Kabanata I

3 1 0
                                        


"Girl, mamaya ah wag kang aalma."

Naupo pa sa katapat kong upuan si Denice saka nagde-kwatro.

Sandali ko siyang sinulyapan saka nagbalik sa pag aayos ng gamit sa bag ko. Maya maya ay tumayo ito at kumapit sa braso ko.

"Lea, pre-graduation party na rin natin yun. Pleaseee." Niyugyog niya pa ako na parang ako ang nanay niya.

Ilang araw niya rin kasi akong kinukulit na magpunta sa birthday party ng boyfriend niyang si Shawn. At ngayon nakaisip na naman siya ng panibagong dahilan para pumayag ako.

"Speaking of graduation, hindi ba dapat magbeauty rest tayo para fresh tayong aakyat sa stage bukas?" Nagtaas pa ako ng kilay na ikinatulis ng nguso niya.

"Hapon pa naman yun, you still have a haft day Miss Magna Cum Laude."

Sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko sa huli niyang sinabi. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Hays

"Saka puro ka aral sa loob ng 4 years, sige ka baka tumanda kang dalaga niyan." dugtong pa niya

Bahagya akong natawa saka kumalas sa kaniyang kapit. "Tumandang dalaga agad? Di pa nga ako gumagraduate eh. At isa pa, magiging CPA at milyonarya muna ako bago ko iyan isipin 'no."

Nangunot ang noo ni Denice saka nag cross arms. "Eleanor Dela Vign, don't tell me ginagawa mo parin 'yan para maipakita sa Dad mo kung ano at sino ang iniwan niya? Hmm?"

Napaiwas ako ng tingin saka nagsimulang maglakad palabas ng room. "Oo na, pupunta na ako mamaya." sagot ko na lang. Ayokong sagutin ang tanong niya.

"Iyon lang pala. Okay, I'll wait for you ha."

Maarte ang pagkakasabi niya saka muling kumapit sa braso ko. Bumitaw din siyang kaagad noong matanaw na si Shawn.

"Bye girl, see yah later."

Niyakap niya pa ako saka tinungo ang konaroroonan ni Shawn. She is a sweet and happy go lucky girl, palibhasa pinanganak na may golden spoon sa bibig.

Nagtungo na ako waiting shed sa labas ng aming University para hintayin ang grab car na ni-book ko. Haynako, dahil sa brinought up na topic ni Denice, napilitan tuloy akong umoo. Ayoko talaga sa mga parties lalo kung hindi pormal at hindi naman necessary na puntahan. But still, naka-oo na ako so I have no choice kundi ang pumunta.

Pagkarating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto upang makapagbihis. Pagkatapos ay nagluto naman ako ng miryenda sa kusina. Bitbit ang pancake at hotdog na paborito kong iluto sa hapon ay bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko ang papel na naglalaman ng isinulat kong speech para bukas. Kinikilig parin talaga ako sa tuwing babanggitin nila ang pagiging magna cum laude ko, para bang naglaho ang lahat ng pagod at puyat ko hindi lang ngayong year kundi pati na simula noong 1st year pa lang ako. Sobrang worth it!

Noong matapos ang pagkain ay bumalik naman ko sa kusina para naman simulan ang pagluluto ng dinner. At dahil espesyal ang araw na ito dahil bukas ay graduate na ako, kailangan ko ring magluto ng espesyal na ulam. Well, I don't think it is that special pero kasi favorite ni Mommy ang chicken curry. So, iyon ang iluluto ko.

It was 5:30 noong matapos ako sa pagluluto, naupo muna ako sa sala at nanuod ng TV habang naghihintay kay Mom. She's a marketing manager sa kompanya ng pamilya ni Denice.

Maya maya lang din ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong tumayo para salubungin si Mommy, kinuha ko ang bag na dala niya at saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Hays, wala na agad ang pagod ko. Thank you sweetie." Hinalikan niya pa ako sa noo saka ngumiti ng pagkatamis.

Ngumiti na lang din ako saka muli siyang niyakap. Noong magkalas ay nagtungo na siya sa kaniyang kwarto upang makapagbihis. Ako naman ay dumiretso na sa kusina para ihanda ang dinner namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bed of Lies [On Going]Stories to obsess over. Discover now