Case 1: Part 2

132 5 4
                                        

Continuation...

Sa madilim na kwarto na tanging ang ilaw lang mula sa screen ng computer ang nagpapaliwanag ay may nakaupong tao, abala ito sa pagtatype sa keyboard ng kanyang computer.

Sa screen ay may nakalagay na:

Facebook
Username/ E-mail : YujiOfficial@gmail.com
Password : ********

Pinindot nya ang log-in button at lumabas ang account na may pangalang Yujiro Himeno.

Tumambad sa kanya ang almost 700+ notifications, friend request na 1,200+ at 450+ na private messages.

Napangiti ito, kaya dali-dali nyang tinype sa search ang pangalang Ako si Yujiro. Kinlick nya ang nag-iisang result na lumabas dito at tinignan nya ang profile, may nakita syang bagong post na picture. Stolen shot ni Yujiro na tag mula sa classmate sa isang tea-coffee shop. Sinave photo nya ito at saka bumalik sa kanyang account na ang pangalan ay Yujiro Himeno.

Inupload nya ang picture at nilagyan ng caption: "Enjoying my favorite drink :) #LibreAko #DOTD"

Natuwa sya sa kanyang ginawa. Ilang saglit lang ay tumunog ang notification nya, isa, dalawa, tatlo hanggang sa pataas ng pataas na ang bilang ng likes sa kanyang post.

Mababakas sa labi nya ang tuwa at saya na may nakapansin sa kanyang bagong upload na picture.

Nang biglang may nagpop-up na chat box, may gustong makipag-usap sa kanya. Sinubukan nya itong pansinin.

Trixie: Hi :)
Yuji: Hello ;)
Trixie: TFTA ah? Ang cute, cute mo po! :3
Trixie: buti na lang hindi ka snob tulad ng iba.
Trixie: may gf ka na po? :p

Tinignan muna nya ang profile ni Trixie. Maganda ang babae at nag-aaral sa isang kilalang school.

Yuji: LOL, i wont snob that kind of beauty. :)
Trixie: Ayiiieee! Kinikilig naman ako. Tnx
Trixie: di mo pa sinasagot tanong ko?
Yuji: ano po yun?
Trixie: kung may gf ka na? Hihihi...
Yuji: single po
Trixie: ay bakit? o_O
Trixie: ang gwapo gwapo mo kaya, tapos wala kang gf?
Trixie: sinungaling! xD fc lang.. lol
Yuji: kasi i'm waiting for you ;*
Trixie: HAHAHAHAHA

Hanggang sa tumagal ang kanilang usapan at inabot na ng magdamag.

Yuji: baby, tulog na ko ha? Late na kasi, may pasok pa tayo bukas. :*
Trixie: mornyt baby! Iloveyou! Mwuah! :* :)
Yuji: nyt :)

~~~

Kinabukasan sa school gymnasium.

Magkasamang naglalaro ng basketball si Yujiro at Dittz at ang iba nitong mga kaklase nang may lumapit na naman sa kanila na isang grupo ng mga babae.

Napasin ni Dittz na may mga babaeng kumakaway sa kanila matapos nitong makapag-shoot ng three points sa ring, lumingon sya kay Yujiro na nakatukod ang mga kamay sa tuhod. Pawisan sila ng mga oras na yun dahil sa matagal na paglalaro.

"Yu!" Tawag ni Dittz sa kaibigan sabay nguso sa direksyon ng mga babae.

Malayo si Yujiro kay Dittz pero mababasa mo sa bibig nito ang gusto nyang sabihin sa kaibigan.

"Ano na naman?" Sabi ni Yujiro.

Ngumiti si Dittz sa mga babae at kinawayan ito pabalik, kaya mabilis na naglakad ang mga babae papunta sa kanila. Napailing naman si Yujiro.

Sinenyasan ni Dittz na lumapit ito sa kanya. Kahit labag sa kalooban ng binata ay napilitan itong lumapit.

Nagtilian naman ang mga babae.

High School Undercover FilesWhere stories live. Discover now