chapter6 : shine in destiny land :)

56 2 0
                                    

"wow! ang ganda naman dito..!" namamanghang sabi ni shine.

inikot nya ang paningin sa paligid..ngayon lang sya nakakita ng ganitong kagandang lugar..malinaw ang tubig,,mahiwaga ang mga halaman..mga kumikislap n makukulay na paru-paro at marami pang kakaibang mga bagay.. 

"sa fairytale lang ako nakakita ng ganito ah..teka..! nasan nga ba ako?" sabi ni shine sa sarili

"if you believe in fairytale,you might also believe in destiny"

napalingon si shine sa nagsasalita..

"nandito ka ngayon sa destiny land,ang lugar kung saan isinasaayos ang buhay pag-ibig ng tao"

pagpapakilala ni cupid sa lugar nila..

"wow.! ang ganda ng damit nyo..may costume party ba dito?" tanong ni shine

"wala ka bang naaalala sa mga nangyari?" tanong naman ni faith.

"nangyari?? ayy..naku..tae ng kalabaw...yung mga barya kong nalaglag sa kalsada..sayang naman yun..teka..wala bang dumadaang jeep dito??malayo ba toh sa bar na pinuntahan namin..?"

nagtinginan si faith at cupid..nagkibit balikat na lamang sila..iginiya nila si shine papunta sa isang sulok ng destiny land..

"panuorin mo toh shine..ito ang nangyari sayo noong gabing iyon..." ani cupid

"ang ganda naman ng tv nyo,,nasa ulap.." sabi ni shine

nanatili silang nakatingin sa pinapanuod nila..

unti-unting bumalik sa isipan ni shine ang lalaking nasa sasakyan..

"lokong lalaki yun..! " nasambit nya sa sarili

"naalala mo na ba?" tanong ni faith.

tumango si shine..

"humihingi kami ng tawad,kasalanan namin ang lahat.." ani faith

takang tumingin sya sa dalawa

"kasalanan nyo?" tanong ni shine

"kami ang nagsasaayos ng buhay pag-ibig mo,ngunit sa kasamaang palad..mali ang nangyari sa pagtatagpo ninyo.." paliwanag ni cupid

"pagtatagpo?"tanong ni shine

"oo,ayon sa aklat ng kapalaran,kayo ang nakatadhana para sa isa't isa"

"am i already dead?" tanong ni shine

"no,nagpapagamot ka ngayon sa isang ospital ..tingnan mo" sagot ni faith

 at tumingin si shine sa destiny vision..

**(sa ospital)**

 nasa emergency room si shine habang nasa labas naman si ralph,hindi sya mapakali..

"problema nanaman,ano ba kasing ginagawa ng babaeng yon sa kalsada,,?shit!"  sabi ni ralph sa sarili..

maya-maya ay nakita ni ralph ang mommy at daddy nya na palapit sa kanya,nagmamadali.

"anak,what happened?ok ka lang ba?" tanong ng mommy nya

"ma? i thought ...mom,are u drunk?galing po ba kayo sa bar?"tanong ni ralph..

"no son..hindi uminom ang mommy mo,we had dinner together"sagot ng daddy nya..

nagulat sya sa pagkakataong iyon..hindi lang dahil sa hindi pla nagpunta ng bar ang mommy nya..kundi dahil rin sa maayos n pla ang mama'tpapa nya..and take note,tinawag syang "son" ng daddy nya..buong buhay nya ay ngayon lamang sya nito kinilalang anak..

"anak,ano bang nangyari?" tanong ng mommy nya

"pano ba naman ma,ung babaeng kasalukuyang nasa ER,humarang sa kalsadang dinadaanan ng sasakyan ko..i was on my way to pick you up..jun called me and said you were in the bar daw..so nagmadali ako,mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan,at ito namang babaeng toh,paharang harang.."  pagpapaliwanag ni ralph

pinatay na ni cupid ang destiny vision,dahil nakikita na nya ang panggigigil sa muka ni shine..

"aba! sya na nga tong nakasagasa..ako pa yung sinisisi nya..aba! kung sya rin lang naman ang makakatuluyan ko,mas mabuti ng mamatay,kahit pogi pa sya,masama naman ugali,nonsense" gigil na sabi ni shine.

"hindi mo pa lubos na kilala si ralph" paliwanag ni cupid

"sus.! kahit wag ko na syang makilala" sagot naman ni shine

tumingin ng masama si cupid kay faith..

"dapat di mo na lang pinanood sa kanya,malalagot tayo nito kay bathala eh" bulong nya kay faith

"alam mo shine,ang nakatadhana ay nakatadhana.." ani faith

"kailangan mong mabuhay..para maganap ang dapat maganap.." ani cupid

"nahihirapan na ko sa buhay ko..dito na lang ako titira sa inyo.." sagot ni shine at humiga sa isang malaking dahon..

"kailangan mong mabuhay dahil hindi mo pa nakikilala ang tatay mo"

napadilat ang mata ni shine na dapat ay papikit na..

"ang tatay ko?" tanong ni shine

"kasama yun sa kabanata ng buhay mo..magkakakilala kayo ng tatay mo.."

"kailangan mo ring mabuhay para samin..mawawala kami ni faith dito oras na mawala ka sa mundo..at kapag hindi naging matagumpay ang buhay pag-ibig mo" paliwanag ni cupid

"papaalala ko lamang sayo..hindi namin natitiyak kung mabubuhay ka pa..hindi namin hawak ang buhay mo,kaya kung ako sayo..hahayaan kong mag-enjoy ang sarili ko sa lupa habang hindi pa naisasagawa ang  hatol para sakin.."dagdag nman ni faith 

"ok sige..pero anong gagawin ko?" tanong ni shine

"habang hindi pa tuluyang nagigising ang katawan mo,,mananatili ka sa tabi ni ralph..sasamahan mo sya palagi .." sagot ni cupid

"bakit yun pah??"

"hindi ka maaaring manatili dito..at yun nalang ang maaring gawin mo."

napabuntong hininga si shine..kung yun na lamang ang tanging paraan para magkakilala na sila ng tatay nya ay gagawin nya..

my LOVER is a GHOST..!!??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon