chapter1 : meet miss DESTINY :)

246 4 4
                                    

si sunshine ay isang workaholic na tao..

wala syang time para magsaya,,

wala syang time sa lovelife...

pero kahit anong sakripisyo nya,,

talaga atang ayaw ng lumapit ng swerte sa kanya..

nagsimula ang kamalasan nya noong..

*flashback* 

"manong!! manong!! sasakay po.."

huminto ang jeep sa tapat nila na kanina lang ay kinakawayan ni aling pasing..

"oh,mga anak sumakay na kayo.."

baling nya sa kanyang dalawang anak..

dali-dali namang umakyat ang dalawang bata..

"wag kayong magpapasaway sa tiya mela nyo hah" 

"eh bakit nyo pa po ba kasi kami kailangang iwanan doon eh"

sagot ng nakatatandang anak na si nicole..

"anak,ginagawa ko lang naman ito,para sa kinabukasan nyo eh..balang araw,mauunawaan nyo rin.." paliwanag ni aling pasing ..

"hayyy..kung nandito lang sana si papa.." ani nicole

wag na kayong umasa sa tatay nyo..ginagawa ko toh para sa mga pangarap nyo,diba nicole gusto mong maging doctor,at ikaw shine,diba gusto mong maging model.."

"opo,,gusto ko pong magsuot ng maraming magagandang damit..tapos makikita ako sa tv,sisikat na po ako"     wika ni sunshine na abot tenga ang ngiti habang iniisip iyon..

naagaw ang atensyon nila sa pagsigaw ng tsuper..

"jusko po! kumapit kayong lahat!! nawawalan ako ng preno..! " 

yakap ni pasing ang dalawang anak nya.. umiiyak ang lahat sa takot..

nang lumiko ang jeep at bumangga sa isang malaking poste.. 

 teeett.....teeeeeeettt....teeet..

nagising si shine,puting puti ang loob ng silid na kanyang pinagtulugan..

napagtanto nya na sya pala'y nasa loob ng isang ospital..

napansin rin nya ang babaeng nakayuko sa dulo ng kanyang kama..

nang maramdaman nito ang paggalaw ng kanyang mga kamay ay agad itong bumangon at   tumingin sa kanya.. 

"kamusta ka na shine?may masakit ba??"

"tiya mela?"

"naaalala mo ba ang nangyari?"

unti-unting pumasok sa kanyang ala-ala ang aksidenteng nangyari..

"nasan si inay? nasan si ate nicole..gusto ko po silang makita.."

pagmamakaawa ni shine sa tiyahin..

bahagyang napaluha ang kanyang tiyahin..

"shine,,wala na sila..wala na ang ate at inay mo.."

natigilan si shine nang marinig iyon..tila ayaw nyang maniwala..

"tiya mela,diba po nagbibiro lang kayo..? sabihin nyo po joke lang yun..please..hindi po totoo un diba??" 

"pero shine,totoo un.."

wala ng nagawa si shine kundi umiyak ng umiyak..

*end of flashback*

simula noon ay kinupkop na sya ng kanyang tiyahin..pinag-aral..hindi man natupad ang kanyang pangarap na maging isang modelo ay nagpapasalamat parin sya..ngayon,ay isa syang tagadisenyo ng mga damit ng mga modelo..

my LOVER is a GHOST..!!??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon