UM 1

8 0 0
                                    

Aimee's POV

"Aimee, are you ready?" Rinig kong sabi ni Mommy. Lumabas na ako at tumango sa kanya. She looked at me then smiled.

"You look so gorgeous, my dear daughter," she said. Ngumiti ako ng pilit at sumunod na sa kanya papunta sa sasakyan. Nang umandar na ang sasakyan, tahimik lamang ako.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin ng kotse. Suot-suot ko ang regalo ng kaibigan kong si Maria na kasalukuyang nasa ibang bansa ngayon. Ang regalo nitong dress na talaga namang kapit na kapit sa aking katawan ay masasabi kong sobrang ganda tingnan. It's a Hyper skater dress na may cherry na design. Nagustuhan ko din ang kulay nitong puti, simple lang talagang tingnan pero maganda. Suot-suot ko rin ang sling bag ko at naka-sandals na bumagay talaga sa suot ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa isang sikat na restaurant. Agad na napark ang sasakyan namin kaya agad ding lumabas si Mommy. Hindi ako gumalaw at tumingin lamang sa labas ng bintana.

Nakakaramdam ako ng kaba, siguro dahil makikita ko ang taong pakakasalan ko? I don't know.

"Aimee, halika na baka naghihintay na sila," nilingon ko si Mommy sa kabilang pintuan bago bumuntong-hininga at lumabas na ng sasakyan. Sinundan ko lang si Mommy at tumigil kami sa entrance ng restaurant. May kausap si Mommy. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at talagang mukhang mamahaling restaurant, gaano ba kasi kaya ka-yaman ang may-ari nito.

Ilang minuto siyang kinausap ng waiter bago kami pinapasok. Sinabihan kami nitong sumunod sa kanya kaya naman ay ginawa namin. Tumigil lamang kami sa isang private room at muling pumasok at sinabihan kaming umupo na nandoon na din ang isang lalaking familiar sa akin.

"Altoro, I'm sorry na late ba kami?" tanong ni Mommy at sinabihan akong umupo sa tabi niya. Umupo ako at inilibot ang paningin sa buong paligid. Tatlo lang kami rito, nasan na ang mapapangasawa ko? Ah, pakialam ko naman. Umirap ako sa naisip at ibinaling na lamang sa kausap ni Mommy ang aking paningin.

"Actually, no Madame, you're right on time," ani nito saka tumingin sa akin bago tumayo at yumuko. Nahiya naman ako kaya yumuko din ako saka ito umupo ulit.

"Anyways, nasaan na si Mr. Aleondre?" Mommy asked. Halatang nagtataka ito at hinahanap talaga si Mr. Aleondre.

"Hindi ho makakarating si Mr.—" Napahinto ito sa pagsasalita nang bigla bumukas ang likuran nitong pinto at pumasok duon ang isang lalaki. Agad na tumayo ang butler na si Altoro at yumuko rito. Ehy? Ito ba si Mr. Aleondre?

"Mr. Aleondre," masiglang sabi ni Mommy at tumayo. Sinabihan din akong tumayo nito kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo na rin. Napairap ako sa inutos nito sa akin saka napatingin sa bagong dating. May kaalaman na ito pero nahahalata kung matikas at may itsura pa ito.

"I'm sorry I'm late, I have an important meeting to attend kaya na late ako," hinging paumanhin nito at sinabihan kaming umupo.

"It's ok amigo! Anyways this is my daughter Aimee Lorena Trevino, and Aimee, this is Mr. Jacob Alexander Aleondre," sabi ni Mommy. Ngumiti naman ako.

"You can call me Tito Jacob," ani nito at inilahad sa akin ang kamay.

Agad ko naman itong tinanggap saka ngumiti. "O-okay, Tito Jacob," ani ko at bumitaw na sa pagkakahawak rito. Nagpasalamat ako ng silang dalawa na ni Mommy ang nag-uusap.

"So where's your son, Jacob?" Mommy asked. I look at Tito Jacob sana naman hindi na pumunta. Ayoko pang maikasal lalo na sa taong hindi ko naman mahal and I know hindi rin gusto nitong maikasal sa akin, I'm sure.

"Aimee, right?" napalingon ako sa harapan ko saka ako tumango. Hindi ko alam kung tama ba itong papasukin ko, hayst, iwan. Tiningnan ko siya nang mabuti at umayos ng upo.

"I'm sure my son will like you, ija, you are so pretty," saka ngisi nitong sabi saka tumingin sa relo. Ilang segundo ang lumipas bago biglang bumukas ang pinto saka may pumasok na hindi gaano katandaang babae. I looked at her, she's too gorgeous, anak ba ito ni Tito Jacob?

"I'm sorry, Leonora, na late kasi ako dahil sa anak ko, pansin ya na, mare ha," hinging paumanhin nito. Wait? Wag mong sabihing?

"Oh, is this your daughter? She's gorgeous." Parang pinamulahan yata ako ng pisngi sa sinabi nito kaya napa-yuko ako.

"Nako, mana sa akin, Sheila."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now