KABANATA 36

875 45 10
                                    

Kabanata 36

■Destiny■

Nag scattered ang maids and butler sa loob ng mansion matapos ediklara ni Mr.Black ang kanyang bagong pusa.

Inutos nyang paliguan at pakainin muna ito.

May tinawagan pa syang kung sino saka inutos na bumili ng mini bed for a cat.

Matapos nun ay pumunta agad kami sa sala.

"That Sinigang na Bangus is really delicious but also dangerous. I won't eat it again." Mahinang sabi nya pagkaupo nya sa single sofa pero rinig ko padin.

"You can eat the same dish. Pero hindi bangus. It's sinigang na manok" sabi ko

Napalingon agad sya sa akin.

"R-really?" Excited na tanong nya.

Tumango ako.

"Then cook me Sinigang na manok. I want to--"

"Stop" pigil ko sa kanya.

"I'll cook it for you next time. It's already late. May trabaho pa ako" sabi ko

"Trabaho? You mean in the coffee shop?"

Tumango ako

"Huh? Pero diba may trabaho ka na? The salary is surprisingly big too. Bakit ka pa magta trabaho sa shop nayon?" Tanong nya

"Alangan. I need extra money"

"B-but--"

"No buts Mr.Black" singhal ko.

"Okay I got it. I'll make it 5,000 dollars so stop working in that coffee shop" penal na sabi nya.

What a rich boy.

Ang sarap sana sa tainga eh kaso masyado nang abusado pag ganun kaya umiling ako.

"No, thank you. My salary is more enough--"

"Then cook me another dishes" he insisted

"No" Mabilis na sagot ko.

"Eeehhh but I want more" he pouted.

"E di hintayin mo akong matapos sa trabaho ko." Simpleng sabi ko.

"Kukunin ko muna ang phone ko sa kwarto mo" dagdag ko saka pumanhik na.

Pagkapasok ko sa kwarto nya ay hinanap ko agad kung nasaan ang cellphone ko.

"Nandito lang yun eh. Saan ko nga yun nailagay?" Tanong ko sa sarili ko habang naghahanap.

Sa ilalim ng kama, sa ibabaw ng kama, sa side table ng kama nya, sa sahig, at kung saan saan pa.

Maya maya pa ay sa wakas nahanap ko din. Nasa ilalim pala ng unan nya. Natabunan.

Lalabas na sana ako ng mapansin ko ang mini library nya sa tabi ng walk in closet nya.

Lumapit ako doon saka tinignan ito.

There's a lot of rare books. Yung mga librong limited edition at galing sa mga sikat na author.

It's all interesting. Ang kaso ay nabasa ko na iyon lahat.

Nang tingnan ko pa ang ibang libro ay may nakita akung libro na hindi pamilyar.

Nangunot ang nuo ko.

Madalang lang akung makakita ng hindi pamilyar na libro kaya na e-excite ako pag nakakakita ako.

Mabilis ko itong hinila.

Pero nagtaka ako ng hindi ko ito mailabas mula sa book shelve.

Imbis ay may narinig akung parang may bumukas.

THAT GIRL IS SURPRISINGLY RICH! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon