"I'm tired, baby. Dad's unhappy with what's happening, I can't control everything but I'm trying my best." Bulong niya sa tenga ko at bumuntong hininga, pagod. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya at hinayaan siyang magpahinga.

Maraming hindi magandang nangyayari ngayon sa kumpanya, nagback out kasi ang isang kliyente, nagkakaproblema rin siya sa dati kong boss, si sir Ivan pero kahit na ganoon hindi niya pa rin nakakalimutang bisitahin ang anak ko.

Sa tuwing napapalapit siya sa anak ko, lalong nahuhulog ang loob ko sa kaniya, sa simpleng pagpapasaya niya at pagtanggap sa anak ko, nahuhuli niya ang puso ko.

Napangiti ako sa kaniya habang tinutulungan niya akong iayos ang mga gamit ni Xyphere.

Sabi niya'y 'wag muna rito si Xyphere sa ospital dahil baka nagkakaroon na ng trauma ang bata kaya pumayag akong sa kaniya muna kami tutuloy ng anak ko. Magha-hire raw siya ng private doctor at nurse para sa kaniya, nakakahiya man pero mas nakabubuti talaga 'yon para sa anak ko.

Ayaw kong nakakalakihan niyang nakatira sa ospital at hindi normal ang kabataan niya. Ang sabi ng doctor ay ayos lang 'to basta kayang alagaan si Xyphere at saka magaling na doctor daw ang iha-hire ni Vince.

"Let's go, Pauline." Napatingin ako kay Vince at napaangat sa wall clock, alas siyete na pala ng gabi.

Nakakapagod, nag inat muna ako ng braso  saka tumayo.

Ngayon ang dating ng kapatid niya at susunduin namin siya ngayon sa airport. Deretso na rin kaming uuwi.

Bago ako umalis, nag email muna ako ng memo, nakalagay doon na magkakaroon ng general inspection bukas. Nakasalubong ko pa nga si Nel at Brenna, natatakot daw sila para bukas.

"Shet kinakabahan ako, sobrang strict pa naman niyan, sumasakit bangs ko." Umirap si Nel saka inayos ang bangs niya.

"Ay nako beh, di ka pa ba sanay. Charot lang, ang bait na nga niya ngayon di 'ba? Napaamo ng alaga natin. Inakit mo siguro 'yon 'no! Malandi ka ah!" Naroon ang mapaglarong ngiti ni Brenna sa pag iinarte ni Nel. Natatawa naman ako sa inaasta nila.

"True ka d'yan mhie! Tapos eto pang si Pauline, hindi man lang magkwento, grabe parang others. Sana pumunta ulit ang mga kaibigan ni Sir Vince, jusko teh ang gagwapo ng mga 'yon, malalaglag talaga panty mo ron." Nangalumbaba si Nel, agad naman siyang binatukan ni Brenna.

"Ano ba kayo, baka nagbago lang talaga siya, hindi pa naman kami e." Tawa ko na lang sa mga sinasabi nila. Bago pa man nila ako tuksuhin ulit ay tinawag na ako ni Vince kaya pangisi ngisi silang tumalikod sa amin.

"Kuya! I miss you!" Tumakbong parang bata si Flynn sa amin, namukhaan ko siya dahil ipinakita sa akin ni Vince ang litrato niya.

Nakasimangot lang si Vince at hindi man lang nagsalita nang makarating na sa harap namin ang kapatid niya.

Sumimangot naman ang kapatid at napatingin sa akin. "Hi there, beautiful."

"Do you want me to cut off your tongue?" Agad namang kumunot ang noo ko sa pagseseryoso bigla ni Vince. Nagseselos ba siya sa kapatid niya? Tawa ko na lang sa isip ko.

"Eto naman, you're the most beautiful girl I've seen sana if I wasn't born. I'm prettier than you, sorry." Napatanga ako nang umirap siya sa kuya niya at hinarap ako.

Hindi pa nagpoproseso sa akin, lalaking lalaki kasi ang boses at tindig niya, hindi ko inaasahan 'yon ha.

Winaksi ko na lang ang nasa isip ko at nginitian siya.

"Ang ganda ng suot mo." Pansin ko na lang sa suot niya, naka itim siyang turtle neck, at makinang na ang suot niyang grey-black na blazer. Amoy na amoy ang panglalaki nitong pabango.

"Yas, I know right, I won this one from an auction in a fashion show in Paris. This was hella expensive!" Pinagpagan niya ang balikat niya kahit na wala namang dumi ron.

"Ang ganda." Nakatitig lang ako sa maliliit na diyamante na nakakabit sa blazer niya. Manghang mangha ako sa kinang at ganda nito.

"You can touch it, sis." Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya 'yon sa diyamante. Ang ganda talaga. Humarap siya sa kapatid niya na nasa likod ko lang. "You should've told me that you have a gorgeous woman, it will be amazing to go in a fashion show with someone, you know."

Nahiya na ako sa paninitig ko kaya't umayos na ako ng tayo at medyo lumayo sa kaniya.

"Well, guess what, she can't leave without me." Kahit na hindi ako nakatingin kay Vince ay alam kong iniirapan niya ang kapatid niya.

"Corny," Umirap naman si Flynn at tinawag ang pansin ko. "Hey, what's your name?"

"Pauline," Itinaas ko ang kanang kamay ko, ganoon rin ang ginawa niya nang magpakilala siya.

"I'm Flynn, your sister-in-law."

Saglit akong tumingin kay Vince bago nagsalita. "H-hindi niya ako girlfriend."

"What? Then, can you be my girl, instead?" Ngumisi siya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. " Your hand is so soft, mi amor." Akmang hahalikan na niya ang kamay ko nang agawin 'yon ni Vince.

"Go back to Mom's womb, Lewis Flynn." Matigas na boses ni Vince imbes na matakot ay tumawa nang malakas ang kapatid niya.

Muling umirap naman si Vince at hinila na niya ako paalis, "Hoy, wait lang!" Sigaw ni Flynn sa likod, natawa ako nang nahihirapan siyang hilahin ang dalawang maleta niya habang hinahabol kami.





"Oh. My. Goodness Philippines! You have a son?!" Nanlalaking matang humarap si Flynn sa kuya niya. "My gosh, kamukhang kamukha mo siya, he's a good looking kid, kadugo natin 'to kuya, I'm very sure of that!" Halos mapasigaw na siya sa tuwa.

Nakatingin lang si Xy at hindi alam ang nangyayari, kamukha kasi ni Flynn si Vince. Siguro'y nalilito siyang dalawang Vince ang narito.

"Can you calm down, Flynn. He's not my biological son but he's my son, do you get it?" Hindi naman umalis sa pagkakasandal sa hamba ng pinto si Vince, nakaupo lang ako sa tabi ni Xy.

"K, hello baby boy, I'm your uncle Flynn. What's your name?" Lumapit si Flynn sa anak ko kaya tumayo ako at tumabi kay Vince, ipinalibot niya agad ang braso niya sa bewang ko kaya natigilan ako.

Ramdam kong pinamulahan ako pero sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.

"I'm Xyphere Kale De Jesus Flores. Hello po!" Nakangiting pakilala ni Xy, nakakatuwang napakabait niya kahit kanino. Masasabi ko talagang maayos ang pagpapalaki ko sa kaniya.

"Such a cutie! I'll take a picture of you. Look at this, I brought a books, galing 'to sa Canada." Pinisil ni Flynn ang pisngi ng bata at saka it kinuhanan nang larawan. Tumayo naman siya at kinuha ang malaking paper bag sa upuan.

"So many books!" Napahagikhik ang anak ko at niyakap ang isang libro.

Habang abala si Xy sa mga libro ay napatingin sa amin si Flynn, "Para kayong mag asawa."

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now