I gave him a disgusted look. "Ako pa talaga ang bubuhay sa convo? Ikaw 'tong react nang react sa story ko!"

"Oh, bakit umaasa ka?" he laughed.

Malakas ko syang pinalo sa balikat at sinamaan ng tingin. The audacity! I saw his shoulders shaking because of his heartily laugh kaya napatawa na rin ako. If there's one thing I liked about him, it's his contagious laughs. Kahit noong highschool, madalas nya akong patawanin kapag may problema ako sa bahay. I really found a friend in him.

I was dumbfounded when Troy stood on his back, towering him. His brows were furrowed and his lips are in a grim line. Parang kaunting kulbit pa sa kanya ay magiging bayolente sya. Walang ideya si Joaquin ngunit sa nakitang reaksyon sa akin ay agad syang tumingin sa likod nya.

"Can I talk to Chin?" malalim ang boses na tanong nya kay Joaquin.

"Sure, bro," he replied before returning his gaze on me. "Una na ako, Achi! 'Yung sinabi ko, ha?"

I nodded and watched him as he makes his way to the hallway. Nang tumikhim si Troy ay saka lang ako bumaling sa kanya.

"Bro..." he slightly snorted.

Kumunot ang noo ko at tinapatan ang naiinis nyang mukha. Ang aga aga, galit agad! Wala naman akong ginagawa!

"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong, pinipigilan ang sarili na maawa sa kanya dahil sa naalalang rebelasyon kahapon.

"Bakit Achi ang tawag sayo non?" out-of-context nyang tanong.

My brows shot up. "That's Joaquin. He has a name, Troy."

"Troy din naman ang pangalan ko pero tinawag nya akong bro. Bakit hindi mo pinagalitan?" pagrarason nya na parang bata.

Napatanga ako nang ilang sandali sa kanya. Is he being serious?!

"Just tell me why you're here... dami mong sinasabi."

He pursed his lips at lalong lumalim ang gitla sa noo nya. Tinagilid nya nang bahagya ang ulo at kinagat ang labi. May kataasan na ang tirik ng araw kaya ang sinag ay tumatama sa pigura nya. He's looking intensely at me while he's posing sexily as if he's a model fresh from an adult magazine.

I gulped and looked away. Tangina, Chin, hindi dahil gwapo sya ay matutunaw ka na! You shouldn't trust him again! Test him! Wag kang mahulog agad, deputa ka!

"Tatawagin din kitang Achi," he informed me.

I scoffed but I didn't look back at him. Not when he's as perfect as the morning! Baka kung ano pang maramdaman kong hindi tama! For Pete's sake, kaaayos lang namin!

"Only my highschool friends can call me that, Troy."

Sa gulat ko ay iniharang nito ang katawan sa tinitingnan ko kaya napilitan akong iangat ang mata sa kanya. My glaring eyes immediately met his brooding ones.

"Bakit ganyan ka makatingin?!" nanlilisik ang matang tanong ko.

Pumikit sya nang mariin at ilang segundo lang ay nagmulat na ulit sya. This time,
his eyes were light and calm. I fought the urge to laugh. Ang bilis non, ah?

"Mas nakakatakot ka kay Sol," nangingiting saad nya. Hindi nya pinansin ang mas nanggagalaiti kong tingin dahil lumaki ang ngisi nya. "Ano palang itatawag ko sayo?"

"Anong itatawag mo sa akin?" ulit ko sa tanong nya. I don't get him.

He slightly pouted. "Gusto ko ng... c-call sign."

Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi nya. Call sign?! Ano 'to? 2012?! Kita ko ang lalong pag-nguso nya dahil sa tawa ko. I cleared my throat. Alam kong may bakas pa rin ng ngiti sa mukha ko dahil hindi ko mapigilan ang pagtawa. Call sign daw, eh.

Taming the Waves (College Series #2)Where stories live. Discover now