But...





"Kung hindi ka komportable magsabi, ayos lang naman. Hindi naman kita pinipilit. Basta ang akin lang, nandito ako kung gusto mo rin ng kausap. We all need that, though."







Napansin kong nakatitig lang siya sa akin kaya mas lalo kong itinuon ang atensyon sa pool. Hindi ko rin naman hinihintay ang sagot niya sa mga sinabi ko. That was also risky for me to say dahil hindi naman ako ganoon palagi. Hindi rin ako magaling mag-comfort pero kahit paano ay magaling naman ako makinig. Kahit na minsan ay matigas talaga ang ulo ko...







"The press wanted an interview about what happened from my last race." Nang magsalita siya ay saka ko lang din siya nilingon. But this time, he wasn't looking at me anymore. Nakatingin na lamang siya sa wine glass na walang laman.







"My crew chief died four days ago. It was unexpected. He was shot by two people in a mask with laurel leaves on it as their symbol, I believe. I don't know what the hell it means. I didn't just lost a crew chief that night. I also lost a best friend."







Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na apat na araw pa lang ang nakalilipas. I was speechless. Ni hindi iyon lumabas sa balita o sa kahit anong platform kaya hindi ko alam. And it was also something about the people in the car racing industry, alam din ba kaya ni Kuya Kenzo ito?






I tried to absorb it first before speaking. That familiar feeling of losing a friend... Mabuti na lang pala talaga ay umepal ako sa kanya ngayon. Kung hindi ay hindi ko pa rin malalaman na mabigat pala ang dinadala niya na alam kong kahit anong alak ay hindi no'n maaalis ang sakit. "I understand. I told you, I know how it feels. Kung gusto mo umiyak, okay lang."






"Hindi ako iiyak sa harap mo, Keira. Nakakahiya 'yon para sa'kin."






"Walang nakakahiya sa paglabas ng mga nararamdaman. Mas nakakabuti 'yon para mabawasan ang bigat kaysa sa gabi-gabi mong kinikimkim."






"Kahit naman anong gawin ko, hindi no'n mababalik ang kaibigan ko, Keira. But, thank you. I appreciate your concerns." He smiled, finally looking at me again.






"Kaya ka pala nag-iinom dito palagi. Dalawang gabi ka na rin hindi sumasabay sa amin sa dinner ng Papa at Lolo mo. Alam din ba nila ang tungkol dito?"






Tumango siya. "Actually, they're helping me to find a new crew chief. I have a race waiting for me next year but I'm planning to stop for a while."






"Huh?! Bakit titigil ka? Sayang naman!"






"Mahirap maghanap ng panibagong tao, Keira. Ayoko rin ng basta-basta na lang. Plano ko na ring umalis sa mundo ng karera dahil sa nangyari. I don't think I can continue after what happened."






"Tanungin ko si Kuya Kenzo kung may kilala siya."






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now