PROLOGUE

228 29 7
                                        

Prologue

"Hey, get out of my way!" maririnig mong sigaw mula sa path way ng campus.

Samantha's P.O.V

"Sam, chill, umagang umaga bad mood ka na naman." Sabi ni Zabby, kaibigan ko since elementary palang kami. We were like sisters.

"Kaya nga, 'di mo man lang ba babaguhin 'yang ugali mo?" tanong naman ni Cloe, isa rin sa kaibigan ko since elementary-like Zabby, we were like sisters na rin.

"Ano'ng bago? Ano'ng babaguhin ko?" sabi ko naman, "Simula noong namatay si mommy nagkanda letse letse na ang buhay ko." walang emosiyong saad ko at naglakad nalang bitbit ang bag ko at isinalpak ang earphones ko para pa- kalmahin ang sarili ko.

"Ikaw kasi kung ano ano sinasabi mo! Hayaan nalang natin siya, mamaya magiging okay na siya." Rinig kong sabi ni Zabby. Kahit kailan talaga malakas boses ng babaeng iyon.

Ewan ko ba, napakadaya ng buhay sa akin. Ako nalang lagi nahihirapan. Nagkaganito naman kasi ako simula noong namatay si mommy. Noong namatay kasi si mommy wala nalang alam gawin si daddy kundi gastusin ang mga pera ng kumpanya sa mga walang kwentang bagay. Lagi nalang siyang lasing at muntikan narin nalugi ang kumpaniya dahil sa kanya. Buti nalang meron si Tita Amanda, ang mommy ni Cloe para tulungan ang kumpanya.

I just can't hold my anger kaya nabubuhos ko sa mga tao sa labas ang galit ko. Kung tatanungin ako kung kailan ako magbabago, hindi ko rin alam. Suicide is already inside my mind pero inaalala ko 'yong kaisa-isang kapatid kong lalaki na 14 years old pa lang. Baka kasi kung ano ano na gawin ni daddy roon.

"Hey Sam, okay ka na?" rinig kong sabi ni Zabby. Tumango nalang ako bilang sagot.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, katatapos lang ng klase namin.

"Hey Sam, anong gagawin mo sa sabado?" Tumingin ako kay Cloe at nagkibit-balikat na lang.

"Dating gawi nalang Sam! Para hindi ka makaramdam ng boredom sa house ninyo kahit nandoon na lahat. You know naman na, we are one call away. Lagi kaming nandiyan para sa'yo." Nakangiting sabi naman ni Zabby kaya nagtipid nalang ako ng ngiti sakanila.

Ang dating gawi na tinutukoy nila ay ang sila nalang ang pupunta sa bahay namin just to have fun. Sila na ata ang itinuturing kong pamilya including Aki. Whenever I am with them I always have the chance to be myself. To be free, kaya sinusulit ko nalang lagi para worth it. Sila nalang kasi 'yong mga nakaiintindi sa akin.

Ilang sandali pa, may naramdaman akong kumalabit sa akin.

"Miss Monteverde?" rinig kong tawag sa'kin, lumingon ako at nakita ko si Ma'am Cruz.

"What?" maikli kong sagot.

"Pinapatawag ka sa Principal's office." Sabi niya at tumalikod na.

"At tinatalikuran mo na ako? Baka di mo kilala kung sino'ng kausap mo?" sabi ko at lumingon siya sa'kin.

"S-sorry po." Sabi niya at natarantang tumalikod at dumeretso sa classroom niya.

"Let me deal with this first." Sabi ko sa mga kaibigan ko at tumayo dala ang bag ko.

"Chill lang, Sam! Maghihintay kami!" rinig kong sigaw ni Cloe kaya kumaway na lang ako sakanila without even looking.

Habang naglalakad ay nagcecellphone ako, tinitingnan ko lang kung may mga notifications sa mga social media apps ko.

"Hoy tabi!" rinig kong sigaw ng isang lalake at pagangat ko ng ulo ay nakita ko ang lalakeng tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Di na ako nakailag kasi sobrang bilis ng mga pangyayari.

Tuluyan na siyang bumunggo sa akin at tila ba'y nanghina ako at natumba nalang sa sahig. Nakita ko nalang na may mga taong nakadungaw sa akin at nawalan nalang ako ng malay.


~

-zeeya-

Still You (COMPLETED)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora