We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

CHAPTER ONE

4 0 0
                                        

DREAMS

"SO how's your applying in some universities?" my brother suddenly ask me habang kumakain kami ng hapunan.

"So far, okay naman magaganda naman ang mga facilities ng ibang mga universities pero wala pa akong nagugustuhan sa mga napuntahan ko." sagot ko dito ng di ito tinitingnan at busy sa pagkain.

"Maiba nga tayo ng usapan Nes ano ba talaga ang kukunin mong kurso ngayung magka-college ka na?" biglang tanong ni
mama sakin habang seryosong nakatingin sakin.

"At wag kang sasagot ng puro kalokohan sakin, sagutin mo ko ng mayos ha"dugtong na banta pa sakin ni mama.

"Ano ba dapat kong isagot sayo ma eh wala naman na akong gusto bukod sa maging kapwa na lang para hayahay na lang ang buhay ko mama HAHAHAH" sagot ko dito kahit na alam kong maiinis na naman sya sakin.

Yun lang kasi ang lagi kong sagot sa kanila o kahit kanino basta ang tanong ay 'Ano ang kukunin mong course sa college?' o di kaya 'Ano ba ang pangarap mo para sa sarili mo?' kaya madalas akong batukan ako ng kuya ko at magalit sakin si mama na nauuwi naman sa away namin at si kuya naman ang taga-awat samin ni mama.

And just like now, this is how our conversation would end up, by suggesting their own want course for me to take in college.
Napukaw ni kuya ang isip kung naglalakbay at bigla akong napabaling sa kanya.

"I think you should get a Law course like mine cause your good at reasonings." suhestiyon naman ng kuya ko bigla na may pagka-sarcasm ng banggitin nya ang reasoning na salita, pero agad ko namang tinanggihan ang suhestiyon nya at sinabihan itong di ko trip ang ganyan dahil masakit lang yun sa utak ko.

"Eh ano ba talaga ang gusto mo ha?" tanong ni kuya na tumigil na sa pagkain at ibinaling na sakin ang buong atensyon nito.

"Just to stop this nonsense topic again, you..." sabay turo sakin ni mama "must get a Business course, cause I will build a new restaurant or something with business and you will help me to manage that every weekends and that's final." my mother said to me before finishing her food at umakyat na ito sa ikalawang palapag ng bahay namin.

"I suggest to you that just decide right now of what you want to take in your college, bago pa totohanin ni mama yung sinabi nya sayo, kilala mo na ang mama natin."  he said while pointing his index finger to me, like his lecturing me of what I should do.

Maya-maya pa sumunod na din si kuya na umakyat sa taas at ako ito na lang ang naiwan sa harap ng lamesa at iniisip kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko, Napangiwi ako bigla ng maalala ko yung sinabi sakin ni kuya na totohanin daw ni mama ang sinabi nito.

Napa buntong hininga na lang tuloy ako. Hays buhay nga naman talaga oh kainis!

Tumayo na ko at nagligpit ng pinagkainan naming mga plato sa lamesa.

Bigla na lang ako napabuntong hininga ulit ng maalala ang hindi ko na dapat pa maalala dahil baka mag bigti na talaga ako nito. Hays buhay nga naman. Sana ol talaga lahat planado na ang pangarap.

"Hays naku naman talaga buhay!" naisa tinig ko na lamang habang bitbit ko ang mga pinagkainan namin at dumiretso na ko sa lababo namin para hugasan yun.

"Salamat naman sa diyos at natapos na din ako sa paglilinis dito" saad ko habang nagpupunas ng pawis sa noo at naglakad na paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko sa taas.

At ng makita ko ang kama ko humilata agad ako dito at tumingala sa kisame ng aking kwarto at inisip ulit ang sinabi ni mama tungkol sa dapat kong kukunin na kurso sa pagkoleheyo ko, hays buhay ano ba ang dapat kong kunin?

Ayaw ko naman ng gusto ni mama na business course/s dahil hindi yun ang gusto ko baka mamaya nyan magkanda bagsak lang ako doon kasi di ko naman hilig yun at isa pa di ako MAHAL ng MATH kahit na mahal ko sya, di kasi kami mutual ng feelings iba ang gusto nya.

Ano ba talaga ang gusto ko, mula noon hanggang ngayun hindi ko na alam ang gusto ko, mula noong... Hays naman... Kasi naman eh.. Wag mo na isipin yun self!

Doon lang naman nagsimula na mablanko na ang lahat para sakin. doon lang!

#BLANKDREAMS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Ruinous CriticismsStories to obsess over. Discover now