseselos ako.Kagaya na lang kanina.Nakita ko pang nilapitan ka ni direct at Jacob. At talagang nakipagngitian ka pa sa kanila ha?" Sumbat nito sa kanya. Kung ganun,nakita pala sila kanina nito? Akala niya busy ito sa pag-act kanina.Mukhang ang layo naman ng sagot ng mokong na ito sa usapan nila.Isisingit talaga yun?

"At ano ang gusto mo, di na ako magtatrabaho bilang alalay mo? Yan ba ang gusto mo Arthur? Akala ko,nag-usap na tayo tungkol dito?" Sa totoo lang,nagagalit na siya talaga.Ang labo kasing kausap ng lalaking ito.

"Cathy,di naman sa ganun.Gusto ko lang na wag kang masyadong dumiki___" Ngunit pinutol na niya ito.

"Wag masyadong dumikit sa kanila?Ako ba ang lumalapit sa kanila Arthur?Sobra naman iyang pagseselos mo. Di na tama. Nakakairita na!" Sigaw niya rito.

"Cath___" Pinutol niya na naman ito.

"Stop the car Arthur!" Inis na sabi niya rito. Gusto niyang bumaba at mapag-isa muna. Naiinis kasi talaga siya sa boyfriend eh.

"Why?" Kunot-noo na tanong ng nobyo.

"Baba ako." Sagot niya.First time nilang nag-away ngayon.Kaya di niya alam kung ano ang gagawin.

"No.You can't!" Diniinan pa ni Arthur.

"Hihinto ka o tatalon ako?" Pananakot niya rito. Siyempre di niya yun gagawin ano?

"Sweetheart please." Bumaba na ang tono nito. Natakot yata. Pero naiinis talaga siya kaya gusto niyang bumaba.

"Ano?!" Sigaw niya rito.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ng nobyo. Nakahinto na ang sasakyan.

"Magpapahangin.At wag mo akong susundan." Banta niya rito at mabilis na tumalima.Dinig pa niya ang tawag ng nobyo.

Naghihintay siya na habulin siya nito at susuyuin.Ngunit walang sumunod na Arthur sa kanya. Tsk!Lalong nagngitngit ang kalooban niya.Ang mokong na iyon,talagang iniwan siya.Wala na kasi ang kotse ng lingunin niya ito.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Small world huh?" Nagulat pa siya ng may magsalita sa likod niya.Nasa loob na kasi siya ng mall.Magsa-shopping na lang muna siya total may pera naman siya.

Familiar ang boses ng nagsalita.Parang si..."Benjamin?" Nagtatakang tanong niya nung lingunin niya ito. Small world nga talaga.Di niya akalain na magkikita sila ulit dito sa mall.Parang sinasadya yata ng pagkakataon.Noong una nila nitong nagkita ay nagtatampo din siya kay Arthur.Ngayon ay ganito rin?

"Yes.How are you Cath?" Ngumiti pa ito ng ubod tamis.Napakagwapo naman nito.

"Ok lang." Maiksi niyang sagot tapos nagkibit balikat pa siya.

"Coffee,juice,tea,anything?" Alok nito sa kanya. Na ang ibig sabihin ay nagyaya itong magmeryenda.Alas 3 na kasi ng hapon. "But I think,it's better kung sa Starbucks na lang tayo." Dugtong pa nito. Ibang uri din pag nagtanong ang isang ito. Nagtanong pa eh,siya lang din pala ang mamili.

"Nagtanong ka pa.Gusto mo lang naman pala sa Starbucks eh." Nakataas ang kilay na sabi niya.

"Hahaha!Style ang tawag dun miss beautiful." At kumindat ito sa kanya habang tumatawa. "So, shall we?" Tanong nito.Kaya tumango lang siya at nagpatianod.Ewan ba niya, pero magaan ang loob niya dito kay Benjamin kahit ubod ng hangin ito sa katawan.

"So,how are you Catherine?" Tanong ni Benjamin sa kanya pagkaupo nila.

"Good." Maiksing sagot niya.

"Ah...good to heard that." Tumango-tango pa ito.

Sinuri niya ng tingin ang lalaking kaharap.Ang gwapo nito sa suot na grey suit.Ang mga labi nitong mapupula.Ang kilay na katamtaman ang kapal.Ang mga pilikmata na mahahaba at naka-curve pa ang mga ito. Kung tingnan mo ito, mukhang suplado pero palagi namang nakatawa.Napakakinis rin ang mukha nito.Sino bang babae ang di mabibighani rito?Siguro siya lang.Dahil pagmamay-ari na ni Arthur ang puso niya.Kaya naisip niya tuloy ang nobyo niya na di man lang siya sinundan.

"Wag mo na akong titigan masyado.Baka mainlove ka pa sa akin.Mahirapan ka lang.Dahil marami kang magiging karibal sa akin." At tumawa pa ang lalaking ito ng malakas.

"Ang yabang!Hmp!" Pinanlakihan niya ito ng mata.Ngunit patuloy pa rin sa pagtawa si Benjamin.

"May ipagmamayabang naman di ba? Aminin mo, nagagwapuhan ka sa akin nho? Aminin mo, pinagnanasahan mo na ako sa isipan mo nho?" At isa pang nakakalokong tawa ang pinakawalan nito. Pakiramdam niya tuloy,pinamulahan siya.

"Totoo ano?Pinamulahan ka eh." Dugtong pa nito ulit.Hanep din ito sa kayabangan eh.Ang sarap pektusan. "Lalong gumanda ka tuloy kapag namumula.Alam mo, kahit sino siguro,mapapalingon sa kagandahan mo."

"Kaya ka ba laging nakasunod sa akin dahil nagagandahan ka sa akin?Don't tell me..." Binitin pa niya ang sasabihin at ngumiti din ng nakakaloko.Akala nito siya lang marunong maglabas ng kahanginan sa katawan ah. "....na nahuhumaling ka rin sa kagandahan ko.Don't tell me na nabighani ka ng karisma ko?Marami na sila. Wag ka ng dumagdag.Pampasikip ka lang." Pang-aasar niya.Ngunit mali pala siya. Dahil lalong humalakhak pa ito.

"Hindi kita sinusundan.Talagang pinagtatagpo lang tayo ng tadhana Catherine. At isa pa,di ako humahabol at sumusunod sa mga babae dahil,isang kindat ko lang,sila na ang susunod sa akin.At charm ang tawag dun. At kahit siguro ikaw,di mo maipagkakaila na gwapo ako sa paningin mo." Tuloy pa rin ang tawa nito. At naiinis din siya sa sarili dahil iniisip niya na sinusundan siya nito. Aksidente nga lang naman ang pagkikita nila.

Tiningnan niya ulit ang lalaki ng masama.Wala na siyang gana na patulan pa ito sa kahanginan nito. Wala siyang laban.Kaya mananahimik na lang siya.

Pero teka lang,parang nakita niya na ito ah.Maliban dun sa unang pagkikita nila mayroon pa siyang pilit na inaalala.Tama, si Benjamin nga yun.

Bagong salta lang siya nun dito sa Manila.Nag-aapply pa siya nun.

Si Benjamin yung tumulong na hilahin siya ng muntik na siyang masagasaan ng kotse.At ito rin ang nagbayad ng pinang-grocery niya dati nung naiwan pala ang wallet niya sa apartment ng pinsan niya.Na-punch na kasi ng cashier eh bago pa niya nalaman na wala pala ang wallet niya.Mabuti na lang at may mabuting tao na nagbayad.At yun ay si Benjamin.

"Ikaw yun?" Bulalas niya.

"Huh?" Kunot-noo pa ang lalaki.

Ikwinento niya rito ang naalala niya.

"Hahaha!Paanong naging ako yun? Pangatlong beses pa lang nating pagkikita ito Catherine. Sabi ko sayo,pag mga ganitong ka-gwapo na mukha,maraming katulad yan. Tandaan mo, dumarami kaming mga gwapo.Naglipana na kasi." Patawa-tawa pa rin ito.

"Ang yabang mo!" Naningkit ang mata niya rito. Naiinis na siya kasi.Ang hangin talaga.Grabi!

"May ipagmamayabang naman di ba?" Tanong pa nito sa kanya.At saka kumindat.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now