I nod my head for approval. She kissed my cheeks before she left me. I look back again to the Corrigan's. Joelle and Sibyl are talking to his Dad. Nakita ko na lang na umalis ang kambal. Naiwan si Euphrasia kasama si Kuya. Nakatingin lang ito sa akin hanggang sa may lumapit sa kanya na lalaki, hinalikan ang pisngi nito.

Mahinhin na tumingin sa amin si Euphrasia. Ang lalaki ay nasa tabi nito.

"Zachary, my boyfriend..." pagpapakilala nito sa amin. Ang lalaki ay nagbigay ng isang ngiti sa akin at isang tango naman kay Kuya.

Zachary, son of the Vanidestines'.

"Nasaan ang mga magulang mo, Zach?" tanong ko. Ang magulang kasi nito ay tropa namin ni Kuya kaya kilala ko na rin ito pero hindi ko inaasahan na may relasyon sila ni Euphrasia.

"Susunod na lang daw po sila. I just came here first, Mr. Sandoval," he said formally.

"Euphrasia," Oliverio called his daughter. Tiningnan naman siya ng anak nito. "You better explain this later."

"Yes, Dad." Iyon ang huling sinabi ni Euphrasia bago siya umalis kasama ang boyfriend nito. Naiwan kami ni Kuya. Naglakad ito palapit sa akin at inangat ang kumao sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko roon.

"Bro fist bomb?"

Napangisi ako. Tinaas ko rin ang akin at sinalubong ang kanya. Iyon ang ginagawa namin mula pagkabata bilang pagbati sa isa't-isa. Pagkatapos gawin iyon ay naglakad ito papunta sa likod ko.

"Bunso, kamusta naman ang pagpapalaki mo kay Finley? Hindi ka ba nahirapan? Last time na nakita ko siya sobrang kulit niyan nung maliit e, "

"Okay lang naman. Ang mga katulong na ang bahala. Saka malaki na ang anak ko, Kuya. She's been a great daughter to me. She's a meticulous, responsible, and ambitious woman."

Wala akong nakuhang sagot kay Kuya Oliverio. Nakita ko si Finley na kinakausap ang mga bagong pasok na bisita. Nang bumaling ito sa direksyon ko ay masigasig itong kumaway at nag-flying kiss pa.

As I watch her, my heart softens. Even though I wasn't her real father, she still considered me as her real father.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Halos lahat ay nagkakasiyahan. It's my 48th birthday today. Patanda na ako nang patanda, mas lalo lang ako nakaramdam ng lungkot.

I let out a deep sighed. Ginulo ni Kuya Oliverio ang buhok ko kaya nawala ang sariling pag-iisip ko.

"Kakausapin mo ba ang mga bisita?"

"Mamaya na. Iakyat mo muna ako sa kwarto ko, Kuya. Tawagin niyo na lang ako kapag kailangan ko ng magsalita sa appreciation speech ko," Tinungo namin ang elevator. Bago pa kami makapasok sa loob ay pinigilan ko na siya. "Ako na lang, Kuya. Kaya ko naman na. Bumalik ka na roon."

"Oliver-"

Ako na ang nagtulak sa wheelchair ko papasok sa elevator. Tiningnan ko na lang siya saka ngumiti. Nang sumarado na ang pintuan nakakabinging katahimikan ang bumalot na naman sa akin.

Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko. Akala ko napatawad ko na siya nang buong-buo...pero hindi pa pala. Nandito pa rin yung sakit dahil sa ginawa niya. 

Sakto na bumukas na ang elevator. Nagtungo ako sa kwarto ko. Hindi ko na sinarado ang pintuan. Tahimik kong tinutulak ang sarili papunta sa maliit na cabinet, katabi ng kama ko. Hinila ko ang unang drawer.

I took out the frame. When I saw her picture, I smiled bitterly.

"Kantahan mo naman ako. Birthday ko ngayon..." mahinang sambit ko habang marahan na hinahaplos ang larawan nito. Niyakap ko ito nang mahigpit. Nang makaramdam ng kaginhawaan ay pinatong ko ang maliit na frame sa hita ko at lumabas ng silid.

Tinatahak ko na ngayon ang hardin. Gustong-gusto ko ang lugar na 'yon dahil kahit na nag-iisa lang ako na nakaupo at tinitingnan ang mga berdeng halaman, puno at makukulay na bulaklak, ramdam ko na kasama ko siya sa lugar na 'yon.

I stopped pushing the wheels of the wheelchair when I saw Euphrasia and Zachary kissing wildly in front of the fountain. Natigil sila nang makita ako.

"U-uncle Oli..." nauutal na tawag sa akin ng pamangkin ko. Si Zachary ay umiwas ng tingin. Hindi makatingin sa akin ng diretso. Pulang-pula ang mukha ni Euphrasia saka palihim na pinunasan ang labi nito dahill nagkalat ang lipstick doon.

I shook my head.

"Magkukunwari akong walang nakita."

Euphrasia bit her bottom lip. Zachary let out an awkward chuckled.

"Sorry, Uncle. Pahamak ka talaga, Zachary!" pinalo niya ang boyfriend nito na umaray lang sa ginawa ng pamangkin ko. "Pumasok ka nga muna! Samahan ko lang Tito ko rito."

Mabilis na tumakbo si Zachary. Yumuko pa ito sa akin bago ako lagpasan. Natawa na lang ako. Naalala ko lang ang pagkabata ko sa kanya. Nangyari na rin ito noon pero mabagsik ang naging kalabasan, hindi katulad ngayon.

Euphrasia walks toward me in a saunter manner. "Hi, Uncle Oli!" she smiled sweetly.

Tinulak ko muli ang sarili papunta sa fountain. Iyon kasi ang paborito kong puntahan sa hardin. Euphrasia silently followed me. I can feel her presence beside me. I admiringly look at the fountain. Nababa ko ang tingin nang nahulog ang frame mula sa hita ko. Kinuha ko ito saka marahan na pinagpag ang harapang bahagi nito.

Hindi ko mapigilan na titigan siya muli. Napakaamo ng kanyang mukha. Hindi nakakasawa ang natural nitong ganda. She's not the type of girl who wears make-up, she loves to show everyone her natural bare-faced.

She has this prepossessing beauty that made every man drools over at her, and make every woman feel envious of her elegance.

"It's been 25 years..." I whispered.

I heard Euphrasia's gasped. I glanced at her.

"Can I take a look at her closely, Tito?" I give the frame to her. Euphrasia smiled pleasantly but it quickly fades away when she saw the picture inside the frame.

"She's Laura Vivien Trinidad, my great love..."

"T-this is-" nauutal na bulong ni Euphrasia.

Nilingon ko muli siya.

"Si Laura na tinutukoy ko ay ang mama mo, Euphrasia..."

I can sense of coldness taking over between us. Euphrasia slowly placing her right hand over her mouth, and her eyes are widened in shocked.

It's funny to think na hindi pa pala alam ng mga anak mo ang tungkol sa ating dalawa, Laura...

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now