Sa mundo ng Garchitorena makikita ang Dimian Imperial Martial Arts na kung saan nakatala ang pinaka makapangyarihan martial arts na tinatawag na “Catalog of Dauis” na isinulat pa daang libo na ang nakakaraan ng isang Immortal Magic Emperor.
Ang Ancient Devil King ang pinakamalakas sa mundong ito. Lahat ng kanyang kaalaman sa paglilinang at mga martial arts ay ipinamahagi niya lamang sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga aklat sa mundong ito.
“Catalog of Dauis” sa pamamagitan ng paglilinang at pag-eensayo ng mga martial arts sa talaang ito ay maaring mamuno o maghari ng isang mundo.
At ngayon ang aklat na ito ay nasa kamay ng isang Legendary Emperor of Magic. Siya ay walang iba kundi si Legendary Emperor Dimian Guero.
Nang sumabog ang impormasyong ito sa mundong kanyang ginagalawan, siya ay naging puntirya ng mga martial arts expert.
“Kamahalan, may masamang balita, Ang kabundukan ng Siera ay nasakop na at napatay na rin ang ating mga kawal! Ani ni Qin Gue, disipolo ni Dimian Guero.
“ikinakabahala ko po ay ang parating n apitong emperor. Dagdag pa nito.
“huwag kang mag-alala, ang pitong emperor na ito ay walang laban sa akin, mahinahong sabi ni Dimian Guero.
“Hindi ko inaasahan na madali lamng nilang matatalo ang aking mga alagad. Halika na at sila’y ating salubungin. Dagdag pa nito.
Sa labas ng kanyang kaharian makikita sa ere ang mga malalakas na kawal ng pitong emperor.
“Emperor Dimian, ibigay mo sa amin ang “Catalog of Dauis! Sigaw ng mga ito.
“ Mga insekto! Anong Karapatan niyo para kalabanin ako! Pasigaw na sabi ni Dimian Guero kasabay ng pagsugod nito sa mga kawal ng pitong emperor.
“Mag-iingat kayo, parating na siya! Sigaw ng isa sa mga pinuno ng mga kawal.
Ngunit, bago pa makapaghanda, mabilis na bumulusok ang nag-aapoy na kamay ni Dimian Guero patungo sa mga ito. Bawat tamaan nito ay kamatayan ang kapalit.
“Hindi ka namin tatantatan Legendary Emperor Dimian Guero! Dito na magtatapos ang buhay mo. sigaw ng isa s apitong emperor na bagong dating.
“ohhhh, talaga ba!
“Mabuti naman at dumating na kayo!
“Ibigay mo sa amin ang Catalog of Dauis at hindi ka namin papaslangin. Ani ni Emperor of Sword.
“Uyy! Uyy! Emperor of sword, ako ang pinakamalakas na naitala sa sanctuary. Kahit pa kayo ay magtulong-tulong hindi ninyo ako matatalo. Ani ni Dimian Guero.
“Bakit ba ang hilig niyong mang-istorbo sa kaharian ko? Hinahanap niyo ba si kamatayan? Nanghahamak na tanong ni Dimian Guero.
“Alam mo ang sitwasyon mo? ikaw ang pinaka kalaban ng buong mundo, sa tingin mo ba wala ng mas malakas pa sa iyo sa sa mundong ito?
“Dimian Guero, ang aklat na ito ay isang relic ng isang Immortal Emperor of Magic, kaya naman ibigay mon a ito sa Holy Land.
“Kamahalan, hindi ito maganda, siya ang pinakamalakas na emperor ng Holy land. Ani Qin Gue.
“Ako, kalaban ng Holy Land at ng Buong Mundo? Kahit na ganun, papaslangin ko kayong lahat! Hahahahah!!
tumatawang sigaw ni Diman Guero.
YOU ARE READING
The Legendary Emperor of Magic
AdventureAng kwentong ito ay kathang isip lamang anumang pagkakapareho nito sa ibang aklat ay hindi sinadya ng may akda.
