CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Ito ako ilang oras ng nag hihintay sakanya na umuwi dahil pasado ala syete na ng gabi wala parin siya. Kaya kumain na mo na ako ng dinner habang nag hihintay sakanya.

Maya maya na narinig ko na ang pag bukas ng pinto at hudya na dumating na siya kaya dali dali akong lumapit sakanya para yakapin sana siya kaso bigla niya na lang ako nilagpasan na parang wala siyang pakialam.

Sinundan ko siya sa loob ng kwarto at pinaka titigan ko kung ano ba nangyari sakanya.

" Babe! Kumusta yung lakad mo?" pilit ngiti kung tanong.

" Ayos naman." tipid niyang tugon.

Hindi ko alam kung nahihibang o ano tong nararamdaman ko para kasing may nagbago sa pakikitungo niya sakin.

" Babe may problema ba? Mukang hindi ka ma ayos ha.
Ano bang nangyari?" sunod sunod na tanong ko.

Iwan ko kung galit ba yung nakita ko sakanyang mata pero pinipigilan niya yung emotion na yun at halatang pilit yung pagka kangiti niya sakin iwan ko pero ang bigat sa pakiramdam.

" Ash ayos lang ako pagod lang kaya ganito. Sorry matulog na tayo." pilit ngiti niyang sabi.

Habang mag ka tabi kami sa iisang kama hindi ko mapigilan mag isip ng kung ano ano. Bakit bigla siya nagka ganun?

At ang labis na naka wasak sakin bakit parang may bakas ng lipstick yung bandang kwelyo niya ibig sabihin ba nun meron siyang iba.

Iwan ko dahil dun sa na isip ko bigla bigla na lang bumuhos yung luha ko at maya maya naka tulog na ako.

HAPPY ANNIVERSARYWhere stories live. Discover now