Kasalukuyan kong tinatawagan ang aking kasintahan , break time kasi namin ngayon kaya naisipan kong kamustahin siya na nasa ibang school pa . Grade nine pa lang ako nung makilala ko siya through facebook , grade eleven naman siya that time. At ngayon grade evelen na ako at siya naman first year college.
Nakailang tawag na ako kay Brinson ngunit hindi pa rin sinasagot. Dati rati naman naman isang tawag ko lang sakanya sinasagot na niya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Isinantabi ko muna ang lungkot **baka busy lang siya** dikta ng utak ko.
Ako nga pala si Plett, hindi kagandahan ngunit kaya kong magpahalaga. Nung una nagtaka kung bakit ako ang napiling ligawan ni Brinson Weigl isang napakagwapong lalaki at nagaaral pa sa isang isklosibong eskwelahan sa aming bayan pero dahil masiyaga niya akong linigawan ay nahulog na rin ako sakanya.
Paguwi ko sa aming bahay , nagmano muna ako sa mga magulang ko saka nagtungo sa maliit kong kwarto. Tinawagan kong muli si Brinson nagbabakasaling masagot na niya ang tawag.
Ring lang ng ring , masiyaga akong naghihintay mahal ko nga kasi at sa pangatlong pagkakataon ay sinagot na niya ang tawag. Napasambit na lang ako ng "Salamat sa Diyos " dahil sa kagalakan.
"Babe! Salamat naman at sinagot mo ang tawag ko" masigla kong sabi.
"Bakit ba? " maikling sagot niya
" Wala man lang "Hi" ne "Hello Babe " man lang ? " nagtatampo kong turan. Napanguso na lang ako bigla.
" Alam mo naman na marami ako ginagawa. Aral dito, aral doon. Sasabay ka pa ! " pagalit niyang sagot.
" Sorry na Babe namimiss na kasi kita. Dati naman ikaw ang kusang tumatawag saakin kahit busy ka pa naaalala mo akong tawagan " mahaba kong litaniya sakanya.
"Ikaw na rin ang nagsabi "Dati yun "
" Ano bang ikinakagalit mo? "
mahinahon kong tanong. Ayaw ko kasing dagdagan ang galit niya.
"Nakakaasar kana kasi ang kulit kulit mo tawag kapa ng tawag!" Galit parin siya. Napabuntong hininga na lang ako.
" Sorry babe, sa susunod hihintayin na lang kitang tumawag saakin nang saganon hindi kana makulitan sa akin."
Magsasalita pa sana ako ng babaan niya ang ng linya. Pakiramdam ko wala na akong halaga sakanya pero pilit ko parin siyang iniintindi dahil mahal na mahal ko siya.
Ganito pala ang feeling na mabalewa ng taong mahal mo masakit sa dibdib na sa iyak mo lang mailalabas ang sakit.
Pinandigan ko talaga na hindi siya kulitin sa kakatawag pero minu-minuto ko naman chinecheck ang phone ko baka magtext siya kahit man lang tuldok kuntento na ako. Pero nadismaya ako ni isa wala akong natanggap mula sakanya.
Ilang linggo akong naghihintay , umaasa na maalala niya ako. Sa mga nagdaang linggo marami akong naririnig na tsismis na nakita nilang may kaholding hands ang nobyo ko. Sanaktan ako sa tsismis oo pero gusto ko munang makasiguro kung totoo bang niloloko niya ako . Kung sakali man na totoo maluwag sa loob kung palayain siya kahit mahal na mahal ko pa siya.
Sumunod hindi na lang mga tsismis ang kumakalat kundi may proweba na . Nakuhanan ng litrato ng isa sa mga schoolmate ko na nakayakap si Brinson sa likod ng babaeng opposite ko , mayaman at maganda. Kusang nagsilaglagan ang mga taksil kung mga luha. Bakit kaya luha ang kasunod ng sakit?
Kahit sobrang sakit na pilit kung nilakasan ang loob . That time napagdesisyunan kung puntahan na si Brinson sa kanilang eskwelahan. Sinamahan pa ako ng mga classmates ko hindi para suportahan ako kundi para makumpirma talaga nila kung totoo ngang niloloko ako ng boyfriend ko. Ni isang kaibigan wala ako kaya umaasa ako sana hindi totoo ang lahat. Si Brinson hindi lang kasintahan ang turing ko sakanya kundi isa ding kaibigan.
YOU ARE READING
Without me
Teen Fiction*Tragic story alert* Hindi lahat ng pagmamahal tama minsan maling akala lang pala.
