Tumigil ang tingin ko sa dulong gilid nitong bahay nina Kiel. Basurahan nila yun. May napansin akong box dun na may laman na something black na.. na mukhang hawakan ng gitara..

Kinabahan ako. Di kaya... N-No.. no..

Madali at kinakabahan kong nilapitan yung box.

At para namang may humugot sa puso ko sa nakita ko. Masakit at di ko napigilang maluha.

Tama ang hinala ko eh.. Si.. Si Badtz itong gitara.. Pero.. sira na sya.. SIRANG-SIRA.. Yung pagkasira nya, makikita mo yung galit ni Kiel.. Halatang pinanggigilan nya yang hinampas sa kung saan kaya ayan.. Kulang na lang madurog..parang yung puso ko ngayon..

Lumuhod ako at hinawakan ang ilang parte ni Badtz.

Ganito ba.. Ganito ba kagalit sakin si Kiel?

Sarkastiko akong natawa sa tanong ko.

Kailangan ko pa ba kasing itanong yun? Sobrang given naman na ang sagot diba? Na ganito talaga kagalit sakin si Kiel. Galit na galit sya sakin pero di nya ko magawang saktan kaya kay Badtz nya na lang inilabas ang galit nya. Si Badtz na regalo nya sakin..

Nagpatuloy sa pag-agos ang luha ko. Hanggang sa makarinig ako ng boses ng isang babae na di ko kilala at boses ng..boses pala ni Kiel! Tumatawa sila at papasok na ng gate!

Kumilos ako para magtago pero wala nga pala kong mapagtataguan dito! Ah potek!

Pinunasan ko na lang ang mga luha ko. Bahala na kung makita nya ko dito o kausapin nya ko o.. saktan nya ko..

Napangisi ako sa salitang 'saktan'. Pagkapasok na pagkapasok pa lang kasi ni Kiel sa gate, nasaktan na ko sa nakita ko. Bakit hindi eh nakaakbay sya sa isang babae na di ko kilala. Mukha pa silang nakainom.

Nanahimik na lang ako sa kinatatayuan ko at pilit na di pinansin ang sakit sa bawat pagtibok ng puso ko. Pero ano na ba? Ano nang gagawin ko?

Gusto ko matawa. Di kasi nila ko napansin dito. Dumiretso sila sa front door na medyo nahihirapang buksan ni Kiel.

Sa galaw nya, alam ko at sigurado ako, lasing sya.

Eh? T-Teka.. Lasing sya at papapasukin nya dyan ang babaeng yan?

"Uy. May tao pala oh, Ezekiel." napansin din ako nung babae.

Attractive sya ah at kung porma ang pag-uusapan, magkaibang-magkaiba kami. Sya, wild and girly ang style samantalang ako, tough and boyish.

"Huh? Sin--" napatingin na rin sakin si Kiel. Mapupungay ang mga mata nya na tumitig sakin.

KIEL..

Gusto ko syang tawagin at kausapin pero bakit ganito? Wala akong lakas para magsalita.

"Ba't ka nandito?" mahinahon nyang tanong.

Di pa rin ako makapagsalita. Yung sakit na nararamdaman ko, lumala pa at nahaluan ng takot at sobrang lungkot. Mahinahon nga kasi ang boses ni Kiel pero ramdam ko ang GALIT sa titig nya sakin.

"Kilala mo sya, Ezekiel?" tanong nung babae na yumakap pa sa braso nya!

Gusto ko sya hatakin palayo kay Kiel! Anong karapatan nya para landiin nang ganyan ang boyfriend ko?!

"Ex-gf ko yan."

Natigilan ako. Lahat tumigil sakin sa sagot na yun ni Kiel sa babae. Tumigil ang pagtibok ng puso ko, ang pag-function ng utak ko, ang pag-ikot ng mundo ko, ang paghinga ko, LAHAT LAHAT NA.

EX daw.. EX-GF.. Ako..

Ha.. Haha.. Oo nga pala, nakipagbreak na sya sakin kanina.. Hahaha.. Ang sarap naman pagtawanan ng sarili ko.. Tinawag ko pa syang BOYFRIEND sa isip ko eh wala na nga pala kami.. Haha.. Ang sakit..

That BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon