Stick note monster!

            Dream stealer!

            Yabang! Yabang! Yabang!

            Bigla kong naitakip sa tapat ng bibig ko 'yong isang  kamay ko para pigilan ang sarili ko na matawa sa mga nabasa ko sa stick notes ni Sitti saka ako muling napatingin sa direksyon ni TG na mahimbing pa ring natutulog.

            Dahan-dahan akong lumapit sa lugar niya saka siya niyuko at binulungan.

            "Thank you, TG."

            Nagpasalamat na lang ako na hindi siya nagising sa pagbulong ko sa kanya o kahit na sinong kasama namin dito sa kwarto niya.

            Napangiti ako sa sarili ko nang may maisip akong magandang ideya para may ibigay naman ako pabalik sa lahat ng ginawa ni TG sa akin kahapon para sa second monthsary namin.

            At sana lang hindi na siya mag-inarte pa sa ibibigay ko sa  kanya.

            "O, KAIZER! Ang aga mo naman yata nagising? Good morning!"

            Nagulat ako nang sa pagbaba ko sa sala ay nakita ko na agad si tita na umiinom ng kape sa may mesa.

            "Good morning din po, tita."

            "Gusto mo na bang magbreakfast?"

            Mabilis akong umiling saka naupo sa isang upuan malapit sa kanya. "Okay lang po ako, tita."

            "Teka! Nagtoothbrush ka na ba?"

            "Po?"

            "Naghilamos?"

            Napakunot-noo ako sa tinatanong ni tita sa akin. "Ano pong ibig nyong sabihin, tita?"

            "Anong nilalagay mo sa mukha mo? Bakit ang gwapo mo pa rin kahit bagong gising ka? Naggu-gluta ka ba? Pills? BB cream? Anong sekreto mo? Sabihin mo na dali nang magamit ko rin!"

            Hindi ko na napigilan ang matawa sa sinabi ni tita saka siya sumabay sa pagtawa na rin sa akin.

            "Pinapatawa lang kita, Kaizer. Masyado kasing nakakunot 'yang noo mo ke-aga-aga. Smile-smile din 'pag may time!"

            Napangiti ako doon sa sinabi niya. "Opo, tita."

            "Ikaw pa lang ba ang gising?"

            Tango na lang ang sinagot ko saka ako nagpasalamat nang abutan ako ni tita ng isang baso ng mainit na tsokolate na tinitimpla niya habang nag-uusap kami kanina.

            "Hindi ko na tatanungin 'yong anak kong maganda dahil mamaya pa gising no'n. Alam mo naman 'yon may pagka-aswang iyon. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Mabuti na lang at na-cancel ang klase sa lugar natin dahil sa bagyo kagabi. Kaya hindi ko na rin kayo ginising."

            Hindi na ako nagsalita pa sa mga sinabi ni tita saka sinimulang inumin 'yong kape na binigay niya.

            "Kaizer, nga pala, may balak ka bang pakasalan ang anak ko?"

            Bigla kong nabitawan ang baso na hawak ko sabay naibuga 'yong iniinom ko nang bigla na lang mapaso ang dila at bibig ko sa gulat ng tinanong ni tita.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now