You Are The Sunshine Of My Life Part 2

92 0 0
                                    

“HAHAHAHAHAHAHA!”

Habang dinaramdam ang pighati at humahagulhol siya ng iyak, nalaho ang mga iyon ng humagalpak ako sa tawa.

Sa sobrang saya ko, pinaghahampas ko yung lamesa sa gilid niya at halos mahuhulog

na ‘ko sa hinihigaan ko.

Natigilan siya.

Bigla niya akong kinurot sa binti ko.

“ARAY!”

“Nakakainis ka naman eh! Hindi nakakatuwa!” Nagalit siya sa ‘kin nung mga sandaling iyon.

Bago ako sumagot sa kanya tumatawa pa rin ako at hinabol ang hininga ko. “Ikaw kasi hindi mo pa ‘ko pinapatapos eh. Wala na…wala na siya…yung kidney ko. Nandun na kay Nathan na.” Sinabi ko sa kanya ng nang-aasar.

“Nakakainis ka talaga! Hindi ka pa rin nagbabago!”

Biglang napalitan ng ngiti ang labis labis na lungkot niya kanina lang.

“Pero nasa recovery room pa rin siya. Hindi pa daw ganun kaganda yung lagay niya.” Sabi ko habang pinapakalma ko pa ang sarili ko.

“Ganun ba?” Naging seryoso muli ang mukha niya. “Hindi magandang biro yung sinabi mo kanina ah!”

At patuloy pa rin siya sa paghahampas niya sa ‘kin

“Ano ba? Pagkatapos kong ibigay yung kidney ko sa kanya, eto aabutin ko sa’yo?”

Pero niyakap niya ako at hinalikan niya ang noo ko.

“Alam ko kulang ang salitang salamat. Pero malaki ang utang na loob ko sa’yo.”

Ngumiti lang ako sa kanya. Pakiramdam ko mabuti na ang lagay ko.

“Sherry…paano kung nawala talaga si Nathan? Anong gagawin mo?”

Tumahimik lang siya.

“Hindi ko kaya…baka matulad ako sa kanya nung nawala si Isabelle.”

“Eh kung ako?”

“Malulungkot din ako. Hindi ko din kakayanin.”

At hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at dinikit yun sa kanang pisngi niya.

“I’m sorry. Charlie. Gusto kita pero si Nathan…ang mahal ko.”

Matagal na pala niyang alam na may pagtingin din ako sa kanya. Pero mabuti na rin yung ganito.

Makita lang kitang nakangiti at masaya. Titiisin ko lahat ng sakit.

Makalipas ang isang linggo. Bumalik na rin sa normal ang lahat. Suplado pa rin si Nathan pero nakakangiti na. Kahit naging malabo yung pag-asa naming maka-survive, masayang-masaya kami na walang nawala. Siguro kahit parehong naging malapit kami sa kamatayan ni Nathan hindi pa rin kami bumigay kasi nandiyan ang taong nagbigay ng liwanag sa dating madilim naming buhay. Si Sherry.

Hindi ko na rin tinuloy yung plano kong pag-alis papuntang Maynila. Naisip ko nandito ang buhay ko. Dahil nandito ang mga taong pinahahalagahan ko.

Kaya naman nagpatuloy pa rin ang buhay namin sa resort. Botong-boto naman ang Daddy ni Sherry kay Nathan kaya wala naman naging problema sa relasyon nila.

Ganun naman lagi sa love ‘di ba? Magmahal ka para mahalin ka din ng taong mahal mo.

Pero ano bang kahulugan ng love? Bakit may nasasaktan? Bakit may naha-heartbroken? Bakit may mga taong binibigay na nga ang lahat naiiwan pa sa ere?

Katulad ko.

At ngayon alam ko na. Ang mahalaga nakakangiti pa rin ako sa kabila ng mga nangyari.

Ako? Nandito lang. Naka-alalay sa relasyon nila. Naghihintay lang para sa isang taong makakasama ko rin sa tamang panahon.

Pero habang naghihintay, ako muna ang lifeguard ng relasyon nila Sherry at Nathan.

Pero hindi naman ako nag-iisa. Nandito pa naman si Patch.

“You Are The Apple Of My Eye

Forever You’ll Stay In My Heart.”

~THE END~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Are The Sunshine Of My LifeWhere stories live. Discover now