Dumaan ang buong araw at isang subject nalang ang naiwan pagkatapos ng break namin ngayon. Siyempre, si Nat palang ang kasama ko sa ngayon. Classmate at kaibigan ko si Nat simula noong high school palamang kami.

"Here we go with Theories. Ang sabi ng iba ay strikto raw ang instructor natin," sabi ni Nat habang naglalakad kami pabalik sa department building mula sa cafeteria.

"Lalo tuloy akong ninerbyos," tugon ko. Nang makatapat kami sa dapat na classroom namin ay hindi agad kami nakapasok dahil maraming nagsisisksikan sa labas ng pinto. Mukhang hindi pa nga namin kablock ang iba e.

"Miss, bakit ang daming tao rito?" tanong ni Nat sa isang babae na sumisilip sa loob ng classroom.

"Hindi niyo alam?" tanong pabalik ng pinagtanungan namin. Tumaas ang isang kilay ni Nat.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" mataray na sabi ni Nat. Napatingin ako sa ID ng pinagtanungan namin. Shoot! Second year siya! Kinurot ko ng mahina ang braso ni Nat.

"Second year," pasimpleng bulong ko sakanya.

"Ah sorry po. What I mean is, ano nga po ba ang pinagkakaguluhan dito?" ulit ni Nat sa tanong niya pero mataray parin ang labas ng boses niya.

"Sa SEA kasi ay kilala ang classroom na ito dahil sa 'Love Seat'. Kapag may isang boy at girl na umupo sa respective seats na iyon, kadalasan ay nagiging sila or naiinlove sila sa isa't-isa. Hindi magkatabi ang 'Love Seat'. Bale iyong front ng left column ay ang end ng same column ang 'Love Seat'," paliwanag ni Ate.

Nat looked at me and I seriously think she's trying so hard not to laugh. Ayaw ko rin namang mapahiya si Ate kaya naman hindi ako nagreact at iniwasan kong tignan si Nat. What the heck is a 'love seat'? That's so childish.

"Okay lang na tawanan niyo ako pero halos ten years nang ganoon ang paniniwala rito. Last year lang ulit nagkaroon ng boy-girl diyan sa 'Love Seat' at guess what? Naging couple sila," dagdag pa ni Ate.

"So, inaabangan ng lahat ng nandito kung sino ang uupo? For what?" skeptical na tanong ko. Parang ang labas kasi ay celebrity kung sino man ang uupo sa 'love seat' na iyon. Well, the idea is really childish and illogical. I believe in fate but this is too much to categorize as fate!

"May nakaupo nang lalaki sa harapan. Inaabangan nalang nila kung sino ang uupo sa dulo," sagot ni Ate.

"Nila?" hindi makapaniwalang komento ni Nat. Siyempre, isa rin si Ate sa nakaabang e pero 'nila' raw!

"You girls are too judgemental. It's for the school paper," mukhang nainis na si Ate. Oops! Tinalikuran kami ni Ate at pumunta sa mga kasama niya.

"Mga hopeless romantic nga kasi," natatawang bulong ni Nat sa akin nang makapasok kami sa classroom. Agad na nawala ang crowd nang mag-ring ang bell. Nagulat kaming pareho ni Nat nang makita namin si Kristopher Park sa pinakaharap—iyong isang pair ng 'love seat'. Iniisip ko palang ang salitang 'love seat' ay natatawa na ako. Kaso nga lang si Nat, mukhang gusto niya talagang umupo sa kapareho ng 'love seat' dahil tinitignan niya ng masama ang lalaking nakaupo roon!

"Everyone please stand up. I'm Mr. Martin Salve, your instructor for Theories 1. I arrange my student's seats on my classes," saad agad ng pumasok na matandang lalaking instructor. Wow, boses palang niya ay nakakatakot na.

Tumayo ang lahat at pumunta sa likuran puwera kay Mr. Park na lumapit sa instructor namin. "Sir, can I seat there? I'm nearsighted and I think that's the best seat for me," narinig kong sabi ni Kristopher sa instructor. Wow, he'd be really seating on that other half of 'love seat' then.

"Well, ok that's fine. What's your name?" tanong ng instructor.

"Park, Kristopher," sagot ni 'Summer'. Pagkatapos ng kaunti pang usapan nila ay tinanong ng instructor kung mayroon pa ba sa amin ang may kailangan ng specific seats. Sa tingin ko ay may mga may gustong mag-oo para lang makaupo sa 'love seat' pero mukhang natakot silang magsinungaling sa instructor namin.

SEATMATEWhere stories live. Discover now