Last Talk

2 0 0
                                        

Naging masaya ang pagiging magkasintahan nila Jean at Cris. Katulad ng ibang magkasintahan, may mga pag aaway, tampuhan, at di pagkakaintindihan. Hanggang umabot na sa puntong nagsasawa na sila sa paulit ulit na dahilan.

Dumating na sila sa punto na natitiis nila ang isa't isang hindi kausapin. At dahil dun nagsimula nang manlamig ang kanilang relasyon.

Nawalan na sila nang communication sa isa't isa. Hanggang sa umabot na nang ilang buwan na wala silang kumustahan at pag uusap.

Isang taon pa ang lumipas, nagkaroon ng bagong kasintahan si Jean. Naging masaya naman sila. Nararamdaman naman niya na mahal siya ng bago niyang boyfriend. Nakakalimot na siya sa nakaraan niya, nang biglang...

JEAN:The heck!!! Anung pinagsasabi nito?!.

May nakita siyang pamilyar na mukha facebook.

JEAN: Mukhang ako ata pinapatamaan nito! Anung problema nito?!

Nakita niya ang mga post ni Cris. Nagsimula siya mangalkal at nagulat siya sa kanyang mga nakikita.

Hinayaan niya nalang muna for the sake of peace. Ayaw niya ng gulo, masaya na siya sa bago niya at wala na dapat siyang alalahanin pa.

Mga 3 buwan ang lumipas, na hack ang account niya. Isa sa mga pumasok sa isip niya na pweding gumawa nun sa kanya ay si Cris. Gusto niyang sumabog sa galit.

Nagresearch siya at gusto niya malaman ang address at pinagtatrabahoan ni Cris, para sana kumprontahin niya. Nagpasama siya sa mama niya para puntahan si cris sa bahay nila.

Habang nasa byahe, nanggigigil si Jean.

Mama: Kumalma ka nga nak! baka kung anung mangyari satin sa daan.

Jean: Nakakainis lang kasi ma! nanahimik na nga ako tapos ganun pa gagawin niya sakin.

Mama: Ako unang bababa, ako muna kakausap, Kumalma ka.

Ilang minuto pa, nasa tapat sa sila ng bahay ni Cris.

Mama: Diyan ka muna, ako kakausap.

Nagdoorbell siya sabay tawag kay Cris.

Ilang sandali pa, Lumabas na si Cris. Nasurprisa sa kanyang nakita.

Cris: T-tita... anung ginagawa niyo dito? p-pasok muna ho kayo.

Mama: Hindi na iho, naparito kami para sa isang personal na bagay. Gusto naming malaman kung bat mo ginawa yun?

Nagulat si Cris sa kanyang narinig. Kasabay nun ang paglabas ni Jean sa kutse.

Cris: Huh?! Anung ginawa? wala po akong ginagawa.

Di na nakapagpigil si Jean sa sobrang gigil.

Jean: Anung wala?!!! Una nagpost ka ng mga patama laban sakin, kesyo hindi kita maintindihan at di ako naging mabuting girlfriend sayo. Tapos ngayon, nagawa mo pang e-hack account ko.

Sobrang nagulat siya sa mga sinabi ni Jean. Wala siyang idea sa mga nangyayari.

Cris: Post? Hack? ..Anung ibig mong sabihin?

Kinuha ni Jean ang kanyang Phone at pinakita ang mga naka-screenshots mula sa post ni Cris.

Jean: Ohhh ayan! diba post mo yan?

Cris: Mmm... Wait lang... Oo post ko yan pero...

Jean: Pero anu?! Gagawa ka nanaman ng palusot?

Mama: Hayaan mo siyang magpaliwanag, hindi nakukuha ang solusyon sa pagbabangayan.

Cris: Ganito po kasi yan, Oo post ko yun. Pero hindi po para kay Jean yun.
Page ko po yun at wala po akong intensiyon na patamaan siya. Kasi naging kasintahan ko naman po siya, at alam niyo yun tita kung gaanu ko pahalagahan si Jean.

Jean: Wag mong iniiba ang usapan! bakit ganun ang mga post mo? bat parang naging masama akong girlfriend sayo.

Cris: Uulitin ko, hindi para sayo yun. Sorry... kung natamaan ka... sorry kung na offend ka sa mga post ko.

Jean: Suuuus! ehhh yung panghahack mo sa account ko?!

Napangiti si Cris.

Jean: May nakakatawa ba sa sinabi ko???

biglang balik seryuso mukha ni Cris

Cris: W-wala... wala naman.

Jean: Ehhh bat nakangiti ka?!

Cris: Di ko magagawang manghack nang account at alam mo yun. Simula nang hindi tayo mag usap di ko na mabuksan account mo, pinalitan mo siguro ng password.

Biglang sumabat ang Mama ni Jean.

Mama: Bakit nga kayo naghiwalay? Gusto ko rin maliwanagan ehhh. Kasi Okay naman kayo, masaya kayo at may mga plano sa buhay.

Cris: Hummp... Gustong gusto ko rin po sanang pag usapan to, total narito ka rin naman, Bat di mo sabihin kay tita ang dahilan.

Jean: Para anu pa? tsaka wala nang dapat pag usapan, nakaraan na yun. Anu pang habol mo?

Cris: Kalinawan, si tita gusto rin niyang malaman. Bat di mo sabihin.

Jean: Wala akong dapat na ipaliwanag.

Mama: Anu ba kasing totoong nangyari sa inyo?!

Cris: Nagkaroon po nang third-party.

Mama: Akala ko ba ikaw Cris ang biglang nanlamig sa inyong dalawa.

Biglang nalungkot si Cris sa kanyang Narinig.

Cris: Meron po kaming naging pagtatalo tungkol sa maliit na bagay. Na pinagsimulan nang hindi pag papansinan.

Mama: Ohhh... ehh bakit hindi niyo pinag usapan?

Biglang nag iba ang aura ng mukha ni Jean. Kita sa mukha niya ang guilt at lungkot dahil bumabalik sa ala ala niya yung nakaraan.

Cris: Nakablock po ako sa facebook at messenger niya.


Last TalkWhere stories live. Discover now