Malaya kong sinimulang libutin ang lugar habang nakasunod naman na parang guardian ko sa fieldtrip si Joaquin. Nakaitim na mask siya habang suot ko naman na ang sunglasses na binigay niya. Paraan ito upang hindi kami mamukhaan agad.






Alerto rin ang apat na bodyguards na kasama namin kung sakali man. At habang naglalakad kami ay hindi matigil ang bibig ko sa pagkukwento tungkol sa mga bagay na alam ko sa loob ng museum. Dahil doon, nakaisip na naman ako ng bagong trip. 






"Okay, everyone, line-up." I clapped my hands three times as I face them. Napataas lang ng kilay si Joaquin sa akin at nagtinginan naman ang apat na bodyguards. "Oh, come on! Hindi ba kayo nag fieldtrip noon? Ito-tour ko kayo!" 







Nilingon ni Joaquin ang apat sa likod niya at nang makitang nakapila na nga sila ay saka niya ibinalik ang tingin sa akin. "What? Ang KJ mo kung 'di ka susunod. KJ ka na nga kasi ayaw mong makasama ko sa inuman pinsan mo, eh!"





"Do not bring Raven into this." Napailing-iling  at umirap siya. Pinagseselosan niya pa rin ang pinsan niya? Baliw. Nang mapansin din naming nag-aalisan na ang mga tao ay saka namin tinanggal ang mask at sunglasses na suot. Mas malaya na rin kaming gumalaw at mas magiging maayos ang pagto-tour ko. 






Sa tinagal ng oras namin doon ay halos nalibot namin ang buong museum. Nang makaupo ay saka ako nag-check ng phone. Bungad agad ang iilang notifications mula sa Instagram ko galing kay Joaquin. Dali-dali ko iyon binuksan saka ko nakita ang picture kong natutulog kanina habang suot ang t-shirt niya. Good thing that my face was hidden.







Sunod naman ang picture naming magkahawak ng kamay kanina sa sasakyan. Sunod naman ay ang picture ng mga bodyguards niya at isang kasama naman siya. Kasunod no'n ay video ko na nagsasalita habang nagtuturo ng mga displays, paintings, at kung ano-ano pa. 






[In the video:

Me: Excuse me, Sir, pero no pictures po. 

Joaquin: But can I take a picture with the tour guide?

Me: 'Wag kang malandi.

Joaquin: Sungit hahaha.]





"Wala talagang pinipiling lugar..." bulong ko sa sarili ko sabay tawa. Ang pinakahuli ay backshot kong nakatingin sa isang painting. At dahil malinaw ang mata ko, hindi nakatakas ang maliit na caption doon: "my favorite."







Pinigilan ko agad ang ngiti ko dahil baka ang painting talaga ang tinutukoy niya at nahagip lang ako sa picture. Pero kahit anong pigil, parang gusto ko na lang siya sipain bigla dahil inuulol na naman niya 'ko. Tinago ko agad ang phone ko nang makabalik na siya galing restroom. "Gutom na 'ko," sabi ko agad at tumayo nang makalapit na siya sa'kin. 







"Where do you want to eat, my princess?"







Haha, parang tanga. My princess, amputa. 'Kala mo siya nanganganib sa kagaganyan niya, eh... "Kahit saan," sagot ko na lang dahil wala naman akong alam na kainan dito.






"What a very hard restaurant." Natawa na lang siya saka hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako nagulat dahil may deal nga pala kami. May kondisyon din. Ngunit mukhang ako yata makakalabag ng isang kondisyon na 'yon na nagmula rin sa'kin... 






We ended up at the restaurant in Intramuros. Bumalik kami ro'n sa dati naming kinainan. Pagkatapos ay naglakad-lakad kami ulit. Sakto dahil lubog na ang araw nang makarating kami kanina rito. Nakapagliwaliw din ang apat na bodyguards namin.







At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now