Halos mahulog ang panga ko dahil sa nalaman ko. Ang pangit naman ng background ng bibeng ito. Except sa pwede siyang makatulog ng tatlong araw straight pero kahit na, wala din naman iyong halaga.

"Gagamitin mo ang katawan na ito para baguhin ang buhay ni Amethyst at para paibigin ang limang targets."

"Teka paano ko malalaman kung sino ang targets ko?"

"Ikaw mismo ang hahanap sa kanila. Wag kang mag-alala, tutulungan naman kita. Ako ang pinaka cute at pinakamagaling na guide sa White System!"

Nainis naman ako sa sinabi niya. Kinuha ko ulit siya at piniga ng mahina. "Aray! Bitawan mo ako! Hindi ako makahinga! Ang sama mo talaga!"

"You better be do your job well, or else.." banta ko sa kanya sabay squeeze sa kanya.

"Oo na, oo na! Bitawan mo na ako. Huhuhu."

Binitawan ko siya at hingal na tiningnan ako ng masama. "Ang sama mo talaga!" Sigaw niya sabay sugod sa akin. Agad ko naman siyang napigilan gamit ang palad ko kaya ayun, na flat at nahulog sa sahig.

"Daisy, sabihin mo nga lahat ng tungkol sa task ko at sa White System."

Tumingin siya sa akin ng masama. "Hmp. Ewan ko sayo! Mabulok ka diyan."

Then I gave Daisy a deadly glare. "Sasabihin mo o pipigain kita?" Pagbabanta ko gamit ang isang nakakatakot na boses. I also grinned evilly.

"O-oo na! Sasabihin ko na!" umiiyak na sabi niya.

"Ano yun?"

Bumalik ulit ang sigla ni Daisy at nagbago ang paligid namin. Parang bumalik kami sa white system.

"Listen up, dearest guest! Your cutest guide will tell everything you need to know about Amethyst and the task!" Parang host sa tv show na sabi niya.

I stayed in poker face. Ang cute ng pusang to, pero hindi ko ipapakita, parang nababakla na talaga ako eh.

"Amethyst died in her sleep. As you can see, patay na ang totoong Amethyst at ang kaluluwa mo ang pumasok sa kanya,"

"....lahat ng memories ni Amethyst ay mapupunta narin sayo."

Lumaki ang mata ko ang biglang sumakit ang ulo ko. May nakikita akong mga eksena, hindi pamilyar na mga eksena. May nakikita akong isang batang babae, binuhusan siya ng tubig ng kapwa niya batang babae. May nakikita din akong blurred scenes tungkol parin sa pagpapahirap sa batang babae ng pamilya niya.

Kawawa naman ang batang nakikita ko. Bakit ko nakikita ang mga ito? Ito ba ang memories ng dating Amethyst? Na naging akin na?

"Kinakawawa ba si Amethyst nang pamilya niya?" tanong ko.

"Oo. Mayaman ang pamilya ng papa ni Amethyst. Simula nuong nakabuntis ng isang mahirap ang tagapagmana ng mga Lin, which is ang mama ni Amethyst, kinakawawa sila ng palihim ng pamilya nila sa likod ng papa niya. Mahal ng papa niya ang mama niya at siya, palagi niyang pinotrotektahan ang dalawa. Si Amethyst din ang hinirang niyang susunod na tagapagmana sa kayaman ng mga Lin. Nang mamatay sa isang aksidente ang papa niya, kinuha ang pwesto ni Amethyst bilang tagapagmana at kinawawa ang mag-ina."

Sumakit ulit ang ulo ko. May nakita ulit akong flash. May nakita akong dalawang babae ulit, hindi si Amethyst. Para silang mag-ina. Tumatawa sila habang tinitingnan si Amethyst na umiiyak. Sa alaala ni Amethyst, ang dalawang babaeng iyon ay si Tita Lucia at ang pinsan niyang si Chanel. Asawa ng kapatid ng papa niya si Lucia at si Chanel ang anak nila. Ang dalawag mag-ina ay ang palaging nagpapahirap kay Amethyst at sa mama niya na magiging mama ko narin.

I felt sadness.

Si mama. Kamusta na kaya sila? Si ate at si papa? Paniguradong nagluluksa na iyon sila.

Ganun pa man, ang swerte ko parin dahil kompleto ang pamilya ko. Hindi kaparehas sa buhay ni Amethyst. Kung hindi lang siya lumaking isip bata at madaling mauuto, baka buhay pa siya ngayon. Chair up, Zander.

"At ang goal mo ay ayusin ang buhay ni Amethyst at painlovin ang apat na lalaking targets. Sa bawat accomplishment may ma re-recieve na verbal awards."

"Pero ngayon mag fo-focus ka muna sa pag aayos sa buhay ni Amethyst. Kailangan mong makuha ang dapat sayo." nakangiting sabi ni Daisy sa akin.

Sigh. For the sake of my life, and because I really pity Amethyst, pinapangako ko na kukunin ko ang dapat sa akin. Ipaghihiganti ko si Amethyst.

TUMAYO ako at hinanap ang bathroom. Ayon sa mga memories ni Amethyst, which is naging akin na simula noong pumasok ang kaluluwa ko sa katawan niya, nandito sa left ang cr.

Pumasok ako at agad nagtungo sa salamin. Parang nag freeze ang oras the moment nang makita ko ang mukha ni Amethyst.
Ang..........ang.........ang pangit naman ng babaeng to! HAHAHAHAHAHAHA.

"HAHAHAHAHA. Ganito pala mukha niya. Ang pangit talaga. HAHAHAHAHAHA-aray!"

Napa-aray ako nang may biglang bumatok sa akin. Agad kong nilingon ang bumatok sa akin at nakita ko si Daisy na nakasimangot. "Hoy! Ang sinasabi mong pangit na mukha ay magiging mukha mo na ngayon! You literally just insulted yourself!" sigaw niya sa akin.

Para namang gumuho ang mundo ko nang ma realize yun. Pakshet! Ang gwapo kong mukha! Bakit naging ganito? "B-bakit hindi mo sinabi agad...." Hindi makapaniwalang na sabi ko.

Ang daming nakakandarapa sa kagwapuhan ko. Ngayon bakit naging ganito? Pinaparusahan talaga ako ni god almighty. I promise, in my next life, hindi na talaga ako mag-loloko.

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong paligid. Ang dumi talaga. Ang baho talaga ng background ng Amethyst na ito. Kasing baho ng hygiene niya.

Naligo ako at naghanap sa wardrobe. Walang maayos na damit si Amethyst na ito. Ang pangit at wala man lang style. Kung sa bagay, ano ba ang aasahan mo sa isang bobita, stupida at isip batang katulad niya? Thus, palagi din siyang binubully ng pamilya niya at sa school.

Nagsuot nalang ako nang t-shirt at cardigan. Yun lang kasi ang nakikita kong hindi weird kapag sinusuot ko. Hindi pa talaga ako sanay maging babae. Hays.

Nilinis ko ang kwarto ni Amethyst. Umabot ako nang isang oras bago ko nalinis lahat.

"Whooh! Natapos narin!" sabi ko sabay punas sa pawis ko.

"DEAREST GUEST!"

Muntik na akong matumba dahil sa pagsigaw ng bwisit ba bubwit na ito. Parang kabute. "Ano ba Daisy! Wag ka ngang sigaw ng sigaw!"

"Ehehehe, sorry dearest guest. First mission unlocked! Dumating na ang una mong mission! Kailangan mo nang magpakita sa mga bad mong kapamilya."

"Huh? Ano?" takang tanong ko.

"Birthday ni Chanel at may party sa baba. Ni lock ng mga katulong si Amethyst sa kwartong ito para hindi siya manggulo sa party. Alam ko namang kaya mong buksan ng walang kahirap hirap ang pinto."

Ano bang sinasabi ng pusang to? Kakatapos ko lang maglinis! Pwedeng magpahinga muna?

"Kailangan mo nang magpagwapo I mean, magpaganda! Wag kang mag-alala, tutulungan ka ng pinaka cute mong-"

Hindi ko na siya pinatapos. "Oo na, gasgas na ang linyang yan." sabi ko sabay tayo.

"Alright. Let's do this!"

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now