"Naka-moved on na ang akin."





"Ipinanganak ka siguro talaga para magyabang lagi sa harap ko." Umirap ako at mahina siyang binatukan. "Iyong akin—" Napatigil ako nang biglang umilaw ang phone ko, showing someone's name I never expect to send me a message anymore. But I must say that I received it at a perfect time. "Hindi pa," tuloy ko sa aking sasabihin kanina kasabay ang patagong pagngisi.






Hinintay ko ang magiging desisyon ni Joaquin sa aking naisip na kalokohan. Inubos na rin namin ang wine at nagligpit ng kalat. Nang makahiga na kami sa kama ay saka siya nagsalita sa'kin ulit tungkol doon. "As you wish, I'll be your fake boyfriend," aniya na para bang sanay na sanay na sa mga ganoong bagay.







"Magdi-date lang tayo pero 'di ko sinabing kaylangan na may label."






"Edi anong tawag niyan sa'yo? Non-showbiz fling?"






Natawa ako at tumango. We're just going to fake everything for the sake of my plans. I will be that cheater's nightmare.  "Hindi ba't mas magandang pakinggan na girlfriend kita?" Kunot na ang noo niya. Saka ako tumagilid upang harapin siya. Ganoon din ang ginawa niya nang maramdaman ang tingin ko sa kanya.





"Do you want to make this an exclusive deal? Don't you wanna date other girls?"





Seryoso siyang umiling kaya natawa ako ulit. "We're not saints and we meet new people everyday, Joaquin. Sigurado ako na may magugustuhan kang isa sa dami ng tao sa mundong 'to. Kahit sampuin mo pa, eh! Besides, we're just fake dating. You can still date whoever you want. I don't care."





"Why, you want to date other guys out there?"






"Bakit hindi?" Kibit-balikat ko. Tunog mayabang ako sa harap niya ngayon dahil ayoko na ipakita ulit sa kanya na nanghihina ako dahil lang sa isang lalaki. "Isipin mo na lang na naglalaro tayo kaya 'wag mong seryosohin lahat ng gagawin natin. Fake date nga lang, eh. Isa pa, takot ako sa commitment. Tanggap ko nang tatanda akong dalaga."





"I don't think you will." He chuckled. "Alright, you're the boss. Non-showbiz fling, then." Umayos na siya sa kanyang pagkakahiga.






"Oh, and one more thing," hirit ko pa sabay lagay ng malaking unan sa pagitan namin. "No falling in love confessions. I'm really gonna punch you straight in the eye if I heard one from you."





"Don't worry, I choose peace."







The cold breeze of Tagaytay really did greet me a good morning when I stepped out the hotel. Good thing that I wore my plain blue long sleeve off-shoulder crop-top. Kita ang medyo makapal na strap ng aking backless bra na suot sa loob na may kaunting puti sa gilid nito. Mas nagbigay buhay iyon sa pang-itaas kong suot.





At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon