CHAPTER 5

6 1 0
                                    


Hindi alam ni Uno kung ano ang mararamdaman nya sa sinabi ng propesor. Natapos ang araw na hindi nya kinikibo si Cero at masama ang loob nya sa kanyang sarili. Bakit ba sa dami ng pagkakataon na makakapagsalita sya ay si Deux pa ang itinapat sa kanya?

Hindi nya maipagkakailang magaganda ang sinabi ng dalaga at on-point ito. Alam nya rin naman sa sarili nya na tama ang mga sinabi nya pero bakit ganoon? Bakit parang nagmukha syang tanga sa mga argumento nya kanina?

Sinubukan nyang kausapin si Deux. Sinundan nya ang dalaga hanggang sa makarating ito sa canteen.

"Anong problema mo?," tanong nito sa kanya.

"Anong problema mo?," balik na tanong ng binata sa dalaga. "Maayos ang argumento ko kanina. Bakit parang pinaparating mo sa akin na wala akong pakialam when in fact, what I'm trying to say is that they could join us in the rankings kung gagalingan lang nila?"

Bakas sa mukha ni Deux ang pagkairita. "We all have our own responsibilities at home. Hindi lahat kayang mag-focus at maglaan ng maraming oras sa pag-aaral kagaya mo, Oliveros. Hindi lang naman tayo estudyante. Isa tayong anak, kapatid, pinsan, pamangkin at mamamayan sa mundong 'to. Naiintindihan mo ba?"

"Magsikap lang tayo ganon. Kaya naman balansehin lahat e, basta magkaroon lang ng time management. We can all survive that way. Sometimes, everyone is just making excuses para makatakas sa responsibilidad nila."

"Uulitin ko. Hindi lang sa pag-aaral umiikot ang buhay nating lahat. Kung ikaw kaya mo, congrats sa'yo. Pero kailangan natin maging considerate sa iba. May mga kaklase tayong niraraos lang ang pag-aaral sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho. May iba tayong kaklase na hindi alam kung saan kukuha ng panggastos at pantustos sa pag-aaral dahil wala na silang magulang. Nagegets mo na ba yung point ko? Okay ka naman e, matalino ka ganon. Respeto nalang talaga. Ayun lang yon. Sa madaling salita, Walang silbi ang talino kung hindi ka naman makatao."

Similarly DifferentWhere stories live. Discover now