"You, get out!" I shouted and pointed the door. She didn't looked up nor stopped what she's doing. "Can't you hear me? I said get out!"

Her face was all red and got all her things.

"O-opo, sorry po," she said before walking out of my office.

That woman.

I picked up Vien's photo.

Tsk, it was fading. I seated at my chair and call for another janitor to clean the mess she made.




Pauline's POV

"Paupau-girl, that's okay. 'Wag mong dibdibin, wala ka no'n." yakap sa akin ni Nelson nang makarating kami sa parking lot.

Nakita niya akong umiiyak dahil sa nangyari kanina.

"A-ayos lang naman ako." turan ko at pasimpleng pinunasan ang aking luha.

Parang may pumipiga sa puso ko nang marinig ang pagsigaw na iyon sa akin ni Sir Vince.

Hindi iyon ang kauna unahang beses na masigawan at mapagalitan ako ngunit parang ang bigat sa pakiramdam ang nangyari kanina.

"'Wag ka na mag alala. Kahit naman siguro ipinanganak iyon sa sama ng loob, may maliit na konsensiya naman siguro iyon. Don't cry na." hinaplos nito ang likod ko.

Mapait akong napangiti at huminga ng malalim.

"Nakaranas na akong masigawan pero noong siya ang gumawa noon parang... Ang sakit." humina ang boses ko at halos hindi makatingin sa kaniya.

"Girl, don't tell me na-love at first sight ka kay Boss Dimunyu?!" nanlaki ang mga mata ko at ibinaling kay Nelson ang aking paningin.

Bakit naman nasabi niya iyon?

"H-huh? H-Hindi, alam mo namang marami akong problema, hindi ba? Ayaw kong madagdagan pa iyon." huminga ako ng malalim.

Totoo naman iyon, masyado akong maraming dinadala, hindi ko na kayang madagdagan pa.

Uunahin ko muna si Xyphere bago ang sarili ko.

"Pau, asa ka naman. May jowa nga iyan di ba? Hindi ka papatulan niyan. Atsaka sayang ganda mo para sa masungay na yon. Mag sugar daddy ka nalang." nakangiting litanya niya.

"H-huh? Ano naman ang sugar daddy?" takhang tanong ko.

Naririnig ko iyon sa ibang mga kabataan pero hindi ko lang maunawaan talaga.

"Sugar daddy means easy money!" maarteng hinawi niya ang kaniyang kunwaring buhok at palabirong umirap sa akin.

"Puro ka kalokohan." natawa nalang ako at kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko.

"Tsk, don't mind that boss dimunyu na yan ha. Oh ano? Uuwi ka na ba agad?" tanong niya.

Agad naman akong napailing.

"Hindi pa."

"Saan nanaman ang destinasyon mo ngayon?" kumunit ang noo niya sa akin at nagpamewang pa.

"Ospital,"

"Sama ako," nakangiting aniya.

Tumango nalang ako. Tatalikod na sana kami at babalik sa trabaho.

Natigilan kaming dalawa ni Nelson nang may tumikhim sa likod namin.

Mabagal ang ginawa kong paglingon at tila naestatwa nang malamang si Sir Vince iyon.

Narinig niya kaya ang pinag usapan namin?

Napatingin ako kay Nelson na ngayon ay tila itinatago ang sarili sa balikat ko.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now