Prologue

1.9K 28 5
                                    

Natalie's POV

First day of school! My God, di ko alam kung anong mangyayari saakin. Well, go with the flow na lang ako, and focus sa studies.

Nakasuot lang ako ng civilian, dahil bago pa ako dito. Agad ako umalis sa condo at naglakad papuntang school, since malapit lang yan sa condo.

Bumili muna ako ng burger dahil di pa ako nakakain ng breakfast, at nakapila ako. Nakabili rin after a few minutes at kinain ko agad.

Habang naglalakad, may lalaking nagtulak saakin na ikinatumba ko.

"HOY!" Sigaw ko sa sakanya. Hindi namamansin kabwisit!

Para mapansin niya ako, kumuha ako ng empty water bottle at binato ito sakanya. Sapul pa sa ulo!

Buti nga sakanya.

Napansin ko na lumingon siya saakin at linapitan ako agad.

"Ano bang problema mo at binato mo yan saakin?" Sabi niya na hawak pa yung water bottle. Aba'y siya pa yung galit ngayon! Ang tapang ng hayop na yan no?

"Ikaw na nga yung may kasalanan, tas ikaw pa yung galit?!" Sagot ko sakanya.

Napabuntong hininga lang siya at tinignan ako ng masama.

"Umayos ka nga! Di porket babae ka, hindi na kita papatulan!"

Nag eye roll na lang ako dahil sa sobrang sama ng ugali niya. Kainis!

"Tandaan mo tong babae ka! Ako yung boss dito, ako yung leader dito, at wag na wag kang aangas ng ganyan! Dahil hindi mo alam kung sino hinaharap mo." Sambit nito bago umalis sa harapan ko.

Kainis!!! Ang aga para bwisitin ako ng ganyan! Hayss buhay!

Anyways, nakarating na ako sa school after a few minutes. At pagpasok na pagpasok ko, rinig na rinig yung sigawan ng mga babae.

Ewan ko lang kung bakit, pero nagsi-siksikan ang mga babae dito.

Hayys, iwasan ko na nga yung mga yan.

Ahh yes. Peace and quiet. Nakaupo na ako dito sa bakante na walang tao, dahil 30 minutes pa bago mag start yung klase.

"Bro! Yan ba yung nanlaban sayo kanina?"

"Siya nga yun!"

"Ano, puntahan ba natin?"

"Tara."

Narinig ko yung pinag uusapan nila at hindi ko na lang pinansin.

"Hoy ikaw!" Lumingon ako at nakita ko yung bwisit na bumangga saakin. And the worst part, may kasama pa siyang apat na lalaki.

"Siya ba yung nagbato ng water bottle sayo? Eh halatang palaban siya eh." Sambit ng isa na mukhang nagpapatawa. Pfft, ang corny niya.

"Ikaw, di porket ang sexy sexy mo ganyan na ang pagtrato mo sa boss namin!" Pagsalita ng isa na ikinainis ko pa lalo. Kairita! Mukha pa siyang manyakis!

"Bastos!" Sigaw ko sa lalaking mukhang mina manyak ako.

"Bro, bumabalik ka nanaman sa dati. Let the genius handle this. Uhmm... miss, can you please control your anger sometimes, it's not good for your health." Sambit ng isa na feeling genius. Matalino na nga, ang yabang pa.

"Hey. Sorry about their attitudes. BTW, I'm Riku... Riku Guevarra." Mukhang siyang mabait. But I'm not interested.

"Uyy! Duma damoves na si pareng Riku ah!" Pag asar ng feeling nakakatuwa.

"Tinitigasan ka na pre?" Sambit ng manyak na bwisit.

"Ayan nanaman yung pagiging manyak mo boii." Pag awat ni Riku sakanya.

"Lincoln Ferrer. You can call me Link." Sabi ng feeling joker.

"Levi Zacharias Sy. Boy genius ng campus na to." Pagpakilala ng mayabang na genius.

"Demyx Ignacio, pinaka pogi na member sa Gen Z Spartans." Pagsagot ni manyak.

"At eto naman ang boss naming si Anakin Sky Adolfo!" Dagdag niya habang pinapakilala yung lalaking tumulak saakin kanina.

"Pwede bang tigilan niyo ako! Nakakairita kayo eh!" Pasigaw kong sabi sakanila. Tumayo ako para umalis, kaso hinawakan ako sa braso ni Anakin at hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko.

"Sandali lang!"

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

"Makinig ka muna sa sasabihin ko bago kita bitawan!" Napabuntong hininga na lang ako at nakinig sakanya.

"Tandaan mo to, walang mga tao na hindi sumusunod saakin. At kung balak mo na suwayin ang mga gusto ko, or kahit maglaban ka saakin, you will regret this day."

"Kahit anong gawin mo Anakain, hinding hindi kita uurungan!"

"What the hell? Anong meron dito?" Lumingon kaming lahat sa lalaking magsalita.

"Tyrus Jordan Baltazar! The champ is here yow!" Sigaw ni Link. Ang masasabi ko sa lalaking yan, or should I say Tyrus... mukhang gangster.

"Sino ba to?" Tanong ni Tyrus sakanila.

"It's none of your business!" Pagsagot ko sakanya.

Tinapik ko yung kamay ni Anakin at umalis sa harapan ng mga mokong.

"Hindi pa tayo tapos babae!" Hindi ko pinansin yung sigaw niya at patuloy tuloy akong naglakad palayo sakanila.

Hayys! First day na first day, para akong nasa impyerno!

Paano ko kaya haharapin ang mga bwisit na lalaking yan.

This is hell!

Author's Note: Prologue muna para ma excite kayo. Hahaha! Sana magustuhan niyo! 😊😊😊



Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now