Nang makarating ako sa bayan ay namalengke na muna ako.

Mga gulay, karne, prutas, gatas at diaper ng anak ni Jennica, ang isa ko pang kapatid na maagang nagka pamilya.

Nang matapos bumili ay dumiretso na ako sa isang department store, rito raw kasi makabibili ng make up sabi ng napagtanungan ko. Dahil nga wala naman akong alam sa mga ito ay iniabot ko na lang sa babaeng nakatayo sa gilid ko ang listahan ng pinapabili ni Sylvia. Empleyado ito rito dahil mayroon pa siyang name tag at uniform.

Nagbayad na ako at umalis na. Dederetso na sana ako sa sakayan nang may mapansing poster.

Looking for a kasambahay. Stay in.
Just contact the number indicated below for more inquiries.

SMART: 09×××××××××
GLOBE: 09×××××××××





"Sir." napatingin naman si sir Vince sa akin nang tawagin ko siya.

Nandito kami ngayon sa opisina niya. May pinapa hanap siya na papeles. 

Mukhang ito ang papeles na 'yon kaya tinawag ko siya.

Kanina pa kami naghahanap.
"That's it, thank you." kinuha niya ang folder sa akin saka binasa ang laman non.

"Ah, sir..." binasa ko muna ang labi ko nang tinignan niya akong muli. Hindi naman siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Maaga po akong uuwi mamaya."

"Emergency?" tanong niya kaya napalabi ako saka tumango. Tumawag ang nurse sa akin kanina dahil may itinurok nanaman sila kay Xy at iyak nang iyak. Nag early out na nga si Nelson para puntahan siya ngunit ako ang hinahanap.

"Iyak daw po kasi ng iyak, hinahanap ako." umayos ako nang tayo. Kumunot naman ang noo niya sa akin saka dahan dahang tumango.

"Ayos lang, you can go now if you want." iniwas niya ang tingin sa akin at mas nag focus na sa binabasa.

"Wala na po ba kayo ipag uutos?" tanong ko nalang dahil hindi naman na niya ako tinignan.

"Wala na, go now. Just update me." tatango na sana ako at maghahanda nang umalis nang magsalita siya ulit. "Pwede ko ba siyang makita next time?"

Tiningnan niya ako at parang umiinit naman ang mukha ko sa paraan ng pagtitig niya, isa pa kasi ang mga mata niyang parang tinitignan ang buong pagkatao ko. Eto nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko.

"S-sige sir." utal naman ako at dahan dahang tumango sakaniya.

Gusto niyang makita ang anak ko?








"Kamusta naman ang anak ko? Hmm?" kakarating ko lang dito, naabutan kong umiiyak si Xy pero nang makita ako ay tumahan naman na siya. Ngumiti pa nga siya sa akin.

Naabutan ko si Nelson sa labas ng kwarto ni Xy, para ngang siya ang ina dahil mas malakas pa ang iyak niya kaysa kay Xyphere.

"O-okay lang mama." hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at mahigpit siyang niyakap. Gumagaling na rin siyang magsalita.

Inayos ko ang buhok niya at tinitigan siya.

"Ang gwapo naman ng anak ko." ngiti ko kaya naman napatawa siya.

"Oo at kamukha ni sir Vince." napatingin ako sa pintuan, naroon si Nelson, nakasandal sa pinto at may hawak na plastic ng pagkain.

Tumingin ako kay Xy, kamukhang kamukha niya nga si Sir Vince. Hindi ko alam kung bakit, lalo na ang mga mata niya, kuhang kuha ang medyo singkit at mahahabang pilikmata ni Vince. Kahit nga ang kilay nilang dalawa ay parehas na makapal at maganda ang pagka arko.

Siguro'y ang nakuha lang sa akin ni Xy ay ang tangos ng ilong ko, umiling naman ako dahil ganyan din katangos ang ilong ni Vince.

"Hindi kaya si Sir Vince ang ama niyan?" napatingin ako kay Nelson.

Ganon din kabilis lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ako nakapag salita at muling tinitigan si Xy.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nilingon si Nelson. "Sa tingin mo ba'y papatulan ako ni Sir Vince?"

"Malay mo di' ba, baka pala nagkakilala kayo sa isang bar, malay mo naman mayaman ang pamilya mo Pauline." lumapit sa amin si Nelson at inilapag ang dala niyang plastic.

"Ipahahanap naman siguro ako kung mayaman ang pamilya ko, hindi ba?" tinignan ko siya at hindi na inisip ang sinabi niya.

Malayong mangyari 'yon.

"Ikaw napaka nega star mo! Paano naman kung 'di ka lang talaga makita?" pinanlakihan niya pa ako ng mga mata. Natawa nalang ako at hindi na siya pinansin.

Kung ano ano ang naiisip ng isang to.

"Kamusta ang pakiramdam ng baby ko? May masakit ba? 'Yong braso mo anak?" masuyo kong binuhat ang anak ko. Mabilis naman niya akong niyakap.

"Hindi m-masakit." ngumiti siya sa akin kahit na nahihirapan na siya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya saka pinunasan ang luha ko.

"Hmm, 'wag magsinungaling kay mama ha." muling humarap ako sa kaniya.

"H-hindi masakit, ma. L-look oh-- o-ouch!" nagulat naman ako nang biglang hampasin niya ang braso niyang tinurukan.

"Anak, 'wag mong gawin 'yon ha." niyakap ko siya, umiyak naman siya marahil sa sakit.

Niyakap ko siya at pinatulog na.



Halos 7 months na rin ang nakalipas simula nang lumuwas kami ng Bataan. Sa susunod na buwan naman ay kaarawan na ni Xyphere. Mag aapat na taon na ang anak ko.

Sa gantong edad ay dapat mag aaral na siya ngunit hindi pupwede. Mapapagod siya roon at talagang lalala lamang ang sakit niya.

Sinimulan na rin ang operasyon niya. Ngayon lang siya ooperahan dahil inihanda pa ito ng mga doktor. Marami kasing pipirmahan at test na isinagawa para makasiguradong safe ang anak ko.

Nakatulala lang ako ngayon dahil iniisip ko ang birthday ni Xy at ang operasyon niya.

Nabalik naman ako sa diwa nang pumasok si Jericka, isang empleyado rito. May ibinigay siyang folder, report daw ito. Tumango naman ako at inilapag nalang sa mesa ko, wala pa kasi si sir Vince. May pinuntahan, mamaya ko nalang ibigay.

Lumabas muna ako para sana bumili ng kape, medyo inaantok kasi ako, wala akong masyadong tulog dahil inaalala ko si Xy, katabi ko siya kagabi at binabantayan.

Nang makarating ako sa isang cafe malapit sa opisina ay may nakita akong babae.

Maiksi ang buhok nito, mula sa itsura nito ay parang ang hirap niyang lapitan. Hindi ko alam ang meron pero nung lumingon siya sa direksyon ko ay nagtago ako.

Mukha siyang pamilyar sa akin, parang kilala ko siya pero 'di ko pa naman siya nakikita.

Umalis na rin naman ang babae kaya bumili na rin ako.

Narinig ko ang pinag uusapan ng mga cashier doon at nalaman ko rin ang pangalan ng babae kanina. Sylvia.







"I have a meeting in Palawan. Also, may celebration kami ng mga kaibigan ko roon." Tumingin naman ako kay sir, parang iba kasi ang tono niya, hindi ito simpleng nang iinform lang, parang nagpapaalam ito sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya. Tiningnan niya naman ako at kumunot ang noo. "Hindi ka ba sasama?"

"Hindi po pwede, sir." iling ko at itinuloy na ang ginagawa ko, ang folder na binigay ni Jericka ay ibinigay ko rin sa kaniya. Tinanggap niya rin 'yon at tumango.

Akala ko 'di na siya magsasalita kaya't 'di ko na tinignan pa.

Maya maya'y nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Isama mo siya."



Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now